Chapter 1
Note: Some scenes has SPG contents read at your own risk!
Panaginip
"Yan! Ganiyan! Igiling niyo pa! Charlotte! Pakukuluan kita napakatigas naman ng katawan mo! Gayahin niyo si Eva! Go Eva! Move that god damn hips!" maingay na naman ang bunganga ng aming manager na si Mamang Ruby. Siya ang manager/handler naming mga pole dancers.
Right now were doing our daily stretching, to dance sensually bago sumampa sa poles.
This is not new to me, I have been doing this for several years now.
They've even named me as the "Queen of Poles" dahil daw sa pagiging mahusay ko dito at dinadayo kami ng mga parokyano na nag aabang sa performance ko. Umuulan din ng tip sa akin pagtapos kong magtanghal.
Ang inggit ay hindi naman nawawala kahit saan pero wala naman silang nagagawa pag si Mamang na ang nagsalita. They don't dare to messed with me dahil manager mismo namin ang makakalaban nila.
Malaki man ang kinikita ko gabi gabi pero hindi pa rin ito sapat para tustusan ang lahat ng pangangailangan ko dahil nagrerent ako sa isang apartment. Mayroon naman kaming libreng tulugan pero ayaw ko ng makisalo sa mga kapwa ko dancers.
Don't get us wrong.
This club is not the typical club that guys usually go to. Hindi ito ang mga pipitsugin na bar.
High end bar ito dahil ang mga nagpupunta ay mga politiko,mga businessman at minsan pa mga sikat na modelo at artistang nagpapalipas ng oras at naglilibang.
Bukod saming mga pole dancers ay may bukod naman na mga babae for escort at pang take home. Depende rin sa escort kung gusto nilang I-take home sila. Ang offer na iyon ay maari din samin ngunit hindi sakin.
Iyon lamang ang nagiisang kondisyon ko bago ako pumasok dito.
"They can see but they should never touch me."
Maari nilang makita ang lahat sa akin pero hindi ako tumatanggap ng offer na kapalit ay s*x o kaya naman ay tatabihan ko sila. Laging sinasabi ni Mamang Ruby na we have other girls designated for that.
Sa gitna ng practice ay tumunog ang aking telepono.
Pangalan ni Auntie Beth ang nakalista sa screen ko. Kahit kinakabahan ay sinagot ko ito.
"Hello po Auntie.." nanginginig ang aking boses.
"Hoy Eva! Ano? Kelan ka magpapadala? Matagal tagal na ah! Lumayas ka nalang basta dito sa bahay akala mo ba ay matatakasan mo kami? Impakta ka talaga parang nanay mo eh no?" sigaw ni Tita sa kabilang linya.
"Auntie.. Magpapadala po ako. Pero hindi ko pa alam kung kailan dahil bayaran ko din namin sa dorm-"
"Wala akong pake! Basta magpadala ka kung ayaw mong kami ni Enteng ang pumunta diyan!" sigaw nito sabay baba ng telepono.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa pagbulyaw ni Auntie.
"Eva. The shows about to start hindi ka pa ba magbibihis?" tanong ni Molly na nakasilip sa kurtina ito ay kasama ko sa dorm at kapwa pole dancer.
"Susunod na lang ako."
Unlike me, Molly has a boyfriend.
Ayos lang naman sakaniyang boyfriend ang kaniyang trabaho dahil may tiwala daw sila sa isa't isa.
Ako naman ay hindi madaling nahuhumaling sa kahit kaninong lalake na nagtatangkang pumorma sakin.
Mula sa mapait kong karanasan sa puder nila Tita Beth ay nang lumuwas ako dito sa Maynila. Nangako ako na kailanman hinding hindi ko ibibigay ang tiwala sa kahit na sinong lalake.
Nagbihis na ako ng aking costume isa itong key hole one piece monokini exotic dancer wear. Paminsan minsan nga ay halos wala na talaga akong saplot habang nagsasayaw. Mas kaunti, mas kumportable ang kalalabasan ng aking gagawin.
Dahil huli pa naman ako ay napagdesisyunan kong maidlip muna. Nagsuot muna ako ng roba at umupo sa sofa dito sa backstage.
--
"Eva.. Eva.." naramdaman ko ang kamay niya na hinihimas ang aking hita.
Napabalikwas ako sa gulat at kinuha ang kumot upang takpan ang aking katawan.
"Shhh.. Huwag kang maingay.. Magigising ang Auntie Beth mo." nakangisi at pabulong nitong sabi.
"Tiyo Enteng! A-ano po ang gi.. gina..gawa niyo dito sa kwarto ko?" takot na takot kong tanong.
"Huwag ka ng magtanong at paligayahin mo na lamang ako!" agresibo niya akong tinulak at pinahiga.
Pumaibabaw ito sakin at tinaas ang magkabilang braso ko.
"Napakakinis! Hindi katulad ni Beth na kulubot na!" sabay halakhak nito.
"Tiyo! Parang awa mo na! Huwag mo pong gawin ito!" hagulgol ko.
Ngunit hindi niya ako pinakinggan.
---
"Wag! Wag! Wag!"
"Eva! Eva! Gising!" napabalikwas ako dahil sa pagtapik sa aking mukha at agad na lumayo sa kung sino man ito.
"Ako 'to! Si Molly! Nanaginip ka nanaman ba?" nag aalala niyang tanong.
Wala ng nakakaalam ng aking nakaraan kundi si Molly lang. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ditto at wala ng iba. Siya ang kumupkop sa akin at tumanggap kahit isang beses niya lamang ako nakita.
Ramdam ko ang pawis sa aking katawan kahit manipis ang aking suot at aircon naman dito.
Isa ito sa dahilan kaya ayaw kong pumipikit.
Bumabalik ang aking alala..
Isang alaala na sana ay kagaya ng panaginip ay makakalimutan din kalaunan.
Ngunit hindi, lahat iyon ay totoong nangyari.