Chapter 18

2111 Words
Chapter 18 Claw’s Pov PANAY ang haplos ko sa ibaba kong labi nang maalala ko ang ginawa ko kay Diane kahapon. Hindi na mawala sa isip ko ang labi niya at ang lasa ng dila niya. Nababaliw na talaga ako, hindi na ako nag iisip ng tama. Hinalikan ko si kulot, hindi lang halik kundi sinipsip ko ang dila niya. Tangina! Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napatigil ako sa paghaplos sa labi ko at agad na nilingon ang kaibigan kong si Raj na nakaupo sa passenger seat. “Hoy! Mag focus ka nga magmaneho. Muntik mo ng masagi ‘yung motor, eh.” untag niya sa akin kaya napaayos ako ng upo. Tangina naman kasi, ako pa pinamaneho niya eh wala nga ako sa sarili ko. Lintik na laway ni kulot, hindi na mawala sa isipan ko. Gusto ko pa sanang halikan siya ulit kahapon matapos naming matapos mag grocery pero naalala ko ang malakas niyang sapak sa mukha ko kaya hindi ko na inulit pa. “Ikaw na kaya magmaneho,” sabi ko kay Raj. “Gago! Ikaw na magmaneho dahil ako ang bibili, diba?” sabi naman niya. Tumahimik nalang ako. Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya. Wala pa naman akong tulog dahil sa t’wing pinipikit ko ang mata ko ay ang mukha ni Diane ang nakikita ko. Nag umaga na lang, hindi ko pa rin nakuha ang tulog na inaasam ko. Nakarating kami ni Raj sa bilihan ng mga kahoy na kailangan namin do’n sa underground. May aayusin kasi kami kaya kaming dalawa ang bumili. Iginilid ko lang ang kotse. Naunang bumaba si Raj sa akin dahil siya ang titingin sa mga kahoy na bibilhin. Ngayon lang kasi kami lumabas dahil sinubukan pa naming ayusin ang nasira do’n sa underground dahil akala namin ay kaya pang ayusin. Kaya hapon na kami lumabas. Panay tuloy ang tingin ko sa suot kong relo dahil malapit ng matapos ang klase ni kulot. Hindi ko siya naihatid kaninang umaga dahil pagpunta ko do’n sa bahay ni Boss ay wala na siya, nakaalis na. Halatang iniiwasan ako ng kulot na ‘yun. Balak ko pa naman sanang nakawan ng halik. Tangina talaga! Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa akin. Para akong nahihibang. Kanina nga ay tinawanan ako ng mga kasama ko sa underground. Tinawanan nila ako dahil naligo daw ako. Himala daw na nakita nilang basa ang buhok ko at ang bango ko daw. Pati pagligo ko ay tinatawanan na ng mga animal. Ang sarap nilang paulanan ng bala kanina. Naisipan ko nalang na bumaba ng kotse at samahan si Raj na bumili ng mga kahoy. Ayaw kong tumambay dito sa loob ng kotse at baka mabaliw ako dito kakaisip kay Diane. Nang makababa ako ng kotse ay agad akong naglakad patungo kay Raj na pumipili ng kahoy. Kumuha pa ako ng sigarilyo at lighter mula sa likod ng pantalon ko at agad kong sinindihan. Nang masindihan ko ang sigarilyo ko ay ibinalik ko sa bulsa ko ang lighter. Bumuga ako ng usok nang makalapit ako kay Raj na busy namimili. Tumingin na rin ako sa mga kahoy. “Ito nalang ba?” tanong sa akin ng kaibigan ko. “Ikaw na ang bahala,” sagot ko naman saka humithit muli sa sigarilyo na hawak ko. Nag angat ako ng mukha at napasigaw ako sa gulat nang makita ko ang mukha ni Diane. Pero nagulat ako dahil tindera siya dito. Dahil sa gulat ko ay nalunok ko ang usok na ibubuga ko sana. Napaubo ako dahil sa usok na nalunok ko. “Ano ba! Bakit ka ba nasigaw dyan?!” singhal ni Raj sa akin at malakas na binatukan ang ulo ko. Hindi ako nakapag react dahil sa umuubo pa rin ako. Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng malaking bodega at nakita ang isang babae din na kamukha din ni Diane. Mas lalo akong nataranta dahil lahat ng babaeng nandito ay puro mukha ni kulot ang nakikita ko. “Not good..” bulalas ko at agad na binitawan ang sigarilyo na hawak ko saka ako sinabunutan ang buhok ko. “Hoy! Ano bang nangyayari sa’yo? Tangina ka! Umayos ka nga!” Inis na sabi ni Raj na halatang natataranta sa nangyayari sa akin. Agad akong lumingon sa kaibigan ko at hinawakan siya sa balikat. “T-Tangina, pre.. mukha ni Diane ang nakikita ko sa mga babae dito. Sinusugod ako ni kulot.” mangingiyak kong sabi. Nababaliw na nga yata talaga ako. “Tangina ka! Dadalhin na kita sa mental, eh. Anong mukha ni Diane ang pinagsasabi mo, ha?!” galit niyang sabi at binatukan na naman ako sa ulo. Umayos ako ng tindig saka tinignan ang relo na suot ko. Nakita kong malapit ng lumabas ang dalaga kaya agad akong napatakbo pabalik ng kotse. “Hoy! Saan ka pupunta?” sigaw ni Raj. “Susunduin si kulot. Maglakad ka nalang pauwi sa underground!” Sigaw ko din pabalik kay Raj. “Putangina ka!” galit niyang sabi sa akin ngunit hindi ko na pinansin pa. Agad kong binuksan ang pintuan ng driver seat at mabilis na pumasok. Kailangan kong mauna doon sa labas ng school para masundo ko siya at hindi niya ako maiwasan. Binuhay ko agad ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Bahala na si Raj sa buhay niya dahil may mga paa naman siya para maglakad pauwi. Buhatin na lang niya ang mga kahoy na bibilhin niya para may silbi naman ang mga muscle niya sa braso. Talagang mumurahin niya ako pag uwi ko mamaya dahil wala siyang dalang pera. Halos paliparin ko na ang sasakyan para lang makarating agad ako sa paaralan kung saan nag-aaral si kulot. Sana lang ay maabutan ko siya ng masolo ko siya este.. maasar ko siya. Diane’s Pov NAPASIMANGOT ako dahil lalaki ang partner ko sa binigay na project ni prof. Partner-partner kaya wala akong magagawa dahil bunutan din ng name. Mabuti pa ang classmate kong si Jamaica ay babae ang partner niya. Masama talaga ang loob ko. Agad na lumapit sa akin ang lalaking partner ko. Si Gabriel, siya ang partner ko sa project. Mukhang kailangan naming pag-usapan kung paano gagawin ang binigay ni Prof sa amin na topic. “So, saan natin gagawin ang project?” Tanong ni Gabriel sa akin. “Ahm.. titignan ko na muna ang topic saka natin paghatian kung anong gagawin natin, okay lang ba?” tanong ko din sa kanya. “Ayos lang sa akin, Diane.” nakangiti niyang sabi. Tapos na ang klase namin kaya heto kaming dalawa ni Gabriel naglalakad palabas ng classroom. Binabasa ko kasi ang topic na binigay ni Prof habang siya naman ay inaalalayan ako at baka matisod ako habang naglalakad dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. “Mahaba haba din pala ang topic na binigay ni Prof sa atin,” sabi ko saka ngumiwi. “Mukhang ganun na nga. Kailangan talaga nating paghandaan. Mabuti nalang at medyo malayo pa tayo na mag pre-present.” sabi ni Gabriel sa akin. “Oo nga, mahaba-haba pa,” nakangiti kong sabi saka ko tinigil ang pagtingin sa mga hawak kong binigay ni Prof kanina. Malapit na kami sa gate ni Gabriel. Gusto kong magmadaling maglakad dahil ayaw kong magkita kami ni Claw. Pero baka hindi niya ako sunduin dahil inagahan ko kaninang umaga, hindi niya ako naihatid sa school. Nagkunwari kasi ako kay ate Cataleen na maaga ako kanina dahil may hahabulin akong assignment. Pero ang totoo ay iniiwasan ko lang si Claw. Ayaw kong ihatid niya ako sa school dahil inis na inis ako sa ginawa niya sa akin kahapon. Ang hapdi ng labi ko dahil panay ang kuskos ko nito nang makarating ako sa bahay nila ate Cataleen. Hindi ko talaga matanggap na napunta lang kay Claw ang first kiss ko. Ang sama talaga ng loob ko. Kaya ipinapangako ko talaga sa sarili ko na hindi na ako lalapit-lapit sa amoy-lupang ’yun. Tangina talaga siya. Ang dami na niyang kasalanan sa akin. Una, pinakitaan niya ako ng t*ti niya, pangalawa naman ay ninakaw niya ang first kiss ko. Sarap niyang sabuyan ng mainit na tubig talaga. Nakalabas na kami ni Gabriel sa gate kaya kinalabit niya ako sa braso. “Saan ka nga pala sasakay pauwi?” tanong sa akin ni Gabriel. Mabilis naman akong lumingon sa gawi niya at ngumiti. “Ahm.. baka mag taxi nalang ako pauwi,” sagot ko. “Naku, mayaman ka pala. Nag ta-taxi ka, eh.” sabi niya habang natatawa. “Hindi ahh.. nag ta-taxi ako dahil walang dumadaan na jeep do’n sa pinapasukan kong trabaho. Hindi din kaya kapag tricycle dahil medyo malayo talaga.” pagpapaliwanag ko. Baka sabihin niyang mayaman ako eh katulong lang naman ako. “Pero kaya ng motor?” tanong niya sa akin. “Ahm.. oo, kaya ng motor. Bakit?” balik tanong ko sa kanya. “Kasi may motor ako. Pwede kitang ihatid kung gusto mo,” sabi niya sa akin. Kaya nanlaki naman ang mata ko. “Ahh.. talaga? May motor ka?” nakangiti kong sabi ngunit hindi nakasagot si Gabriel at nawala din ang ngiti ko nang may sumulpot na amoy lupa. Ang seryoso pa ng mukha niya. Ngayon ko lang nakita na ganun kaseryoso ang mukha niya. Yung mukha kasi niya sa t’wing nakikita ko ay parang joke. Pero ngayon, para bang hindi siya si Claw. “At bakit mo naman siya ihahatid kung meron namang nagsusundo sa kanya?” matalim ang tingin ni Claw kay Gabriel kaya medyo na alarma ako. Parang tanga kasi. “Opss.. hindi ko po alam na may nagsusundo po pala kay Diane,” sagot ni Gabriel sa malumanay na boses saka ibinalik ang tingin sa akin. “Sorry, Diane, nagalit yata ang tatay mo sa akin.” sabi pa ni Gabriel kaya napakagat agad ako sa ibaba kong labi upang pigilan na matawa. Napagkamalan ba namang tatay ko. “What the hell! Anong tatay niya? Gusto mo butasan ko tagiliran mo, bata?!” galit na sabi ni Claw at inambahan ba naman si Gabriel kaya agad akong humarang. “Ayy, hindi po ba tatay?” kakamot kamaot na sabi ni Gabriel saka inilapit sa akin ang mukha niya. “Uncle mo ba siya?” mahina niyang tanong sa akin. “Aba’t loko kang bata ka..” tuluyang nagalit si Claw at agad na inatake ang classmate ko ngunit humarang ako kaya hindi niya nalapitan si Gabriel. “Ano ba, Claw! Tumigil ka nga! Ang tanda-tanda mo na pero pumapatol ka sa bata.” saad ko kaya napatigil siya at masama akong tinignan. Hindi ko nalang pinansin ang titig niya sa akin at nilingon si Gabriel. “Sige na, kita nalang tayo sa monday, Gabriel.” sabi ko upang makaalis na siya at hindi na siya pag-initan pa ni Claw. Tumango naman agad siya at mabilis na naglakad palayo sa amin ni Claw. “Hoy! Hindi pa tayo tapos! Bumalik ka dito!” Sigaw pa ni Claw kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at sinipa ko ang tuhod niya. “Piste ka talaga, eh! Bakit ka na naman ba nandito? Hindi ko naman sinabing sunduin mo ako, ahh..” nakapameywang ako sa harapan niya habang nakataas ang isa kong kilay. “Sino ‘yun? Manliligaw mo ba ‘yun?” tanong naman niya na hindi man lang pinansin ang tanong ko. “Pwede ba.. hindi ko manliligaw ‘yun! May binigay si Prof namin at siya ang partner ko sa project namin.” pagpapaliwanag ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya. “Kayo lang dalawa? Hindi ba trio? Bakit partner lang?” tanong niya na para bang hindi matanggap na dalawa lang kami ni Gabriel. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Para siyang baliw. “So, ano.. mas marunong ka pa sa Prof namin? Eh ‘yun ang gusto niya, eh. Gusto niya dalawa lang. Kaya anong magagawa namin?” mataray kong sabi. Nagmamarunong kasi eh hindi ko din naman alam na by pair kami. Mas lalo tuloy dumilim ang mukha niya. “Tupiin ko sa walo ‘yang professor mo, eh.” inis niyang sabi pero inirapan ko lang siya at agad na naunang naglakad sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Maghanap siya ng kausap niya. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang ulo niya. Kung galit siya ay wag niya akong idamay. Baka mabasag ko na talaga ang itlog niya. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang dalawa niyang kasalanan sa akin. Nagtitimpi pa naman ako sa kanya dahil ayaw kong makulong ng maaga kapag napatay ko siya sa inis. Mahal ko pa ang buhay ko kaya ayaw kong masayang dahil lang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD