Chandrick Caballero "Sigurado ka bang ganong posisyon lang ang gusto mo? We can be both vice presidents just tell me!" pilit ni Nicola. Kasalukuyan akong nasa kaniyang opisina. This is my first time visiting here and I can say this is a huge company they have. Well, not as big as I've seen Franco's company but still. Nagulat siya sa biglaan kong pagbisita.. Pilit ko siyang kinukumbinsi na bigyan ako miski maliit na posisiyon dito sakanilang kumpanya. Pinayagan na ako ng aming Ina pero si Nicola naman ay hindi kumbinsido sa gusto kong mangyari. "Nicola, alam kong pwede nga iyong mangyari but that's not what I want. Gusto ko ay magsimula ako sa scratch. At isa pa, it would be unfair for those persons that are really deserving. Ako gusto ko lang talaga kumita ng pera kaya nagpapap

