Chapter 9

1821 Words
Chapter 9 Claw’s Pov TINUNGO ko ang binigay na address ng kasamahan kong tauhan ni Boss Remus. May binigay siya sa akin at ang sabi niya ay legit daw ito. Marami na daw kasing pumupunta sa matandang albularyo. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero gusto kong subukan at baka matigil na ang pagpapakita ni kulot sa panaginip ko. Tangina! may ginawa yata ang babaeng ‘yun sa akin. Mukha pa naman siyang aswang. Kasama ko si Raj, hindi ko nga alam kung bakit niya ako sinamahan. Bored yata sa buhay niya kaya sumama at makalabas ng underground. “Ano bang kailangan mo dito?” tanong niya. Hindi ako sumagot at panay lang ang tingin ko sa paligid. “Hoy! Kinakausap kita,” seryosong sabi ni Raj. “Manahimik na nga lang muna. May tinitignan ako, eh.” sabi ko dahil ang ingay niya. Naglakad ako papunta sa eskinita upang tignan ang mga kabahayan. Kailangan kong mahanap ang albularyo. Para maligtas ko ang sarili ko sa pangit na babaeng ‘yun. Ilang sandali pa ay nahanap ko ang bahay na sinasabi ng kasamahan ko. Nakasunod naman sa akin si Raj. “Ano bang ginagawa mo kasi?” Tanong ni Raj. Naiirita na ako sa panay tanong niya. Ayaw ko muna siyang sagutin dahil alam kong aasarin lang niya ako. “Tao po! Tao po!” sigaw ko upang marinig ako ng tao sa loob. Inulit ko na lamang at baka hindi lang ako narinig. “Tao po!!” Sigaw kong muli. Narinig ko ang pagpihit ng siradura ng pintuan, bumukas ito at isang matandang lalaki ang lumabas. Sobrang matanda na ito dahil kapansin pansin ang mabagal niyang paglakad. Tumingin pa siya sa akin kaya ngumiti ako. “Magandang hapon po, tay!” Bati ko sa matanda. Hindi naman siya sumagot kaya kinaway ko na lamang ang kamay ko. Lumapit siya sa akin, ang bagal ng lakad niya kaya napangiwi ako. Siguraduhin lang talaga ng tauhan ni Boss Remus na legit ‘tong sinuggest niya sa akin na albularyo. “Kayo po ba si Tatay Berto?” Tanong ko sa matanda. Tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nahanap ko agad ang bahay niya. “Pwede po ba kami pumasok, tay. Magpapagamot po sana ako,” sabi ko sa kanya. “Oh sige, pasok kayo mga hijo.” Sabi niya at pinayagan kami ni Raj na pumasok. Naunang naglakad ang matanda at nakasunod lang ako. Kinalabit pa ako ni Raj mula sa likod kaya napahinto ako sa paghakbang at humarap sa kanya. “Magpapatuli ka ba?” Tanong ng hayop. “Tuli na ako! Sumunod ka na nga lang sa akin at wag ng maraming sinasabi,” inis kong sabi saka ko ibinalik ang tingin sa harap at sumunod sa matanda. Nang makapasok ako sa maliit na bahay ay panay ang tingin ko sa paligid. Simple lang ang bahay at may isang mesa sa gilid na may mga nakapatong na mga bote. Mukhang ito na nga yata ang albularyo na sinasabi ng tauhan ni Boss Remus. “Upo kayo, hijo.” sabi ng matanda kaya tumango ako at tinungo ang upuan. Umupo ako at sumenyas kay Raj na umupo rin. “Ano bang pakay niyo sa akin? Anong ipapagamot niyo?” Tanong ni tatay Berto. Bigla naman akong nahiya kaya hindi ako nakasagot agad. Ano ba kasing sasabihin ko? Dapat bang sabihin kong magpapagamot ako dahil may gumagayuma sa akin? Tangina talaga! Sigurado akong tatawanan ako nito ni Raj. Siniko naman ako ng kaibigan ko dahil hindi ako sumagot. “Hoy! Ano daw ipapagamot mo? Sabihin mo utak mo,” bulong na sabi ni Raj. Siniko ko din ang loko. “Bumalik ka na nga lang do’n sa kotse!” inis kong sabi. Dapat kasi hindi na siya sumama sa akin, hindi sana ako nahihiyang magtanong. “Ahm.. may gamot po ba kayo para sa gayuma?” Tanong ko sa matanda. “Ano kamo?” tanong ng matanda sa akin. “Gayuma po, tay. Meron po ba kayo?” Tanong ko ulit. “Ahh.. meron, hijo. Ilan ba ang kailangan mo? Nasa maliliit na bote ang gayuma ko.” sagot niya kaya agad akong nakahinga ng maluwag ng malaman kong meron. “Isa lang po, tay.” agad kong sagot at ipinakita pa ang isa kong daliri. Agad naman tumango ang matandang lalaki at may kinuha sa mesa. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa may makuha siya. Naglakad siya papunta sa akin, mabagal ang lakad niya dahil sa katandaan pero ayos lang sa akin. Hindi naman ako nagmamadali. Pakialam ko ba kung maghintay sa akin si kulot. “Ito, hijo.. mabisa ‘to. Inumin lang ito agad.” sabi sa akin ng matanda kaya agad akong tumango. “Magkano po, tay?” Tanong ko upang mabayaran ko na saka ko bubuksan. “500 pesos lang, hijo.” sagot naman niya. Kinuha ko agad ang wallet sa likod ng pantalon ko at dali-daling naglabas ng pera. Binayaran ko agad si tatay ng 1 thousand. “Naku, wala akong panukli nito, hijo.” sabi pa niya sa akin. “Okay na po yan, tay. Sayo na po ‘yan,” nakangiti kong sabi. “Ayy.. maraming salamat, hijo. Malaking bagay ito para sa akin,” tuwang tuwa niyang sabi. Hindi naman ako sumagot dahil bigla akong siniko ni Raj. “Inumin mo na kung totoo bang tatalab ‘yan. Baka maging zombie ka niyan, ha!” bulong na sabi ni Raj sa akin. Siniko ko ang baliw at tinitigan ang maliit na bote na inabot sa akin ni tatay Berto. Walang pagdadalawang isip ko itong binuksan at agad na ininom. Takot akong magkagusto kay kulot kaya iinuman ko na agad ng gamot. Tangina! Palagi kasi siyang dumadalaw sa panaginip ko. Ang nakakainis pa ay wala siyang saplot kahit isa. Nang mainom ko ang laman ng bote ay pinakiramdaman ko ang katawan ko. Akala ko pa naman ay mapakla ang lasa pero parang tubig lang naman na may pait sa dulo kapag nalunok na. “Ano? Anong nararamdaman mo?” tanong ni Raj sa akin. “Wala naman,” sagot ko naman, yun naman ang nararamdaman ko. Wala namang kakaiba. Ibinalik ko ang tingin ko kay tatay Berto na nakaupo na. “Okay na po yun, tay? Nainom ko na po, eh. Hindi na po ba ako magkakagusto sa babae?” tanong ko. Napansin ko ang pagkunot ng kunot niyang noo dahil sa katandaan. “Ha? Hindi magkakagusto?” Balik tanong niya sa akin. Napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Opo, ang effect pa ba nito ay hindi ako magkakagusto sa babae? Pangontra naman po ang nainom ko po ‘diba?” paninigurado ko at baka mali ang naibigay niya. “Ayy.. pangontra ba sa gayuma ang hanap mo? Akala ko gayuma ang hanap mo kaya ang binigay ko sa’yo ay ang gayumang nagpapabaliw lalo na sa mga taong nakakainom nito. Akala ko ay may paiinumin kang gayuma para mabaliw lalo ang babae sa’yo kakaisip.” sabi ng matanda kaya nanlaki ang mata ko. “Ano po? Mali ang binigay niyo po sa akin?” naguguluhan kong tanong. Napakamot naman siya sa buhok niyang kokonti nalang. “Oo, hijo. Mas lalo kang mababaliw sa babae at panay ang isip mo niyan sa kanya,” sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Sinubukan kong iluwa ang nainom ko. Pero putanginang Raj, tinatawanan ako. “Ayan.. gago. Hindi mo sinabi sa matanda na pangontra. Inom ka kasi ng inom.” sabi pa sa akin ni Raj. Masama ko siyang tinignan pero hindi sumagot. Nag co-concentrate ako para mailuwa ko ang nainom ko. Tangina! Nagpapagamot nga ako, eh. Ginayuma pa ako lalo ni tatay. Hindi ko maisuka ang nainom ko kaya tumayo ako at lumapit kay tatay. “Baka may pangontra ka dyan, tay? Bibili ako isa pa.” sabi ko upang inumin kong muli. “Pasensya ka na, hijo. Pero naubusan ako ng pangontra,” sabi ng matanda kaya natigilan ako at hindi makapaniwalang walang pangontra. Uminit agad ang ulo ko kay tatay. Pero mabilis na lumapit si Raj sa akin at hinawakan ang likod ng leather jacket ko. “Halika na! Nakabili ka na, eh.” sabi sa akin ni Raj at hinila ako ng malakas palabas ng bahay. “Salamat po, tay. Alis na po kami..” sabi ni Raj habang ako naman ay nanlilisik ang mata sa matanda. Ang bingi kasi niya. Sabi ko pangontra, eh. Nakakainis! Hila-hila ako ni Raj. Mukhang alam niyang galit na ako. Tangina talaga! Kumukulo ang dugo ko sa inis. Nakarating kami sa kalsada. Binitawan na ni Raj ang leather jacket ko kaya masama ko siyang tinignan. “Bakit mo ako pinigilan?!” Asik ko. “Matanda ‘yun, eh. Baka sapakin mo. Siraulo ka!” bulyaw niya sa akin. “Mali ang binigay sa akin, eh. Sino bang hindi maiinis! Sabi ko pangontra, hindi gayuma. Tangina talaga!” Inis na inis kong sabi. “Hays.. kasalan mo rin naman. Hindi mo nilinaw ang tanong mo. Okay lang ‘yan, baka naman hindi effective. Tanda-tanda mo na, naniniwala ka sa mga gayuma. Para kang tanga!” Naka-smirk niyang sabi. Mabilis na umigkas ang kamao ko sa mukha niya. Pero nakailag ang gago kaya sa pisngi tumama na dapat sana sa bibig. “Gago ka!” inis niyang sabi. “Sunduin mo na nga ang bebe mo!” aniya, nalukot naman ang mukha ko. “Anong bebe ka dyan?! Ikaw na sumundo do’n tapos iligaw mo sa kagubatan para mawala na sa landas ko.” nakasimangot kong sabi. “Bahala ka dyan! Hindi ko trabaho na sunduin si Diane. Isusumbong kita kay Mrs. Valconeri kapag hindi mo sinundo ang dalaga.” aniya kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. Baka kasi may kakaiba akong maramdaman kapag nakita ko ang pagmumukha ni kulot. Dapat pala nagtanong ako sa matanda kung anong side effects ng nainom ko para maiwasan ko. “Bigyan kita ng pera, pero ikaw ang susundo kay kulot,” sabi ko kay Raj. Sana lang ay pumayag. “Magkano?” tanong niya. Mukhang pera talaga amputa! “10 thousand?” tanong ko. “Taasan mo naman..” sabi niya. “15 thousand? Susunduin mo lang naman, eh.” sabi ko. Gusto pa niyang taasan eh hindi naman siya mahihirapan sa pagsundo. “Okay. Ako na magsusundo kay kulot. Pero ngayong hapon lang, ha!” pagpayag niya kaya tumango ako. Kakausapin ko nalang si Thiel bukas na siya ang maghatid. Magbibigay ako pera para pumayag. Tangina! Mamumulubi kaya ako nito sa pag-iwas kay kulot. Kasalanan ‘to ni Cataleen, eh. Ako pa kasi ginawa niyang tagahatid sundo sa babaeng ‘yun. Dumagdag pa sa problema ko ang nainom kong gayuma. Putangina talaga! Malas! Author's Note: Sa mga bago po dito na nagbabasa, baka pwede pong pa-add sa library ninyo ang story ni Claw at Diane. Salamat po :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD