PMASL o4

1163 Words
Chapter o4 ANALYN MAE POV PAGDATING SA SCHOOL NI Rodman ay mabilis akong bumaba ng sasakyan habang bitbit ang mga gamit ng bata. Hinahatid ko pa siya sa loob ng school at room dahil iyon ang utos sakin ng amo ko. Kailangan kung sundin at baka mawalan ako ng trabaho. At mapapasana all kana lang dahil sa isang exclusive na paaralan nag-aaral ang alaga ko. Subrang ganda at masasabi mong mayaman lang ang makaka-afford dahil subrang mahal ng tuition fee. Ako kasi ang nagbabayad kaya alam ko kung magkano. Mga mayayaman lang ang may karapatan na mag-aral sa school na ito. Sa tuwing hinahatid ko ang alaga ko sa school ay parang sinasampal ako ng kahirapan. Hindi kasi ako nakapagtapos o nakapag-aral dahil sa kahirapan. Tapos may tiyahin kang masama ang ugali. Kung may alam lang ako na ibang kamag-anak ay baka hindi ako sa kanya lumaki. Pero wala akong kilala na ibang kamag-anak kaya nagtitiis ako. Hindi na ako pinag-aral ng ante ko dahil hirap na sila sa buhay at ginawa na lang akong katulong sa bahay nila. Grade 11 na ako no'n ng pinahinto ako ni ante dahil nawalan ng trabaho ang asawa niya. Iniyakan ko 'yun dahil isang taon na lang ay matatapos na ako ng high school ngunit pinagalitan lang ako. Kaya high school lang ang inabot ko pero hindi pa tapos. " Oh, pasok kana. Aalis na ako huh? Sunduin na lang kita mamaya." Sabi ko sa bata at tumango lang siya saka pumasok nasa loob ng room niya. Hindi naman siya nahihiya kapag hinahatid ko siya dahil kailangan niyang sundin ang ama niya. Nasa pinakamataas siya ng section dahil sa katalinuhan ni Rodman. Pero hindi basta basta 'yun dahil ang tatalino nila. Ngumiti at kumaway ako sa bata bago umalis. Mag-commute ako dahil umalis na si mang bong at pupuntahan ang amo namin. Nginitian naman ako ni manong guard ng palabas na ako sa school. Gumanti rin ako ng ngiti bago ako naglakad. Saka pumunta muna ako sa may tiyangge na dinaanan namin kanina. Wala lang gusto kong bumili ng damit kapag may natipuhan ako. Mahilig ako bumili ng damit kaya tambak na ang mga damit ko sa kabenet. Halos mapuno na dahil sa dami kung binili. Isang taon na ako sa mga Larruso kaya ang dami ko ng naipon. Hindi kasi ako makabili noon dahil wala akong pera kaya ng magkaroon ako ng trabaho at sumasahod na ay nabibili kona ang mga gusto ko. Mga damit lang naman ang mga luho ko. Kasi kapag may nakita akong magandang damit ay binibili ko agad lalo na kapag bagay sakin o kasya. Napapailing na lang ang mga kasama ko sa mansion dahil sa dami kung damit na binibili. Pero hindi naman nila ako pinapakialamanan at hinahayaan lang ako. Kapag may hindi na ako gusto sa mga binili ko ay binibigay ko naman kina ate. Ewan ko ba, siguro dahil hindi ko mabili ang mga gusto ko noon dahil 'di naman ako binibigyan ng pera ni ante. Ngayun ay nabibili kona ang gusto ko. Bukod sa malaki ang sahod ko ay nakakatulong na ako sa kanila at Hindi na ako palamunin kagaya ng sinasabi ni ante noon. Minsan nga ay hindi pa sahod humihingi na agad sakin ang ante ko. Hindi ko naman matanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila kahit medyo hindi maganda ang trato niya sakin noon. Wala na sakin iyon, importante ay malayo na ako sa kanila. Hindi pa ako umuuwe samin simula ng magwork ako. Sa anniversary na lang namin ng boyfriend ko. Kaagad akong napangiti ng may nagustuhan na naman akong damit sa may tyanggean. Gusto ko kasi pag-uwe ko samin ay magagandang damit ang susuotin ko para hindi nila ako laitin dahil sa katawan ko. Bully-hin kasi ako noon pa man dahil sa katawan ko. Pati nga ang ante ko ay tinatawag akong mataba. Kaya nga walang nangliligaw sakin noon dahil sa katawan ko. Si Lorenzo lang ang bukod tanging nangligaw sakin kaya mahal na mahal ko ang lalaking 'yun kahit alam ko may pagkababaero siya. Habulin kasi ng mga babae ang boyfriend ko pero may tiwala naman ako sa kanya kahit nandito ako sa manila. Kasi kapag kinompronta ko naman siya ay nag-aaway lang kami kaya hinahayaan kona lang. Para kasing wala akong karapatan magselos kapag may naririnig ako at nakikita. Kaya naman ngayun pinipilit kung mag-diet para mas lalo akong pumayat. Para kapag umuwe ako samin ay seksing-seksi na ako at maiinggit ang mga nanglalait sakin. At maglaway ang mga nangbully sakin noon. Ngayun ay nabawasan na ako ng timbang dahil pinipilit ko talaga kahit nagkakasakit na ako minsan sa pagbabawas ko ng pagkain. Napapagalitan na nga ako ng amo ko saka nila manang dahil sa pagda-diet ko. Malala kasi ang pag-diet ko. Hindi talaga ako kumakain ng isang araw hanggang sa magkasakit ako. Pero ngayun ay hindi na. Pakunti-kunti na lang ang kinakain ko para hindi na ako magkasakit. Kaya lang ang nakakainis kapag masarap ang ulam ay napapakain parin ako ng marami. Tapos may mga kasama pa akong makukulit. Pinipilit nila ako kumain kapag hindi ako kumakain. Kapag hindi nila ako mapilit ay nagsusumbong sila kay sir Larusso. Ayaw ko naman isumbong nila ako kay sir Larruso dahil winarningan na ako dati. Mahirap ng mawalan ng trabaho lalo na malaki pa ang sahod ko kay sir Larruso. Malaki ang sahod ko dito kaya nga tumagal ako ng isang taon dito. Tapos masaya pa dahil mababait ang mga amo ko at ang mga kasama ko sa mansion. Dress siya na off shoulder na kita ang cleavage. Mahal kasi sa mall ang mga damit kaya sa tyangge o palengke lang ako bumibili. " Magkano po?" Tanong ko sa tindera. Maganda 'yung dress na nakita ko. Off shoulder siya na kita ang cleavage. Mahal kasi sa mall ang mga damit kaya sa tyangge o palengke lang ako bumibili para afford ko. " 550." " Ang mahal naman." Hindi ko napigilan sambit ko. " Edi wag ka bumili." Mataray na sabi ng babae dahilan para magulat ako dahil ang dami pa naman mga tao at ang lakas ng pagkakasabi niya. Nahiya naman ako dahil napalingon samin ang mga tao kaya umalis na lang ako. Iba kasi mga tingin nila na parang minamaliit ako dahil sa katawan ko. Hindi na ako bumili at umuwi na lang ako sa mansion dahil napahiya na ako. Pagdating ko sa mansion ay nakasalubong ko si ate Isay. " Kararating mo lang?" Tanong niya agad sakin. " Ay, hindi. Kanina pa." Pagbibiro ko naman kay ate. Tinignan naman niya ako ng masama. Natawa naman ako ng mahina at lumapit kay ate sa niyakap ito. " Joke lang." Aniya. Kabiruan at kasundo ko ang lahat ng mga katulong o boy sa mansion dahil ayaw ko ng away away. " Joke lang, sige na. Puntahan muna si manang." Anito saka bumitaw na sakin at lumabas ng bahay. Ako naman ay nagtungo sa kusina kung nasaan si manang Corazon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD