He's back "Now everything here is settled. Pwede na po kayong mag-siuwi parents." nakangiting sambit ng principal. Dumating ang magulang ng bully at nalaman namin na may crush daw pala siya kay Malicia kaya niya ito inaasar. Nakita naman iyon ni Fabio kaya daw agad niyanv sinuntok ang kaklase. Nagsorry naman na ang mga bata sa isat-isa at ang ending ay naglalaro na silang tatlo sa may playground. Magkakatapat kaming apat sa harap ng principal. Si Margarita at Franco ay nasa harapan namin ni Chad. Nakahinga ako ng maluwag ng idismiss na kaming lahat. Nangangatog akong tumayo at muntik pang matumba. Mabuti na lamang ay maagap na hinawakan ni Chad ang aking siko. "T-thank y-you." napapaos kong sabi. Nanguna ako sa paglabas ng napahinto dahil sa pagtawag sakin ni Ma

