Chapter 44 Bumalik si Crismafel sa opisina at matamlay niyang tiningnan ang kaniyang email upang tingnan ang senend ni Leon na document sa kaniya at kaniya itong pina-print. Habang naghihintay siyang lumabas ang document sa printer ay nakatulala siya. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit isinugod sa hospital si Mildred na ina ni Leon. Gusto niya lang ito tulungan pero hindi niya ito gusto mapahamak. Nang matapos niyang i-print ang mga document ay tumawag siya kay Leon dahil hindi siya mapakali. Gusto niyang alamin ang kalagayan ni Mildred. Ilang ring sa kabilang linya ay sinagot naman ni Leon ang tawag niya. “What?” malamig at galit na sagot ni Leon sa kaniya. “Ahmm! Tapos ko na po ang pina-print ninyo, Sir. K-kumusta po si Ma’am Mildred?’’ utal-utal niyang tanong kay Leon. “Hind

