Chapter 43 Naluluhang tiningnan ni Albert ang kaniyang Madam dahil nagawa na nitong makaapak sa dalampasigan at buhanginan. Natupad na ng Ginang ang pangarap nito na makalabas sa kanilang bakod. Ngunit wala man lang kaalam-alam si Mildred na nasa dalampasigan na siya at nakakaapak sa buhangin. Nalalanghap niya ang simoy ng hangin ngunin ganoon din sa kaniyang isipan na nasa dalampasigan siya. “Huminga p kayo ng malalim, Mama Mildred. Langhapin niyo po ang sariwang hangin. Isipin po ninyo na narito kayo sa gusto ninyong puntahan na lugar,’’ mahimig na utos ni Crismafel kay Mildred, habang hawak-hawak niya ang dalawang balikat nito. Walang alinlangan na sinunod ni Mildred ang utos sa kaniya ni Crismafel. Lumanghap siya ng sariwang hangin, kaya ang gaan ng kaniyang pakiramdam. “Auuff! Ang

