Chapter 17
Diane’s Pov
NANDITO kami ngayon ni Claw sa isang palengke. Sabi niya ay unahin na muna daw namin ang pagbili ng mga karne. Bibili daw siya ng paglalagyan at lalagyan daw niya ng yelo.
Hinayaan ko na lang siya at hindi na ako kumontra pa dahil siya ang driver ko. Mahirap ng mangialam, baka sabihin bida-bida ako.
Hindi ko siya kinakausap simula pa ng makaalis kami sa bahay nila ate Cataleen. Nainis kasi ako dahil pinaghintay pa niya ako ng 20 minutes. Akala ko ay kakain pa siya pero nagulat ako nang makita ko siyang bagong ligo, iba na rin ang suot niyang damit at hindi na naka leather jacket.
Ewan ko kung anong nakain niya, kung bakit niya naisipan maligo. Nakita yata niyang bagong ligo ako. Marunong din pala siyang mahiya.
“Pogi.. bili ka na sa akin.” tawag ng tindera kay Claw. Napangiwi agad ako dahil tinawag siyang pogi.
“Ikaw naman po, ate.. pinaparinig mo pa sa iba na pogi ako. Baka ma-discover ako nito at maging artista.” Sabi ni Claw, sinakyan ang sinabi ng tindera.
“Tanga! Pogi ang tawag nila sa lahat ng customer nila para bumili ka sa kanila. Feelingero!” sabat ko kaya agad nawala ang ngiti ni Claw at pinukol ako ng masamang tingin.
“Sus.. wag na kayong mag-away dalawa. Pogi naman talaga ang asawa mo, Ma’am.” sabi ng tindera na ikinalaki ng mata ko. Maging si Claw ay nanlaki din ang mata at agad na lumingon sa akin ulit.
“O, bakit parang nagulat kayong dalawa? Hindi na kayo mag-asawa? Ahh.. baka mag jowa pa lang. Sorry, excited lang masyado. Bagay na bagay kasi kayong dalawa.” Sabi ni ate kaya halos bumaliktad ang sikmura ko.
“Ate, hindi ko po siya kaano-ano. Katulong po yan ng boss ko kaya hindi ko po siya girlfriend o asawa. Hindi ko nga po type ‘yan, eh.” sabi naman ni Claw sa tindera.
“Ayy ganun ba? Akala ko talaga mag asawa kayo. Sorry ha! Pero.. bagay kayong dalawa.” sabi na naman ng tindera na ang laki ng ngisi. Nakita na nga pati gilagid niya habang nakangisi.
Napailing na lang ako at hindi na sumagot pa sa tindera. Pinalo ko ang likod ni Claw kaya napaliyad siya. Napalakas yata ang pagpalo ko.
“Bilisan mo na mamili dyan! Marami pa akong bibilhin sa grocery!” Inis kong sabi sa lalaki na pilit inaabot ang likod niya na hinampas ko.
Masama pa niya akong nilingon ngunit inirapan ko lang siya. Akala yata niya masisindak ako sa titig niya.
Pumili na agad si Claw ng karne. Hinayaan ko siyang bumili habang nakatayo lang ako sa likuran niya.
Nang matapos siya at sinunod niya ang manok. Panay lang ang sunod ko hanggang sa matapos kami. Siya na ang nagbuhat lahat. Hindi naman ako tumulong sa pagbubuhat dahil hindi naman siya nagsabi.
Lumabas kami sa palengke at siya na ang nag ayos ng mga pinamili namin sa likod ng sasakyan. Pumasok nalang ako sa passenger seat at doon hinintay si Claw.
Natapos naman siya kaya agad siyang pumasok sa driver seat. Tahimik lang ako habang hinihintay na paandarin niya ang kotse.
“Akalain mo ‘yun, napagkamalan tayong mag-asawa.” Sabi pa niya kaya nilingon ko siya at inirapan.
Lumingon naman siya sa akin ngunit mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa harap. “Eh bakit parang kinikilig ka sa sinabi ng tindera?” Pang aasar ko.
Sarkastiko siyang tumawa at palipat lipat na tumingin sa akin at sa daan. “Ako kinikilig? Yuck! Tumayo nga lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Kadiri naman kasi. Bakit naman kasi naisip ng tindera na bagay tayo. Hays.. patawa talaga.” aniya, magaling talagang mang-asar ang animal.
“Tanong ko lang.. bakit inis na inis ka sa akin?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Dahil ang pangit mo. Malakas ka din mang-asar kaya sinasabayan lang kita.” sagot niya habang naka focus ang tingin sa daan.
“Kung maka pangit ka sa akin, ahh.. pangit ka din naman. Kaya nga siguro walang girlfriend eh kasi nga, walang babaeng papatol sayo. Alam mo, dapat nag-asawa ka na agad, matanda ka na, eh. Hindi ka na makakakaldag ng babae dahil mahina na ang tuhod mo.” sabi ko habang nakangisi.
“Akala mo ba talaga sa akin, mahina ang tuhod?” aniya na lumingon na talaga sa akin.
“Oo,” tipid kong sagot.
“Gusto mo na naman yatang makakita ulit, eh.” sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
“Subukan mo lang! Hindi ako nakatulog sa longganisa mo! Ang bastos mong lalaki ka!” Singhal ko.
Tumawa naman siya ng mahina. “Panay kasi ang pang-aasar mo sa t*ti ko. Sabi maliit yung akin, pero nang pinakitaan kita.. nagagalit ka naman. Hindi na talaga kita maintindihang babae ka.” wika niya, gusto ko sana siyang batukan sa ulo pero naalala ko na nagmamaneho siya kaya hindi ko nalang gagawin.
“Ayaw ko nang makita ‘yan, Claw. Kaya kung pwede wag na wag mo akong pakikitaan ng longganisang namamaga. Baka bumaliktad na ang sikmura ko.” sabi ko saka ko pinagkrus ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko.
Hindi na sumagot pa si Claw dahil biglang tumunog ang phone niya. Agad naman niyang iginilid ang kotse saka niya kinuha ang phone sa bulsa ng pantalon niya.
Sinagot niya ang tawag at agad na niloud speaker.
“Buddy, nasa labas ka pala?” Boses ng lalaki yun, mukhang kasama lang din niya sa work.
“Oo, inutusan ako ni Boss. Kasama ko si kulot,” tugon naman ni Claw. Napaismid ako sa tawag niya sa akin. Pero okay na ‘yun kaysa sa tawagin niya akong pangit.
“Ahh.. ano yan, date na ba ‘yan?” Tanong pa ng lalaki sa kabilang linya.
“Anong date? Walang date, no! May inutos lang si Ate Cataleen sa amin.” depensa ko agad. Baka kung ano pa ang isipin nila. Wala namang katuturan ang mga pinagsasabi.
Tumawa lang ang lalaki sa kabilang linya. “Miss Diane, sabi pa naman ni Claw kanina na bad breath ka daw kaya wag daw kaming lumapit sayo at baka mahilo daw kami.” Sabi ng lalaki saka tumawa ulit.
Agad naman nataranta si Claw ay pinatay ang tawag. Napalunok pa siya ng laway habang tinatago ang phone sa bulsa niya.
“Anong sinabi mo? Bad breath ako?” madiin kong sabi. Kating kati na talaga ang kamay ko para basagin ang itlog niya. Ang kapal ng mukhang magpakalat na bad breath daw ako.
“W-Wala lang ‘yun. Wag kang maniniwala kay Thiel..” sabi pa niya. Halatang nagsisinungaling dahil pautal utal kung sumagot.
Napipikon talaga ako kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko at mabilis na inilapit ang mukha ko kay Claw.
Binuksan ko ang bibig ko at bumuga ako ng hangin sa harapan niya. Gusto kong malaman niya na hindi ako bad breath. Kainis! Matatanggap ko pa na tawagin niya akong pangit, eh. Pero yung bad breath.. mananagot talaga siya sa akin.
Bumuga ako ulit habang hinihintay ko ang magiging reaksyon ni Claw. Hindi naman siya napangiwi kaya sigurado akong hindi mabaho ang hininga ko.
Sa pangalawang buga ko ng hangin ay napansin ko ang paglunok ng laway ni Claw. Ngunit ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang batok ko at mabilis niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ko dahil sa nakabukaka ito.
Para akong na estatwa habang pinoproseso ng utak ko ang ginawa ni Claw. Naramdaman ko nalang ang pagsipsip niya sa dila ko kaya doon na ako nataranta at agad siyang tinulak.
Nagawa kong makawala sa halik na ginawa niya. Habol ang hininga ko habang nakatitig kay Claw na ngumisi. “Oo nga, hindi ka nga bad breath. Ang sarap pala ng lasa ng laway mo, kulot.” sabi niya saka pinunasan ang gilid ng labi niya.
“Bastos!” Sigaw ko sa kanya at agad na sinuntok ang pisngi niya. Wala akong pakialam kung magkaroon siya ng pasa sa mukha. Napadaing pa siya ngunit hindi ako naawa dahil nas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.
Kainis! Ang first kiss ko ay napunta sa walang kwentang tao! Gusto ko siyang sakalin sa leeg hanggang sa magkulay ube ang mukha niya.
Gusto ko lang naman patunayan na hindi ako bad breath kaya ako bumuga ng hininga sa mukha niya. Hindi ko naman inaasahan na hahalikan niya ako. Tangina! Kailangan ko yatang magmumog ng alcohol dahil nasa bibig ko ang laway ni Claw. Kadiri talaga!
Makakapatay yata talaga ako ng tao ngayong araw. Bahala na kung dalawin ako ng nanay ko sa kulungan. Pero gusto ko talagang tabasin ang nguso ni Claw dahil sa ginawa niya.
Umupo ako ng maayos at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Panay ang punas ko sa labi ko gamit ang palad ko. Nandidiri talaga ako sa nangyari. Gusto kong sumuka para lang sana mailuwa ko ang laway ni Claw. Nakakadiri talaga!