Chapter 47 Sa mga sumunod na araw ay hindi tumigil si Leon na hindi malaman kung saan si Crismafel. Araw-araw siyang pumupunta sa bahay ng dalaga at araw-araw din siyang tinataboy ng pamilya ni Crismafel. Kataulad ngayon umagang-umaga ay may dala siyang imported na inumin at letchon na baboy para ibigay kay Mang Oscar. Baka sakaling madaan niya sa kalasingan at masabi nito kung saan si Crismafel. ‘’Oh, Leon, ang aga mo yata? Kung gusto mo malaman kung saan ang pinsan ko pwes, itigil mo na ang kakahanap sa kaniya dahil hindi namin ituturo kung saan siya,’’ bungad ni Gina kay Leon. “Sino ‘yang mga kasama mo?’’ tanong n Gina habang nakatingin sa nagbibit-bit ng lechon at iba pang pagkain. Nakatayo ang mga ito sa labas ng pinto. “Mga catering services sila. Birthday ko kasi ngayon, kaya nai

