Chapter 14
Claw’s Pov
PANAY ang titig ko kay Diane na sumasayaw na sa dance floor. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin dahil sabi niya lalagyan daw niya ng itim ang mata ko kapag pinigilan ko siya sa gusto niyang gawin.
Ayaw ko namang masira ang mukha ko kaya hindi ko siya pinigilan na sumayaw sayaw. Mukhang mag eenjoy na naman siya sa paggiling giling. Tangina! Napapainom agad ako ng alak dahil pakiramdam ko ay nauuhaw ako habang pinagmamasdan si Diane.
Wala namang lalaking nagtatangkang lumapit kay kulot. Dahil siguro sa hindi siya gusto ng mga lalaki. Kahit ako ay hindi maakit sa sayaw niya. Para sa akin ay para siyang uod na inasinan. Hindi nakakaakit!
May dumaan na waiter sa harapan ko kaya agad ko itong tinawag. “Boss..” tawag ko pa sa waiter. “Baka pwedeng maglagay kayo ng electricfan dito sa harap ko. Ang init, eh.” sabi ko pa dahil naiinitan talaga ako. Kanina naman at hindi ako naiinitan, bigla nalang nag iba ang nararamdaman ko. Dahil siguro sa dami ng alak na nainom ko.
“Sige po, sir.” sagot ng waiter. Hindi na ako sumagot pa at ibinalik na lamang ang tingin kay Diane na mabagal na ang sayaw dahil sinasabayan na ang tugtog.
Napaubo ako dahil sa sayaw niya. Tangina! Wala na yata sa sarili ang babaeng kasama ko dahil sa dami naming ininom.
Sabi ko naman sa kanya na magdahan dahan siya sa pag inom pero hindi siya nakikinig sa akin. Ilang beses ko na siyang inawat pati na sa hard na inumin, sinaway ko din siya. Nag record pa ako sa phone ko para kapag nagalit siya sa akin bukas ay may ebidensya ako na inawat ko siya.
Napagod na yata sa pagsayaw si kulot kaya naglakad ito pabalik sa table. Pasuray suray pa ito maglakad hanggang sa makaupo siya sa katapat kong upuan.
“Grabe, pinagpawisan ako habang sumasayaw, gurang.” sabi niya habang pinupunasan ang noo niya gamit ang likod ng palad niya.
“Inom pa tayo, gurang!” pag aaya niya sa akin.
“Bumaba agad amats mo?” hindi makapaniwala kong sabi.
Hindi naman siya sumagot ay agad na kinuha ang bote ng alak at nilaklak ito. Hindi na gumamit ng baso ang baliw na babaeng ‘to. Napangiwi ako dahil hard ang nilaklak niya. Malakas nga yata ang tama niya sa Prof niya dahil nakuha niyang maglasing at uminon ng hard.
Nagtataka ako kung ano ba talaga ang nagustuhan niya sa Prof niya. Hindi naman gwapo ang putanginang ‘yun. Baka nga pag naligo ako araw-araw ay mas lalo akong gumwapo. Hindi ko lang maisip kung ano ba talaga ang nagustuhan ni kulot sa lalaki.
Dahil ba sa matalino? Matalino din naman ako. Pero teka.. bakit ko ba kinukompara ang sarili ko sa Professor na ‘yun? Pakialam ko ba kung magustuhan siya ni kulot.
“Umuwi na tayo kapag naubos na natin ang alak,” sabi ko sa seryosong boses.
Napansin ko ang pag nguso ni Diane. Halatang ayaw pa nyang umuwi. “Uuwi na tayo? Hindi ba pwedeng mamaya nalang? Hindi naman ako papasok bukas, eh. A-Absent ako,” sabi niya habang papikit pikit ang mata. Halatang lasing na, pero nakakausap ko pa naman ng matino.
“Hindi pwede! Kailangan na natin umuwi pagkatapos niyan. Baka hanapin ka na ni Mrs. Valconeri,” palusot ko para mapapayag ko siyang umuwi.
“Madaya naman, eh! Sabi mo ikaw ang bahalang magpaalam. Kaya bakit ako hahanapin?” nakanguso niyang sabi.
“Inom pa kasi tayo! Mamaya na tayo umuwi!” bulalas niya saka isinandal ang likod niya sa upuan. Itinaas pa niya ang isa niyang kamay at para bang may tatawagin siya.
“Waiter..” tawag niya. Agad naman lumapit ang waiter sa table namin.
“Isang bucket pa ng beer. Magdala ka na rin ng yelo, ha!” nakangisi na sabi ni Diane. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ang sarap niyang kutusan sa katigasan ng ulo niya. Sinabi ng last na ang bote ng alak na tinungga niya, eh. Umorder pa talaga ulit.
Agad na tumalima ang waiter para ibigay ang order ni Diane. “Ang saya palang uminom ng alak..” sabi ni Diane saka niya hinaplos ang buhok niya.
Tumingin siya sa akin. Nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Nakatitig lang ako sa kanya at pinapanood ang galaw niya. “Salamat, gurang ha! Kasi dinala mo ako dito sa bar. Tignan mo.. naka move on agad ako.” sabi niya sabay tawa na para bang nahihibang.
“Narealize ko na hindi pala gwapo ang Prof ko. May mas pogi pa sa kanya,” sabi niya kaya umayos ako ng upo at kunwaring inayos ang buhok ko. Umaasa na ako ang sasabihin niyang mas pogi sa Prof niya.
“Talaga? May mas pogi pa sa Prof mo?” tanong ko at umaasa na ako ang tinutukoy niyang mas pogi.
“Oo..” sagot niya agad.
Tumingin siya sa paligid at may tinuro siya sa pangalawang table mula sa pwesto namin. “May pogi do’n, gurang. Ang cute-cute niya kapag ngumingiti,” sabi niya kaya bagsak ang balikat ko. Akala ko pa naman ako ang ituturo niyang mas pogi.
“Itulak mo nga ako papunta sa kanya, gurang. Para naman makilala ko siya,” sabi niya sa akin.
“Itulak kita sa bangin, eh.” inis kong sabi.
“Bakit ang sungit mo, ha? Akala ko pa naman tutulungan mo akong mag move on, eh. Hindi naman pala,” sabi niya sa akin.
“May sinabi ba akong tutulungan ka? Wala naman, diba?” masungit kong sabi. Pogi ba naman ang nasa kabilang table. Tumingin pa sa iba eh nandito na nga ako sa harap niya. Mas hamak na pogi naman ako kaysa sa tinuro niya. May deperensya talaga mata ni kulot eh.
Dumating ang beer na inorder ni Diane at agad akong nagbukas ng beer. Para kasing uhaw na uhaw na siya. Nang makapagbukas ako ay agad kong inabot sa kanya ang bote ng beer.
Tulad kanina ay tinungga na naman nya. Napailing na lang ako. Ayaw kong maglasing dahil nagmamaneho pa naman ako ng sasakyan. Baka madisgrasya pa kami kapag naglasing din ako katulad ni Diane.
“May tanong ako..” sabi ng dalaga matapos niyang laklakin ang beer.
“Wag ka ng magtanong.” bored kong sabi.
“Wala ka bang girlfriend?” Tanong niya sa akin.
Nalukot naman ang mukha ko. “Bakit mo naman natanong yan?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Pakiramdam ko kasi ay puro work ka lang, eh. Kaya ka siguro tumanda,” sabi niya habang nakanguso.
“Pwede ba.. hindi pa ako matanda! Tama lang ang edad ko!” depensa ko. Nakakainis na kasi lalo na’t tinatawag niya akong gurang.
“Bakit ba ayaw mong tanggapin na gurang ka na? Tapos hindi ka pa naliligo araw-araw. Paulit ulit pa ang leather jacket mo na akala mo naman kinagwapo mo ang pagsuot mo ng ganyan.” pang uukray na naman niya sa akin.
“Wag mo ngang pakialaman ang buhay ko! Hindi ko nga pinakialam na ang kapangitan mo, eh.” naka-smirk kong sabi.
“Kung makasabi ka sa akin na pangit ako ha! Sabi nga kanina ng isang lalaki na dumaan sa akin na maganda daw ako,” aniya kaya kumunot ang noo ko.
“May nagsabi sayo? Sino dyan? Ituro mo para mapitik ko ang nguso,” seryoso kong sabi.
“Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Basta, may nagsabi sa akin nong may dumaan sa harap ko habang sumasayaw ako. Ibig sabihin hindi totoo ang sinasabi mo sa akin na pangit ako!” Bulalas niya at inambahan ako ng suntok.
“Sus.. nagpapaniwala ka din naman. Ang pangit mo kaya. Mas lalo kang papangit dahil ayaw mo pang umuwi.” sabi ko nang maalala ko na gusto ko nga pala siyang pauwiin. Lago talaga ako nito kay Mrs.Valconeri kapag nalaman niyang nilabas ko si Diane.
“Last na talaga ‘to, gurang. Pagkatapos nito ay uuwi na tayo. Wag mo akong dalhin sa kung saan-saan, ha! Iuwi mo ako agad sa bahay ng amo ko.” sabi pa nya. Akala talaga niya pagkaka interesan ko siya.
“Alangan namang hindi kita ihatid. Bakit, akala mo ba dadalhin kita sa motel? Hoy! Hinding hindi ko gagawin ‘yun ‘no! Hindi kita papatulan, baka masuka lang ako.” naka-smirk kong sabi.
“Eh di wow! Wag kang mag-alala, hindi din kita papatulan! Sigurado kasi ako na parang cotton buds lang ‘yang pututoy mo, pangkiliti lang ang kayang gawin.” Pangbabara niya sa akin.
Gusto ko sanang ipakita sa kanya ang tinatawag niyang cotton buds. Pero baka mahimatay sa laki ng kargada ko kaya hindi ko na ginawa. Nagtimpi nalang ako at baka may magawa pa akong masama sa kanya.
Tahimik ko nalang inuubos ang laman ng bote ng beer para makauwi na kami at maihatid ko na ang feelingerang babaeng 'to sa bahay nila Boss Remus. Baka hindi ko siya matansya kapag napikon ako sa mga pinagsasabi niya.