Chapter 16
Claw’s Pov
NAKATULALA ako habang magulo ang buhok. Napapamura ako habang naalala ko ang ginawa ko kagabi. Tangina! Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at pinakita ko kay kulot ang t*ti ko.
Tangina kasi.. panay ang pang aasar niya sa kargada ko na maliit. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na ipakita ang tinatago ko.
Wala akong mukhang ihaharap kay kulot. Nakakahiya ang ginawa ko. Putangina talaga!
Natigil ako sa pagkatulala nang may bumatok sa ulo ko. Agad kong nakita si Raj na umupo sa katabi kong upuan.
“Anong nangyari sayo? Kanina ka pa tulala dyan!” Tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Na s-stress talaga ako sa nangyari. Parang ayaw ko ng pumunta sa bahay ni Boss Remus para hindi ko na makita pa si kulot.
Tinapik ni Raj ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. “Sabi ni Boss Remus ay pumunta ka daw sa bahay niya.” sabi ni Raj na ikinalukot ng mukha ko. Kasasabi ko lang na ayaw kong pumunta sa bahay ni Boss eh. Tangina!
“Ikaw nalang ang pumunta. Sabihin mo may sakit ako kaya ikaw ang pinapunta ko.” sabi ko sa seryosong boses. Agad naman inangat ni Raj ang kaliwa niyang kamay at sinalat ang noo ko.
“Wala ka namang sakit, gago! Balak mo pa akong magsinungaling, eh ‘di nasunog agad ang kaluluwa ko sa impyerno.” sabi niya kaya masama ko siyang tinignan.
“Hindi lang naman dahil sa lagnat ang masama ang pakiramdam, ahh..” depensa ko dahil ayaw niyang maniwala sa akin.
“Thiel! Masama daw pakiramdam ni Claw. Baka may gamot ka dyan para matuluyan na siya.” sabi ni Raj na tinawag pa si Thiel, ang kaibigan kong doctor pero mas piniling maging tauhan ni Boss Remus.
“Meron ako dito, ngayon na ba niya gustong mawala?” tanong naman ni Thiel. Napabuga na lamang ako sa hangin sa dalawa kong kaibigan.
“Bakit ba ayaw mong pumunta sa bahay ni Boss? Nakita ko pa kayo ni Diane na magkasama kagabi sa loob ng kotse, ahh..” sabi ni Raj habang nakangisi. Yung ngisi niya pang-asar.
“Uy! Talaga? Magkasama silang dalawa? Aba, ayos ahh.. nagkakamabutihan na kayo ni kulot?” tsismosong tanong ni Thiel. Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko sa sobrang ingay nilang dalawa. Kanina pa nga ako naiirita sa sarili ko.
“Wag kang magsisinungaling, Claw. Ako ang nakatokang magbantay sa lusutan niyo kaya kitang kita ko kayong dalawa.” sabi ni Raj. Hindi talaga ako makakapagsinungaling dahil nagkalat ang mga tauhan ni Boss sa kagubatan. Ginagawa namin yun para makita namin ang pumapasok sa teritoryo niya. Kapag kalaban, pinapasabugan na agad namin ang sasakyan para hindi na makarating sa bahay ni Boss.
“Ayaw sumagot, tol. Si Diane na nga lang ang tanungin natin mamaya,” sabi ni Thiel na nanlaki ang mata ko.
“Hoy! Wag niyo ngang kausapin ang kulot na ‘yun! Bad breath yun kaya baka mahilo kayo sa hininga niya.” sabi ko pa upang hindi na nila lapitan si Diane. Ayaw ko namang sabihin na ayaw kong nilalapitan nila si Diane. Baka kung ano pa ang maisip nila. Mga baliw pa naman.
“Grabe ka naman sa bad breath, pre. Hindi naman yata, eh. Ayaw mo lang yata kaming lumapit kay Diane. Selos yarn?” pang-aasar na sabi ni Thiel sa akin kaya masama ko siyang tinignan.
“At bakit naman ako magseselos? Pakialam ko ba kung lapitan niyo siya!” galit kong sabi saka ako tumayo sa kinauupuan ko. Ngunit nagulat ako ng pagtayo ko ay natumba si Raj sa kinauupuan niya. Mahabang upuan kasi ang inupuan namin dalawa, kapag tumayo ako ay hindi magpapantay ang upuan kaya siya bumagsak.
Tawang tawa si Thiel habang ako naman ay tinutulungan si Raj na makatayo. “Sinadya mo yun, eh!” galit na sabi ni Raj at muntik na akong suntukin.
“Hindi ahh.. tumayo ako dahil plano ko ng pumunta sa bahay ni Boss Remus. Tanga ka kasi.. hindi ka din umusog.” depensa ko habang pinipigilan na matawa at baka masapak na niya ako.
“Umalis ka na nga! Baka namimiss ka na ng kulot mo.” pang-aasar niya sa akin kaya napikon na naman ako. Hindi na lang ako sumagot at agad kong tinalikuran ang dalawa kong kaibigan. Alam na alam talaga nila kung paano ako asarin eh.
Sana lang ay hindi kami magkita ni kulot. Tangina! Wala talaga akong mukhang ihaharap sa kanya matapos kong ipakita ang junjun ko. Bukod sa nanay ko na nakita ang etits ko dahil siya ang nanay ko ay si Kulot lang ang babaeng nakakita ng etits ko. I’m still a virgin at wala akong balak na tumikim ng babae kaya hindi ko matanggap na pinakita ko sa kanya ang sandata ko.
Kung tutuusin ay kasalanan niya kung bakit ko siya pinakitaan ng t*ti. Nakakainsulto na ang tawag niya sa akin na toothpick o di kaya ay cotton buds. Kaya kasalanan niya kung bakit ko siya pinakitaan.
Diane’s Pov
HINDI ko magawang makatulog kagabi dahil sa nakita ko. Hanggang ngayon na gising na gising na ako ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang makintab na ulo ng sandata ni Claw. Hindi ko talaga akalain na malaki ‘yun. Sa tingin ko ay hindi na maalis pa sa isipan ko ‘yun.
Nandito pa rin ako sa kwarto ko pero sinabi ko na kay Ate Cat na hindi ako papasok ngayong araw. Sinabi ko nalang sa kanya na masama ang pakiramdam ko at naiintindihan naman daw niya kaya bumalik ako sa kwarto ko matapos kong maghanda ng almusal.
Pinagdarasal ko nga na sana ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Claw dahil makakatikim talaga siya ng sapak sa mukha. Kainis talaga siya! Dahil sa namamaga niyang t*ti ay hindi ako nakatulog agad kagabi. Nang makatulog naman ako ay nanaginip ako na hinahabol daw ako ng t*ti. Bwisit talaga!
Napabuntong hininga ako ulit ngunit natigilan ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong tumayo at naglakad ako papunta sa pinto. Binuksan ko ito at nakita si Ate Cat.
“Ayos na ba pakiramdam mo Diane?” Tanong niya sa akin.
“Ahm.. medyo okay na po, ate Cat. Pero hindi pa rin po ako papasok sa school.” wika ko dahil ayaw ko din makita ang Prof ko na may jowa na.
“Okay lang kung hindi ka pumasok. May ire-request sana ako sa’yo, eh.” sabi niya.
“Ano po yun, ate Cat?” tanong ko agad.
“Pwede bang pumunta ka ng palengke at mag grocery na rin? Nilista ko naman ang mga kailangan mong bilhin. Hindi kasi ako lalabas, ayaw akong palabasin ng asawa ko kaya baka pwedeng ikaw nalang ang utusan ko.” sabi niya kaya agad akong tumango. Mas gusto ko pang umalis ng bahay para hindi ko makita si Claw.
“Okay lang po sa akin, ate Cat. Ako na pong bahala mamili.” pagpayag ko habang nakangiti. Mabuti nalang at inutusan niya ako. May rason na talaga ako para makalabas ng bahay. Sa wakas, hindi kami magkikita ni Claw ngayong araw.
Napangiti naman si Ate Cat. “Ito nga pala ang listahan na bibilhin mo, Diane. Marami-rami ‘yan kaya kapag naabutan ka ng lunch time na hindi ka pa tapos, kumain ka na muna, ha! May pera akong ibibigay pangbili mo ng pagkain.” sabi niya kaya napangiti ako. Ang bait talaga ni ate Cataleen. Kaya love na love ko talaga siya.
“Okay po, ate Cat. Magbibihis lang po ako para makaalis na po agad ako.” sagot ko habang inaabot niya ang pera sa akin.
“Sige,” tugon lang niya saka siya umalis sa harapan ng kwarto ko.
Pumasok akong muli sa kwarto ko at agad na pumunta sa banyo para maligo. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Mabilis ang kilos ko para makaalis agad ako. Hangga’t maaari kasi ay ayaw kong magkita kami ni Claw.
Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo para magbihis. Naisipan ko na lang na mag short ng denim at tshirt na medyo maluwag sa akin. Nagsimula na akong magbihis. Yung buhok kong kulot ay hahayaan ko lang na nakalugay dahil basa pa ito.
Nag ayos lang ako ng sarili ko at naglagay ng pabango. Nang matapos ako ay sunod kong inayos ang sling bag na gagamitin ko para magkasya ang pera na binigay sa akin ni ate Cataleen.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta na muna sa kusina para uminom ng tubig bago ako lalabas ng bahay. Nang makapasok ako sa kusina ay nanlaki ang mata ko nang makita ko si Claw na umiinom din ng tubig.
Nakita niya ako kaya nabilaukan siya ng tubig. Lumabas pa sa ilong niyang tubig kaya panay ang ubo niya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Bwisit! Nagmamadali pa ako kanina para hindi siya makita pero nandito na pala siya sa kusina. Ang awkward naman nito.
“O, naka-ready ka na pala, Diane.” biglang sumulpot si ate Cataleen sa likuran ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
“Sasamahan ka ni Claw mamili,” sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
“O, bakit? Bakit pareho kayong nanlaki ang mata sa sinabi ko? May problema ba kayong dalawa?” tanong pa ni ate Cataleen ngunit tumawa lang siya ng mahina. “Ayy.. oo nga pala, hindi nga pala kayto magkasundo palagi. Bakit pa ba ako nagtanong,” aniya habang kakamot kamot sa likod ng ulo niya.
“Pero sige na, umalis na kayong dalawa. May prutas din akong pinabaili, ha! Nakalista na sa papel kaya basahin niyo nalang.” dagdag na sabi ni Ate Cataleen kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Akala ko pa naman ay ako lang ang aalis. Kayang kaya ko naman mag grocery mag-isa kaya hindi ko na kailangan pa ng kasama sana. Pero wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni ate Cataleen, siya ang amo ko kaya dapat lang na sundin ko siya. Sa dami ba naman kasing nakalista na ipapabili niya ay kailangan ko talaga ng driver. Pero sana man lang iba nalang ang pinasama niya sa akin dahil madami naman silang tauhan. Hindi sana si Claw na iniiwasan ko dahil sa malaki niyang t*ti.
Halata din naman sa mukha ni Claw na ayaw niyang akong makasama. Nakabusangot ba naman ang mukha niya. Akala yata niya masaya akong makasama siya. Mukhang wala pa nga yatang ligo ang animal eh. Ang sarap niyang buhusan ng mainit na tubig dahil halata naman na takot siya sa tubig kaya hindi siya naliligo. Kadiri talaga ang nilalang na ‘to.Siguro mabaho ang itlog niya dahil hindi naman siya naliligo. Maisip ko lang 'yun ay nandidiri na ako kay Claw. Eww talaga!
Author's Note: Sa mga bago pong nagbabasa ng story ni Claw at Diane pa lambing naman po, pa-add sa library ninyo ang story. Salamat po ;)