Chapter 11

1932 Words
Chapter 11 Diane’s Pov NIYAYA ako ng kaibigan kong si Jamaica na gumala sa park pagkatapos ng klase namin. Nag chat naman ako kay ate Cataleen at sinabi ko sa kanya na niyaya ako ng kaibigan ko. Kinabahan pa ako nong una at baka hindi pumayag si ate Cat. Siyempre, nakakahiya naman kung gumala pa ako kahit alam kong kailangan ko pang magluto ng hapunan. Pero naawa kasi ako sa kaibigan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at naglakas loob na lang ako na mag text. Mabuti na lamang at pumayag si ate Cataleen. Ang sabi ko ay 7PM ako uuwi pero itong si Jamaica ay nagpaalam agad sa akin na uuwi na daw siya. Bigla ba naman may tumawag sa kanya at pinapauwi din siya agad. Kaya ang ending ay naiwan akong mag-isa sa park. Hindi na muna ako umuwi agad dahi nakapag paalam na nga ako kay ate Cataleen. Kung alam ko lang na uuwi din pala siya agad ay eh ‘di sana hindi na ako nagpaalam kay ate Cat. Napagdesisyonan ko na lang muna tumambay sa park. Magpapalipas lang ng oras bago ako umuwi. Hindi ko alam kong sinundo ba ako ni gurang sa school. Maaga kasi kami lumabas kaya nang makalabas ako sa school ay wala pa ang kotse na ginagamit niya. Baka hindi na rin ako sunduin no’n dahil hate na hate niya ang kagandahan ko. Panay iwas ba naman sa akin, ayaw na ngang kumain do’n sa bahay ng mag-asawang Valconeri. Akala mo naman talaga papansinin ko siya. Masyado siyang feelingero. Hindi ko pa naman siya nasasapak sa mga pinagkakalat niyang tsismis about sa akin. Kapag ako ang nainis sa kanya ay kukulamin ko talaga siya. Habang nakaupo ako ay may nahagip ang mata ko na hindi ko inaasahan. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses at baka namamalikmata lang ako. Lumingon pa sa akin si Prof kaya agad kong inayos ang buhok ko na dati pa namang magulo. “Hello po, Prof!” bati ko sa kanya at ikinaway ang kamay ko. “O, nandito ka pala, Diane,” sabi niya habang nakangiti. Ang gwapo talaga ni Prof. Yung ngiti pa lang niya ay nakakalaglag na ng puso. Kaya crush na crush ko siya, eh. Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya. “Opo, sir. Kayo po, ano pong ginagawa mo dito?” tanong ko, pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman ko. Ang swerte ko naman. Kaya siguro umalis ang kaibigan ko para magkaroon kami ng moment ni Prof. “May hinihintay ako dito sa park,” sagot niya. “Ahh.. okay po, Prof.” sagot ko na lamang saka ngumiti. Yung ngiti ko pa talaga ay pa-cute. “Ikaw, anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?” tanong niya sa akin. “Kanina po kasama ko ang classmate ko na si Jamaica, pero nauna na pong umalis, Prof. May emergency po ya—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may mahagip ang mata ko na nakakainis na nilalang. Nakapamulsa pa talaga siya at ang dalawa niyang kilay ang magkasalubong. Bwisit talaga! Kung kailan dumating ang swerte ko kay Prof saka naman may dumating na demonyo. Napansin ko na naglakad papunta sa akin si Claw. Ayaw ko sana siyang pansinin at magkunwari na hindi siya kilala pero pinandilatan niya ako ng mata niya. Nakuha tuloy niya ang atensyon ni Prof at lumingon sa kanya. Nakakabwisit talaga ‘to si Claw! Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako sa park. Aso yata ang animal. Biglang lumapit sa akin si Claw at walang pasabing inakbayan ako sa balikat. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi ko akalain na aakbayan niya ako gayong kung makapang-asar siya ay wagas, na tila diring-diri pa sa presensya ko. Halos mapatalon ako sa gulat, pero mas nangingibabaw ang hiya dahil sa harap pa mismo ni Prof niya ginawa. Hindi ko malaman kung anong trip niya sa buhay. Gusto ko siyang sikuhin upang alisin niya ang braso niya na nasa balikat ko. KSP talaga ang animal na gurang na ‘to. “Sino siya, baby girl?” Biglang tanong ni Claw kaya nanlaki ang mata ko at agad siyang nilingon nang may halong pandidiri. Tumayo talaga ang balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. “A-Anong baby girl pinagsasabi mo?!” Madiin kong bulong sa kanya, sapat lang para kami lang ang makarinig. Isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot sa akin ni Claw. Halos maduling na ako sa pagtitig nang masama para lang iparamdam na hindi ako natutuwa sa sinasabi niya. Paano kung maisip ni Prof na boyfriend ko ang lalaking nakaakbay sa akin? Paano na lang ang pantasya ko na mapansin ni Prof. Panira talaga ng moment si Claw. Ngumiti si sir Greg kay Claw. “Ako nga pala ang Professor ni Diane. I’m Gr—” “Nevermind. Hindi ko kailangan malaman ang pangalan mo,” saad ni Claw kaya mas lalong nanlaki ang mata ko. Binastos ba naman niya ang Prof kong pogi. Piste talaga siya! “Anyway, mauna na kami ng baby girl ko.” Sabi pa ni Claw at agad akong hinila kahit ayaw kong umalis sa harapan ni Prof. Wala naman akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya dahil mas malakas siya kaysa sa akin. Napalingon nalang akong muli kay Prof at kumaway na lang sa kanya. Hindi man lang kami na bigyan ng moment ngayong gabi. Sayang talaga. Naging bato pa talaga ang magandang moment namin. Nang makalayo layo na kami ni Claw ay walang sabi-sabi ko siyang siniko sa tagiliran. Agad siyang napahinto sa paglalakad at inalis ang braso niyang nasa balikat ko. ​Lumayo ako sa kanya ng kaunti at mabilis na sinipa ang kaliwa niyang binti sa sobrang inis. “Bwisit ka talagang gurang ka! Bakit ba napaka-epal mo?!” Nanlilisik ang mga mata ko habang kaharap siya. ​“Hoy! Huwag mo nga akong tawaging gurang! Malilintikan ka talaga sa akin.” aniya habang nakapameywang sa harapan ko. ​Simula talaga nang magkakilala kaming dalawa ay wala na siyang ginawa kundi painitin ang ulo ko. Ngayon naman ay ginugulo na naman niya ang gabi ko na dapat sana ay nag eenjoy ako dahil nandito ang crush kong Prof. ​“Dapat nakauwi ka na sa bahay nina Boss, ah? Bakit nandito ka pa sa park, ha?!” tanong niya na akala mo ay siya ang boss ko. ​“Bakit ko naman sasagutin ’yang tanong mo? Bakit... amo ba kita? Ikaw na ba ang nagpapasahod sa akin?!” ganti ko sabay pandilat sa kanya. ​“Aba’t loko kang bata ka, ah! Palasagot ka talaga!” aniya sa tonong naiinis. ​Pinagkrus ko naman ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko. “Eh ’di inamin mo rin na gurang ka!” bulalas ko. ​Hindi siya sumagot, pero isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin. “Isusumbong talaga kita kay Boss Remus. Dapat ay nagluluto ka na ng hapunan sa bahay nila ngayon, pero nandito ka sa plaza at nagpapa-cute sa mukhang engot na lalaking ’yun!” Wika niya dahilan para pumitik ang ugat ko sa noo. “Ano nga ulit ang tinawag mo sa Prof ko?” Madiin kong tanong sa animal. “Engot. Mukha naman talaga siyang engot sa checkered niyang suot. Hindi ko alam na ganun pala mga type mo. Nakakatawa naman.” Sabi pa niya na halatang nang aasar. Nakangisi pa talaga siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko mapapalampas ang tinawag niya sa Prof ko. Ayos lang kung ukrayin niya ang buhok ko pero wag na wag lang niyang tatawaging engot ang crush ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Claw. Nakangisi pa rin siya sa sinabi niya. Akala yata niya ay natutuwa ako sa sinabi niya sa Prof ko. Walang sabi-sabi kong hinawakan ang itlog niya at malakas na pinisil ito. “Fvck!” Bulalas ni Claw at napahawak sa braso ko dahil sa ginawa kong paghawak sa itlog niyang bugok. “Tangina..” sabi pa niya ngunit pinandilatan ko lang siya ng mata ko. “Babasagin ko talaga ‘tong itlog mong bugok, Claw. Bawiin mo ang sinabi mong engot ang Prof ko!” Matalim kong sabi at mas lalong pinisil ang itlog niya. Mahinang dumaing si Claw at tumingin pa sa paligid. “Baliw kang babae ka! Dito talaga sa plaza? Maraming tao na dumadaan.” Sabi pa niya kaya napalingon ako sa paligid at nakita ang mga taong nakatingin sa amin ni Claw. Mabilis pa sa alas-kwatro kong binitawan ang itlog ni Claw. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko, pero dala lang ng bugso ng damdamin kaya ko nagawa ’yun. “Piste ka talaga, Claw! Sa susunod na tatawagin mong engot ang Prof ko ay gagawin kong stress ball yang itlog mo!” Pagbabanta ko kay Claw saka ako naglakad at binangga siya. Hindi ko na nilingon pang muli si Claw. Diretso lang ang lakad ko dahil nakaramdam ako ng hiya sa mga taong nakakita sa akin na hinawakan ang itlog niya. Nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ko din alam kung ano bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko nagawa yun. Kadiri talaga! Mukhang kailangan kong maghugas nang maigi pagdating ko sa bahay nina sir. Lalagyan ko talaga ng alcohol ang kamay ko at baka tubuan pa ng butlig-butlig sa sobrang dumi ng Claw na ‘yun. Kadiri pa naman ang binatang ‘yun. Nagmadali akong maglakad pero mahabol pa rin ako ni Claw. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila na naman niya ako. Panay siya hila sa akin. Nakakairita na! Nakalabas kami sa plaza at nakarating sa kotse na ginagamit niya kapag sinusundo niya ako. “Kaya ka naman pala wala sa school dahil gumagala ka. Lagot ka talaga kay Mrs. Valconeri.” aniya. Tinakot pa ako kaya inirapan ko siya. “FYI.. alam ni ate Cataleen na nasa park ako. Wag mo akong takutin dyan at baka mapiga ko na naman ‘yang itlog mong maitim!” asik ko. Humarap sa akin si Claw at masama akong tinignan. “Hindi maitim ang itlog ko, Diane! Maputi ‘to! Pakitaan kita dyan, eh!” bulalas niya. “Eh ‘di wow! Basagin ko ‘yan, eh! Piste ka!” inis kong sabi saka ko binuksan ang pintuan ng passenger seat at agad na pumasok. Hinintay ko na lamang si Claw na pumasok sa loob ng kotse. Ikinabit ko na lamang ang seatbelt sa harapan ko at tumingin sa bintana. Ngunit bigla akong natigilan nang makita ko si Prof na may kasamang babae. Nakangiti pa silang dalawa habang naglalakad. Nakita ko pa kung paano haplusin ni Prof ang pisngi ng babae habang ang kamay ng dalawa ay magka holding hands. “Sinayang mo talaga oras kong babae ka! Panay pa ang hanap ko sayo sa school pero nag lakwatsa ka lang pa— teka.. hindi ba ‘yan yung prof mong engot?” biglang sabi ni Claw. Hindi ako nakasagot agad at napalunok nalang ako ng ilang beses habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. May kumikirot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. “Aray.. aray n—” sabi ni Claw na para bang kinakanta niya ngunit napatigil siya dahil nilingon ko at sinapak sa pisngi. Napamura na lang siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam dahil nasasaktan akong makita ang prof ko na may kasamang babae. Ngayon ko lang nalaman na may girlfriend pala siya. Kainis! Sigurado akong aasarin lang ako ni Claw nito. Dapat pala hindi na ako pumunta ng park at umuwi nalang ako agad sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD