Chapter 52 Katok ng Tita ni Crismafel ang nagpagising sa kaniya sa umaga. Tanghali na siya nagising dahil hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip sa nangyari kahapon na nakasakay na siya ng bus. At higit sa lahat ay hindi siya makapagdesisyon kung ano ang kaniyang gagawin, kung dapat ba niyang sagutin si Leon? Natakot na siya magkaroon ng relasyon dahil baka lalo lang mahulog ang loob niya sa binata. “Bumangon ka na riyan, Iha. May bisita ka sa ibaba,’’ saad ni Aling Tessy sa kaniya. Bumangon siya ng upo at inunat niya ang kaniyang mga kamay saka humikab. “Sino po ang bisita ko, Tita?” Tumayo siya at kinuha ang kaniyang towel at humarap muli sa kaniyang tiyahin. “Babae ba o lalaki ang bisita ko?’’ tanong pa niya sa kaniyang Tita. “Lalake, bilisan mo at babain mo na roon bago pa maputol

