Chapter 10

1270 Words
Chapter 10 Diane’s Pov LUMABAS ako ng gate at hindi ko inaasahan ang lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan na ginagamit ni Claw sa t’wing sinusundo ako. Hindi ko inaasahan na siya ang susundo sa akin. Ano na naman kaya ang nangyari sa pisteng lalaking dapat na susundo sa akin. Hindi pa naman ako sanay sa lalaking ‘to dahil laging seryoso ang mukha. Para bang hindi siya pwedeng biruin. Kahit hindi ako komportable ay naglakad pa rin ako papunta sa kanya. Mas mabuti na rin na si Sir Raj ang sumundo sa akin kaysa do’n kay gurang. “Hello po, sir Raj..” bati ko sa mahinang boses. Tumango lang siya, hindi siya nagsalita kaya napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko at walang nagawa kundi ang maglakad papunta sa passenger seat. Binuksan ko na lamang ang pintuan at agad na pumasok. Binuksan na din ni Sir Raj ang pintuan ng driver seat at agad na pumasok ng kotse. Para akong robot kung kumilos habang kinakabit ang seatbelt sa harapan ko. Hindi pa binuhay ni sir Raj ang makina ng kotse kaya hindi ko napigilan na lumingon sa kanya. Agad din siyang lumingon sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ang tingin sa harap ng kotse. Bakit kasi ang seryoso ng mukha niya? Pakiramdam ko ay anumang oras ay ililibing niya ako kapag nagkamali akong magsalita. Nakilala ko na ang mga tauhan ni Sir Remus at ito lang talaga siya ang masungit ang mukha. Yung isa naman kasi kriminal ‘yung mukha, eh. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit hindi si Claw ang sumundo sa’yo?” Sabi niya sa baritonong boses. Napangiwi naman ako. “Hindi na po, Sir Raj. Mas okay nga po na hindi siya ang sumundo sa akin,” sabi ko na lamang. Tumango tango siya. “Sayang, may tsismis pa naman sana ako,” aniya saka niya binuhay ang makina ng kotse. “Tsismis? Marunong ka pala no’n, Sir Raj?” hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaki. Sino ba namang hindi magugulat kapag nalaman na marunong siya sa salitang tsismis. Wala sa itsura niya, eh. “May sasabihin sana ako, pero dahil wala ka namang pakialam kay Claw at wala kang balak na malaman kung anong dahilan ay hindi ko na ikwekwento.” bored niyang sabi. “Ito naman.. hindi ka na mabiro, Sir Raj. Ano ba kasi ‘yun? Napagalitan po ba siya ni Sir Remus at tinanggal sa trabaho? Naku, magiging masaya talaga ako kapag nawala na siya sa landas ko,” sabi ko habang hindi inaalis ang tingin kay sir Raj na seryosong nagmamaneho. “Malabo ‘yun, si Claw ang kanang kamay ni Boss Remus,” sagot niya kaya agad nawala ang saya ko. “Ganun? Eh ano po ba ang sasabihin mo sa akin kung hindi naman po pala matatanggal ang gurang na ‘yun?” nakanguso kong sabi. “Mangkukulam ka ba? O di kaya ay gumagamit ka ng itim na mahika para magkagusto sa iyo ang isang tao?” Walang pagdadalawang isip niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko at hindi makapaniwala sa tanong ni sir Raj. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako o matatawa na lamang. “Bakit ganyan po ang tanong mo sa akin, Sir Raj? May sinabi ba si gurang tungkol sa akin? Nagkakalat po ba siya ng maling tsismis patungkol sa akin?” tanong ko at ikinuyom ang kamao ko. “Humanda talaga sa akin ang Claw na ‘yun, ipapatikim ko talaga sa kanya ang hinahanap niyang gulo.” Inis kong sabi habang gigil na gigil na akong masakal siya sa leeg hanggang sa magkulay purple ang animal. Kung ano-ano pa yata ang pinagsasabi niya sa mga kasamahan niya para masira niya ang imahe ko. Ang laki talaga ng galit niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang hugot niya para pag-initan niya ako ng ganito. “Alam mo kasi.. ang kaibigan ko ay pumunta ng albularyo,” sabi ni sir Raj kaya nanlaki ang mata ko. “Albularyo? Ano namang ginagawa ng abnormal na ‘yun?” tanong ko sa inis na boses. Mabilis na sumulyap si sir Raj sa akin. “Para bumili ng pangontra sa gayuma,” sagot niya agad. Natawa ako ng mahina. Ibang klase talaga mag-isip ang hinayupak na ‘yun. “Wow ha! Ang gwapo niya para maghanap ng pangontra sa gayuma. Eh mukhang hindi nagpapalit ng brief ang baliw na ‘yun.” nailing kong sabi. Ang lakas ba naman ng tama ng baliw. “Sino ba namang maglalakas loob na gayumahin ang lalaking ‘yun, eh wala namang magugustuhan sa taong yun.” sabi ko habang nalukot pa ang mukha ko. “Ikaw..” sagot agad ni Sir Raj. “Ha ha.. funny, Sir Raj.” Sarkastiko kong sabi. “Kung marunong lang ako ng black magic ay baka hindi gayuma ang gawin ko sa kanya. Baka kulam tapos palalabasin ko ang mga uod sa bibig niya. Kung marunong lang talaga ako ay baka matagal ko ng ginawa.” inis na inis kong sabi. Kahit wala si Claw ay nakuha pa rin niyang painitin ang ulo ko. Napakagaling talaga! “Easy ka lang, kulang nalang patayin mo ang kaibigan ko, eh.” natatawang sabi ni si Raj. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Ang pogi pala niya lalo. Hindi katulad sa isa niyang kaibigan na bungal. Huminga pa ako ng malalim para lang kumalma ako. Pinagdarasal na lamang na sana ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Claw sa pagdating namin sa bahay ng mag-asawang Valconeri. Baka hindi na talaga ako makapagpigil. Ipagkalat na naman na mangkukulam ako. Porke’t kulot ang buhok ko. Malamang mag-iisip ng kung ano-ano ang kaibigan ni Claw dahil sa pagpunta niya sa albularyo. Isusumbong ko talaga siya sa nanay ko. Sasabihin ko talaga na may nang bubully sa akin. Pero baka patigilin ako ni nanay sa pagtatrabaho kaya wag nalang pala. Kay Ate Cataleen ko nalang siya isusumbong. Nakarating kami sa harap ng gate ng bahay ni ate Cataleen. Tinanggal ko agad ang seatbelt ko at humarap ako kay sir Raj. “Salamat po sa pagsundo, Sir Raj. At please po.. wag ka po sanang magpapaniwala sa mga kasinungaling ni Claw. Hindi po ako marunong sa black magic. Bad po yun kaya sana ipagtanggol mo po sana ako sa kaibigan mong kulang sa aruga.” nakanguso kong sabi. “Okay,” maikli niyang sagot. Isa pa ‘to eh. Ang haba ng sinabi ko okay lang ang sagot. Mga tauhan ni sir Remus mga krung-krung. Bumaba na lamang ako sa sasakyan para makapagpahinga na muna ako kahit saglit lang. Mamaya nalang ako magluluto ng hapunan kapag 6PM na. Ang dami ko kasing ginawa sa school kaya pagod na pagod ako ngayong araw na ‘to. Pero dahil sa working student ako ay kailangan kong gumalaw at gawin ang trabaho ko upang hindi ako mapagalitan. Nakakainggit talaga ang mga classmate ko na hindi kailangan mag working student dahil kaya silang paaralin ng mga magulang nila. Ako kasi ay laking mahirap kaya kailangan magtiis muna. Kailangan igapang ang pag-aaral ko at the same time ay makatulong kay nanay ko na makaipon. Alam kong makakapagtapos din ako ng pag-aaral at makakabili din ako ng sarili naming bahay ni nanay na pwedeng maglagay ng negosyo na tindahan. Yun lang naman ang pangarap ko, eh. Kaya kahit may demonyong paharang harang sa paligid ko ay kinakaya ko pa rin dahil alam kong ang mag-asawang Valconeri ang makakatulong sa akin para makapagtapos ako. Titiisin ko na lang ang pangangaway ni Claw sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD