Chapter 56 Diane’s Pov MAS lalo pa akong nalulungkot lalo na sa mga post ni Ms. Shay na alam kong si Claw ang tinutukoy niya. Palagi kong tinitignan ang account niya kung may bago ba siyang post. Nagiging stalker na ako dahil sakaka-tingin. Nag o-overthink ako dahil panay na lang ang post ni Ms. Shay ng throwback picture nilang dalawa ni Claw. Ayaw kong sabihin kay Claw ang ginagawa kong pagtingin sa social media ni Ms. Shay dahil magmumukha akong kawawa. Hindi ko gawaing mag stalk pero talagang hindi ko mapigilan dahil nakakaramdam ako ng selos. Oo, nagseselos talaga ako lalo na’t magkababata silang dalawa. Pakiramdam ko ay mas maraming alam si Ms. Shay kay Claw. Sa sobrang stress ko nga ay nag aya ako kay Jamaica ng inuman. Nandito kami sa bahay niya. Hindi kami pumasok sa last s

