“Bye, Mommy! Bye, Daddy!” hinalikan kami ni Fabio sa aming pisngi at saka masiglang tumakbo papasok sakaniyang paaralan, Nang mawala siya sa aming paningin ay mabilis kong hinarap si Franco at tinaliman ko siya ng tingin. Akala niya siguro ay nakalimutan ko na ang ginawa niya! “What?” nagtataka niyang tanong. “That was the last time, Franco! Huwag mo na akong pagsasalitaan nang ganoon sa harap ng anak ko.” Seryoso kong sabi bago siya tinalikuran tungo sakaniyang sasakyan. “Anong masama sa sinasabi ko?” umikot ang aking mata dahil sa naramdaman kong mabilis niyang pagsunod sa aking likod. “You talking things like that in front of my son is not good for me! Gusto ko siyang turuan ng tamang pagtrato at pakikitungo sa babae tapos ay pakikitaan mo siya ng pagiging marahas?”

