Papa Kinaumagahan ay naisipan kong konsulatahin si Franco tungkol sa aking mga magulang. Tuwing naglilihim ako sakaniya ay may nangyayaring masama sakin kaya siguro mas mabuting magpakatotoo na ako sa tunay na pakay ko para sa araw na ito. I want to fly going to Naga para makumpirma kung buhay pa nga ang aking ama. I woke up without Franco beside me kaya napabalikwas na din ako sa pag aakalang tanghali na pero pagtingin ko naman sa orasan alas otso pa lang ng umaga. Nagbihis muna ako bago nagtungo sa banyo para maghilamos at nagsipilyo. Nagsuot lamang ako ng oversized shirt bago tuluyang lumabas sa kwarto ni Franco. Naabutan ko siyang naghahanda na ng almusal gaya ng nakasanayan. He is still topless wearing only his boxer shorts. His hair is still messy halatang kakagaling

