Chapter 48 “Bakit nagmamadaling umalis ang dalawang iyon, Oscar?” tanong ni Aling Tessy nang makita ang dalawa na paalis. Katatapos niya lang itanim ulit ang ipinunla niya na binunot ni Leon kanina. “Hindi ko alam. Hali ka asawa ko mag-inuman tayo at iniwan ako ng dalawa,’’ lasing na lambing ni Mang Oscar sa kaniyang asawa. Nakita ni Aling Tessy na may letchon at kaldereta sa lamesa, kaya may pang-ulam na sila. “Lasing ka na, Oscar! Hindi ka man lang nagsaing? Babalik pa ba ang dalawang iyon para masama ko sila sa sinaing?’’ wika ni Aling Tessy nang binuksan nito ang kaldero na walang laman. “Hindi ko nga alam. Baka puntahan nila si Crismafel,’’ lasing na sagot ni Mang Oscar at nagtagay ulit. Halos lumuwa ang mga mata ni Aling Tessy sa narinig. “Ano? Sinabi mo ba kung saan si Crismaf

