Chapter 12

1454 Words
Chapter 12 Diane’s Pov HINDI ko talaga matanggap na may girlfriend na si Prof Greg. Bigla akong nawalan ng gana sa nakita ko. Hindi na nga ako kumain dahil pakiramdam ko ay hindi ko malulunok ang pagkain. Walang lasa ang niluto ko kanina kaya si Ate Cataleen na ang nagtimpla. Tinanong niya ako kung ayos lang ba daw ako kaya nagsinungaling ako na okay lang kahit hindi naman talaga. 8PM na pero nandito ako sa labas ng bahay. Nagpapahangin lang ako habang ang mag-asawang Valconeri ay nasa kwarto na nila. Kanina pa sila umakyat para magpahinga. Pero hindi ko magawang magpahinga dahil naiisip ko pa rin si sir Prof. Hindi ko talaga matanggap. Ang nakakainis pa wala akong masabi na masama tungkol sa babaeng kasama niya dahil maganda. Wala man lang ako sa kalingkingan niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. Ang tahimik na ng paligid pero ‘yung lalaking may sapak sa ulo ay hindi pa umaalis. Hindi kasi ako makatulog din dahil kailangan ko pang hintayin na makalayas na si Claw at maisara ko ang pinto. Bwisit talaga siya! Malungkot na nga ako kanina pero nagawa pa niya akong kantahan ng aray. Nakatikim tuloy ulit ng kamao ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya mabilis akong lumingon at nakita ang pangit na gurang na hindi naliligo. Nakita niya ako kaya inirapan ko nalang siya nang magtagpo ang tingin namin. “Anong ginagawa mo dyan?” tanong niya. “Wag mo akong kausapin.” malamig kong sabi. Ngunit matigas talaga ang ulo niya dahil lumapit pa rin siya at umupo sa tabi ko. Masama kong tinignan si Claw habang may toothpick pa sa gilid ng labi niya. “Nakakainis talaga pagmumukha mo!” sabi ko. Pakiramdam ko ay mas lalong umiinit ang ulo ko sa kanya dahil sa broken hearted ako. “Wag mo nga akong pag-initan dyan! Porke’t nakita mo lang na may girlfriend ang Prof mo, nagagalit ka na! Feeling broken hearted yarn?” aniya na para bang nang-aasar sa akin. Hindi na lang ako sumagot at baka masapak ko na naman siya. Kanina pa naman ako napipikon sa kanya. Baka hindi na talaga suntok ang magawa ko sa kanya. “At isa pa, ang bata-bata mo pa para magka-crush. Dapat naka focus ka sa pag-aaral mo, hindi ‘yung puro ka landi!” sabi niya kaya agad ko siyang binatukan sa ulo. “Sinong may sabi sayong puro landi ako, ha?! Baka ipalunok ko sayo ang test paper ko para makita mong malaki ang score ko!” inis kong sabi. “Wee? Malaki talaga? Baka naman dinoktor mo ang score mo. Wala sa mukha mo na matalino ka, eh.” sarkastiko niyang sabi. “Bakit ko naman ipapakita sayo?! Pakialam ko naman kung ayaw mong maniwala sa mga sinabi ko.” saad ko na lamang at ibinalik ang tingin sa harapan ko. “Siguro marami kang kuto sa ulo. Sabi kasi nakakatalino daw ‘yun, eh.” mabilis ko na naman siyang nilingon dahil wala na talaga siyang sinabi na maayos. Nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan sa balikat. Nanlaki talaga ang mata ko at hindi makapaniwalang nilingon si Claw. “Tanggalin mo nga ‘yang braso mo sa balikat ko. Hindi tayo friend!” singhal ko sa kanya saka ko siniko ng malakas ang tagiliran niya kaya natawa siya at agad na inalis ang braso niya. “Ito naman.. ang sungit. Akala mo naman kagandahan,” bulong niyang sabi pero dinig na dinig ko naman. “Bakit may sinabi ba akong maganda ako? Epal ka din, eh! Umusog ka nga! Ang baho-baho mong matanda ka!” bulyaw ko sa kanya at nagtakip sa ilong ko gamit ang kaliwa kong kamay. “Grabe ka naman.. Hindi naman ako mabaho, ah.” depensa pa niya sabay amoy sa sarili niya. “Barado siguro ‘yang ilong mo kaya hindi mo na maamoy ang sarili mo.” sabi ko sa kanya. “Ang sama mo talaga sa akin. Balak pa naman sana kitang ilibre ngayong gabi para hindi ka na lonely, kahit wala ka naman talagang dapat ikalungkot dahil feelingera ka lang talaga,” sabi niya kaya nilingon ko siyang muli. “Ililibre mo ako? Bakit may pera ka ba? Mukha ka namang pulubi,” sabi ko ngunit tumawa ang baliw. “Wala ka talagang tiwala sa akin, Kulot,” aniya habang nakanguso. “Wala talaga! Pagmumukha mo pa lang, kahina-hinala na,” sagot ko. “Maliligo lang ako,” sabi niya kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Bakit ka nagpapaalam sa akin na maliligo ka? Pakialam ko ba?” mataray kong sabi. “Maliligo ako dahil aalis nga tayo. Libre kita kaya maligo ka at maghanda. Baka sabihin mukha kang basahan kapag itinabi ka sa gwapong tulad ko,” mayabang niyang sabi kaya siniko ko na naman siya at tumama sa matigas niyang dibdib. “Saan mo ba kasi ako ililibre?” tanong ko para malaman ko kung saan niya ako dadalhin. Baka kasi pagtripan na naman niya ako. Wala pa naman ako sa mood. “Dadalhin kita sa patay-patay ilaw, Kulot. Kaya magbihis ka na at mag-ayos para magmukha kang tao.” sabi niya saka siya tumayo at agad na naglakad papunta sa pinto. “Hoy! Hindi pa naman ako pumapayag!” sigaw ko at dali-dali akong tumayo para sundan siya. “At bakit dito ka pumasok sa bahay ng boss ko? Dapat lumayas ka na, ahh..” sabi ko dahil nagtataka ako kung bakit siya pumasok sa bahay. “May damit ako dito, Kulot. Wag ka na nga lang magtanong! Magbihis ka na sa kwarto mo.” sabi lang niya. “Hoy! Paano kung magalit sila Ate Cataleen at Sir Remus? Hindi naman nila alam na lalabas ako,” sabi ko sa kanya at iniisip ang mangyayari kapag lumabas ako ng walang paalam. “Ako na ang magpapaalam kaya kumalma ka lang,” sabi niya habang nakangisi. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya o hindi. Pero sa bar daw niya ako dadalhin eh. Mukhang kailangan ko din uminom ng alak dahil ang sakit talaga ng nakita ko. Hindi ko matanggap na may girlfriend si Prof Greg pero wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin na wala talaga akong pag-asa sa kanya. Tinungo ko na lamang ang kwarto ko upang magbihis. Tulad ng sabi ni tanda ay maghanda daw ako. Hindi ko alam kung tama ba na sumama ako kay Claw. Baka puro bangayan lang ang gawin naming dalawa. Nakapili na ako ng susuotin. Ayaw kong mag pantalon kaya denim short na lang ang sinuot ko at isang blouse na kulay white. Lumapit ako sa harap ng salamin at inayos ang buhok ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko sa buhok kong kulot. Hindi ko malaman kung tatalian ko na lang ba. Nilugay ko ang kulot kong buhok at inayos ayos pa ito. Mukhang okay naman siguro kung nakalugay. Bahala na kung magreklamo si Claw. Ipapakain ko nalang sa kanya ang kulot kong buhok. Naglagay na rin ako ng lipstick sa labi para naman magkaroon ng kulay ang mukha ko. Yun lang ang kaya kong ilagay sa mukha ko dahil hindi naman ako marunong mag makeup. Kinuha ko na lang din ang mumurahin kong pabango saka ko sinuot ang sapatos na binigay sa akin ni Claw. Paborito kong suotin ‘to dahil komportable ako. Para kapag nalasing ako mamaya ay hindi ako matatapilok dahil nakasuot ako ng sapatos. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako ng room ko. Akala ko ay hindi pa tapos si Claw ngunit nakita ko na lang siya na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko. Basa ang buhok niya at nakatshirt na lang siya na kulay gray at black pants. “Naligo ka ba?” tanong ko sa kanya. “Oo, kita mong basa ang buhok ko, eh.” tugon naman niya at inaayos ang buhok niya. “Eh.. bakit mukhang dirty ka pa rin?” sarkastiko kong sabi ngunit pinukol lang niya ako ng masamang tingin. “Wag mo akong simulan, Kulot! Baka pagtawanan kita dahil ang lalaking gusto mo ay may girlfriend na,” naka-smirk niyang sabi. Inirapan ko na lamang siya at hindi na ako sumagot pa para hindi na kami mag-away. Ililibre pa naman ako ng kumag kaya kailangan kong magpakabait sa kanya. Baka magbago pa ang isip niya. Sayang naman kung hindi matutuloy, nakaligo pa naman siya. Naunang lumabas si Claw kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Tumingin pa akong muli sa second floor at baka sakaling makita ko si Ate Cataleen at personal akong makapag paalam sa kanya na magbabar kami ni Claw. Pero tahimik na ang second floor kaya malamang hindi na lalabas pa ang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD