Chapter 13
Diane’s Pov
DINALA ako ni Claw sa patay-patay ilaw. First time kong makapasok sa ganitong lugar kaya medyo hindi ako komportable. Maraming nag iinuman, ang ingay dahil sa lakas ng tugtog. May mga babaeng nag iinuman din at gumigiling. Napapangiwi na lamang talaga ako.
Nakahanap kami ng table ni Claw kaya agad akong umupo. Sa katapat na upuan din siya umupo.
“Anong gusto mong inumin? Yung hard na ba agad?” Tanong sa akin ni gurang.
“Anong hard? Gusto mo ba akong malasing agad?” mataray kong sabi.
Tumawa naman siya ng mahina. “Oh ‘di mag tubig ka nalang. Kaya nga tayo pumunta dito para mag inom, eh.” sabi pa niya.
“Alam ko ‘yun! Pero dapat ba hard agad ang inumin? May balak ka yata sa akin, eh!” sabi ko, pinaningkitan ko pa siya ng mata ko kaya tinaasan niya ako ng isa niyang kilay.
“Ikaw? Pagkaka interesan ko? Never!” aniya sa matigas na boses.
“Sus.. maka-never ka dyan! Wag kang mag-alala.. hindi din kita papatulan no! Baka utusan mo lang ako maglagay ng salonpas sa likod mo,” pang-aasar ko sa kanya. Asar talo kasi siya kapag dinamay ko na ang katandaan niya.
“Dami mong satsat. Ipagbugbog kita saga bouncer, eh.” pinandilatan pa niya ako ng mata niya.
“Mag beer nalang tayo. May pulutan ba dito?” tanong ko sa kanya.
“Meron,” agad niyang sagot.
Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko. “Siguro madalas ka dito no? Ano ‘yan, naghahanap ka nalang ng aliw dito dahil wala ng gustong pumatol sa’yo?” Pang-aaar ko.
“Gagek! Lahat ng bar may pulutan. Para din sa ikakatahimik mo.. hindi ako madalas pumupunta sa ganito no! Sa mahal na bar ako madalas, hindi sa mga ganitong cheap.” mayabang niyang sabi. Halos lumabas na ang ugat niya sa leeg para lang magpaliwanag.
“Eh ‘di wow! Hindi ka naman naliligo! Pinaglalaban mo dyan!” bulalas ko saka kinuha ang menu na nasa table. Medyo punit na ang gilid nito pero mababasa pa rin naman ang nakasulat.
Hinanap ko kung ano ang pulutan nila dito. Nakahanap naman agad ako at naisipan kong orderin ang sisig nila. “Ito na lang ang pulutan natin,” sabi ko kay Claw at tinuro ang sisig.
Tumango naman siya at hindi pumalag sa gusto ko. Tinawag agad niya ang waiter. Mabilis naman lumapit ang lalaki at umuklo pa papunta kay Claw para siguro marinig niya ng maayos ang sasabihin ni Claw. Ang lakas kasi ng tugtog, kahit ako nga ay naiinis. Pakiramdam ko ay matatanggal ang dumi ko sa tenga.
Umalis na ang waiter kaya naiwan na naman kami ni Claw. Hindi ko talaga akalain na dadalhin niya ako sa bar. Nakakakin yata ng panis na pagkain kaya naging mabait ang hinayupak.
Nawala tuloy sa isipan ko na malungkot ako dahil sa nakita ko kanina. Parang ayaw ko tuloy pumasok bukas. Ayaw kong makita ang prof ko na may girlfriend na pala.
Kahit crush lang naman ang nararamdaman ko ay nasaktan pa rin talaga ako. Panay pa naman ang imagine ko na magkasama kaming dalawa at nag da-date. Pero hindi na mangyayari ‘yun dahil may babae na siya.
Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya. Isa lang naman akong hamak na estudyante at wala pang napapatunayan sa buhay. Kaya bakit naman niya ako magugustuhan. Kainis!
Naiiyak na naman ako pero hindi pwede at baka tawanan pa ako ni gurang. Ang lakas pa naman niyang mang-asar. Kulang kasi siya sa aruga.
Dumating na ang inorder ni Claw na beer pero wala pa ang sisig, niluluto pa yata. Pinagbuksan pa ako ni Claw ng isang bote saka niya inabot sa akin. Nagbukas din siya ng para sa kanya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa tumungga siya ng alak. Nakatitig lang ako sa adams apple niya na gumagalaw dahil sa paglagok ng alak.
Hindi ko alam pero bakit parang nag s-slow motion siya sa paningin ko. Agad kong iniling ang ulo ko para mawala ‘yun. Parang tanga naman kasi eh. Bakit ko ba kasi siya tinititigan eh ang pangit naman niya.
Uminom nalang din ako sa hawak kong bote at tumingin sa ibang direksyon. Nang malasahan ko ang beer ay nagustuhan ko dahil sa sobrang lamig nito. Para tuloy akong uhaw na uhaw dahil hindi ko tinigilan ang paglagok ng alak.
“Oh.. alam kong broken hearted ka pero dahan-dahan sa pag inom. Nagsisimula pa lang tayo, eh.” saway sa akin ni Claw dahil hindi ko tinantanan ang beer.
Inirapan ko na lang siya at ipinatong ang bote na hawak ko. Nakatitig lang siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Bakit ka nakatitig sa akin, ha? Baka may masama kang balak sa akin, ha! Kapag may alak pa naman, may balak.” sabi ko na inunahan ko na.
Umismid naman siya. “Oo, may balak ako sa’yo. Balak kong itapon ka sa ilog para mawala ka na sa landas ko.” sagot niya kaya sinipa ko ang binti niya mula sa ilalim ng mesa.
“Aray!” daing niya dahil napalakas ang sipa ko.
Masama siyang nakatitig sa akin pero binelatan ko lang siya. “Alam mo dapat lang sayo masaktan, eh. Magkagusto ba naman sa isang Prof.” sabi niya. Pinikon ba naman ako tungkol sa pagkagusto ko sa Prof ko.
“Nyenynye.. Bakit, ano bang masama kung magkagusto ako sa Prof ko? Crush lang naman ahh..” inis kong sabi.
“Crush pero nasaktan nang makitang may kasamang babae. Tanginang yan!” pang-aasar na naman niya. “Maka-react ka para kang asawa niya na niloko dahil may kabit.” dagdag pa niyang sabi kaya hindi na lang talaga ako sumagot at baka mapukpok ko pa sa ulo niya ang bote na hawak ko.
Mabuti nalang at dumating na ang inorder naming sisig kaya doon napunta ang atensyon ko. Tahimik lang ako habang nakaupo at tinitikman ang sisig nila. Masarap naman kahit papano. Okay na rin pang pulutan.
“Ano bang nagustuhan mo sa Prof mo?” biglang tanong ni Claw. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at ilang segundo ko siyang tinitigan.
“Titig na titig ka naman sa gwapo kong mukha. Baka magkagusto ka sa akin niyan, ha! Wala ka talagang pag-asa sa akin, sinasabi ko nalang ng maaga sayo.” mayabang niyang sabi.
“Ahh.. talaga? Sa tingin mo ba talaga gwapo ka?” sarkastiko kong sabi.
“Bakit hindi ba?” balik tanong niya.
“Gusto mo sagutin ko ‘yang tanong mo? Baka masaktan ka kapag sinabi ko ang totoo,” pagbabanta ko at baka pagsisihan pa niya.
“Nevermind! Alam ko naman sa sarili ko na gwapo ako, eh. Alam ko naman kasing hindi mo masabi dahil hindi mo matanggap ang kagwapuhan ko,” sabi niya saka kinuha ang bote ng beer at tumungga.
“Tsk.” uminom na lang din ako ng beer, diniretso ko na naman dahil uhaw na uhaw ako. Ang sarap niyang inumin dahil sobrang lamig.
Naubos ko na ang isang bote kaya agad na nagbukas si Claw ng isa pa. Kung ano-ano lang din ang pinag-uusapan namin at nauuwi lang sa away. Pareho kasi kaming may ibang paniniwala at talagang pinipilit niyang tama siya. Konti nalang talaga at tatamaan na siya ng kamao ko kapag sumagot pa siya sa akin. Nabwibwisit na kasi ako sa mga sagot niya.
Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil siya pa naman ang magbabayad ng mga inorder niya. Nang maubos na namin ang beer ay naisipan namin ni Claw na umorder ng hard na inumin. Hindi ko alam ang mga pangalan ng alak pero bahala na. Mas pinili ko na lang na siya ang pumili ng alak dahil malay ko ba naman sa mga hard.
Ang mahalaga lang naman sa akin ay makalimutan ko si Prof at hindi na ako mag-emot pa. Gusto ko kapag nakita ko siya ulit sa school ay hindi na ako malulungkot. Yung tipong wala na lang siya para sa akin. Napaka feeling ko sa part na iiwasan si Prof eh wala naman siyang alam na gusto ko siya. Minsan naiinis na rin ako sa sarili ko pero mas nakakainis ang pagmumukha ni Claw. Tipong wala pa siyang sinasabi pero kumukulo na ang dugo ko. Kaya hindi ako makapaniwala na magkasama kami ngayong gabi. Sana lang ay hindi kami magpatayan kapag nagka pikonan kami dahil hindi talaga ako magpapatalo sa kanya.