Chapter 15
Diane’s Pov
HILA-HILA ako ni gurang palabas ng bar. Hindi talaga gentleman ang animal. Nahihilo na nga ako, hinila pa ako. Hindi man lang ako binuhat ng animal.
Ayaw ko pa sanang umuwi pero kinukulit na niya ako. Gusto ko pang uminom ng alak. Nakakatuwa pala pumunta ng bar. Parang gusto kong bumalik dito pero hindi na kasama si Claw dahil panay ang aya niyang umuwi.
Nakalabas na kami ng bar dahil sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Doon kasi sa loob ng bar ay iba’t iba na ang naamoy ko. Halo-halo na kaya para akong nakahinga ng maluwag nang makalabas kami.
Agad kong hinila ang kamay ko na hawak ni Claw. Matagumpay ko namang nagawa kaya agad akong sumayaw dahil narinig ko ang tugtog sa loob ng bar na Gasolina.
Sumayaw ako at walang pakialam kung nasa harap ko si Claw. “Mahal ang gasolina..” kumakanta ko pang sabi habang sumasayaw pa rin at sinasabayan ang tugtog.
“Lasing ka na talagang babae ka! Tama na nga ang kakasayaw mo! Baka may tumigas dito, eh.” sabi niya kaya natigil ako sa pag sayaw.
“Tumigas? Anong tumigasshh?” tanong ko na hindi ko na magawang magsalita ng maayos. Pakiramdam ko ay namamanhid ang labi at dila ko.
“Wala! Wag mo na lang intindihin ang sinabi ko.” sabi niya at hinawakan na naman ang kamay ko. Kanina pa siya hawak ng hawak sa kamay ko. Naiinis na ako! Feeling close amputa!
Hinila na naman ako ng animal kaya nakaramdam na naman ako ng hilo. “Ano ba, Claw! Nahihilo ako! Lintik ka! Hila ka kasi ng hila!” Inis kong sabi.
Tinigilan niya ang paghila niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at napasapo ako sa noo ko dahil pakiramdam ko at lumulutang ako sa hangin. Hindi ko maramdaman ang bawat hakbang ko. Para bang nakalutang ako sa hangin.
Sinubukan kong humakbang muli. Ngunit dahil hindi na makaramdam ang mga binti ko ay bigla akong nawala sa balanse at agad nanlaki ang mata ko nang matumba ako.
Mabilis ang kamay ko na humawak kay Claw para sana hindi ako bumagsak. Pero tangengot ang animal dahil bumigay din siya at kaming dalawa ang natumba sa kalsada.
Akala ko ay babagsak ang ulo ko sa kalsada ngunit mabilis na inilagay ni Claw ang dalawa niyang palad sa likod ng ulo ko kaya hindi bumagsak ang ulo ko.
Nagulat ako sa nangyari at para bang nawala ang tama ko ng alak sa nangyari. Magkatitigan lang kaming dalawa ni Claw habang nakaupo pa rin kaming dalawa sa kalsada at nakahawak siya sa ulo ko.
Bigla nalang bumilis ang tíb0k ng puso ko habang magkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa puso ko pero, hindi ko nagugustuhan.
“Ang likot mo kasing bata ka! Natumba ka tuloy.” bulalas niya. Doon lang yata ako natauhan na nakatitig ako kay Claw.
Agad kong inuntog ang noo ko sa bibig niya kaya napadaing na lamang si Claw.
“Fvck!” mura niya pero hindi ko pinansin dahil dali-dali akong tumayo na para bang walang nangyari.
Tumayo din naman si Claw at masamang nakatitig sa akin habang sapo ang labi niyang inuntog ko. “Bakit mo ako inuntog, ha? Tinulungan na nga kita para hindi mabagok ‘yang ulo mong walang laman.” Galit niyang sabi.
“Kasalanan mo kung bakit ako natumba, eh! Kumapit ako sa’yo pero lampa ka din naman! Akala ko pa naman matikas ‘yang katawan mo, wala naman palang silbi ‘yang muscle mo sa braso at abs mo sa katawan! Isa kang lampa!” singhal ko sa kanya. Kailangan ko siyang awayin upang hindi niya mahalata na ang lakas ng tíbøk ko kanina. Uminit din kasi ang pisngi ko. Kainis!
“Lampa pala ha!” galit niyang sabi at walang sabi-sabing binuhat ako at isinampa sa balikat niya. Para akong sako ng bigas sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa ginawa niyang pagbuhat sa akin.
“I-Ibaba mo ako, Claw! Masusuka ako! Letche ka talaga!” sigaw ko at pinalo ang likod niya.
Ngunit hindi siya nakinig at nagsimulang maglakad. Mas lalo akong nahilo sa ginawa niya. Napasapo na lamang ako sa bibig ko at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay masuka na talaga ako sa animal na ‘to.
Ilang sandali lang ay narinig ko na lamang ang pagbukas ng pintuan ng kotse. Agad niya akong ipinasok sa passenger seat. Masama ko siyang tinignan dahil nahihilo na nga ako, mas lalo pa niya akong hinilo.
“Bwisit ka talagang lalaki ka!” Madiin kong sabi.
“Sabi mo kasi lampa ako. Binuhat kita para malaman mo na kayang kaya kitang ibalibag kahit kailan ko gusto!” Aniya, ayaw talagang patalo ang animal.
“Ahh talaga ba? Oo na, perpekto na ‘yang katawan mo. Kayang kaya mo akong buhatin. Malaki ang katawan mo eh, pero I’m sure.. kasing liit lang ng daliri ng saggol ang pututoy mo!” Pang aasar ko sa kanya. Ang sarap niyang asarin eh. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagbuhat sa akin na parang sako ng bigas.
Kitang kita ko ang inis ni Claw sa sinabi ko. Ang dami ko ng tawag sa pututoy niya. Toothpick, cottob buds at ngayon naman ay daliri ng sanggol. Sigurado naman talaga ako na maliit ang etits niya dahil yun ang sabi ng iba. Sabi ng mga classmate ko na lahat ng mga lalaking may maganda ang pangangatawan at panay ang punta sa gym ay maliit daw ang sandata.
Malamang kasama si Claw do’n. Nakita ko na ang katawan niya eh nong may inutos si ate Cataleen sa kanya kaya malamamg maliit lang din ang etits nito. Kunwari pa kasi ang animal.
“Napipikon na talaga ako sayong babae ka, ha!” sabi niya habang binubuksan ang zipper ng pantalon niya.
Nanlaki ang mata ko at halos mataranta ako nang mapagtanto ko kung anong ginagawa niya. Napa awang ang labi ko nang ilabas niya ang tinatago niyang kaibigan.
“Wahh!! Bakit namamaga ‘yan, Claw! Lintik ka! Itago mo ‘yan!!” natataranta kong sigaw at mabilis na tinakpan ang dalawang mata gamit ang dalawa kong kamay. “Kapag ako talaga nagkakuliti dahil sa’yo.. babaliin ko talaga ‘yan!” pagbabanta ko sa kanya. Diyos ko! Pinagpapawisan ako ng malala. Ngayon lang ako nakakita ng t*ti. Piste! Ang virgin kong mga mata.
“Bakit natatakot ka? Akala ko ba kasing liit ng daliri ng sanggol?” aniya na para bang nang-aasar.
“Itago mo ‘yan, Claw! Binabalaan kita!” singhal ko ngunit narinig ko lang ang mahina niyang tawa.
“Wala ka pala, eh. Ang lakas mong mang-asar, pero kapag pinakitaan ka, magtatakip ka naman pala ng mata.” dinig kong sabi niya. Hindi na ako sumagot pa dahil napahiya ako. Bwisit!
Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto ng passenger seat kaya agad kong inalis ang kamay ko at nakitang naglakad si Claw patungo sa driver seat.
Napasapo na lamang ako sa dibdib ko dahil sa ginawa ng lalaki. Tumingin na lamang ako sa bintana at hindi siya tinignan. Bwisit talaga na Claw. Pinakitaan ako ng namamagang longganisa. s**t! Hindi na tuloy mawala sa isip ko ang nangingintab na ulo ng sandata niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng driver seat pero hindi ko na nilingon pa si Claw. Baka hindi pa niya tinatago ang t*ti niyang namamaga at magulat na naman ako. Hinding hindi talaga ako lilingon sa kanya.
Kainis! Pinagpawisan ako ng malapot dahil sa ginawa niyang pagpapakita ng etits. Masasabi ko talaga na hindi pala maliit ang kanya. Kaya naman pala pikon na pikon siya kapag inaasar ko siya.
Maghihilamos talaga ako mamaya kapag nakauwi na kami. Baka magkakuliti ako bukas sa nakita ko. Sasakmalin ko talaga sa leeg si Claw.