Chapter 50 Ilang oras si Crismafel nanatili sa talon nakaupo siya sa bato at tinitingnan ang malinaw na tubig na bumabagsak sa ibaba at umaagos patungo sa dagat. Iniisip niya ang sinabi ni Leon. May kung anong kiliti siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kahit mahal niya si Leon ay hindi siya pwede magtiwala basta-basta. Habang nakaupo siya sa batuhan at malalim na ang iniisip ay may nagsalita sa kaniyang likura. “Maganda pala ang lugar na ito,’’ wika ng baretonong boses. Upang makasiguro ay lumingon siya sa kaniyang likuran kung sino iyon. “Ikaw pala, Leon,’’ seryoso niyang tawag sa pangalan ng binata at muling tumingin sa tubig na bumabagsak sa talun. Naupo si Leon sa tabi niya at itinukod nito ang dalawang kamay sa likuran nito at pinantay ang paa sa harapan. “Ano ang ginagawa

