Chapter o5
ANALYN MAE POV
NAPANGITI AGAD AKO NG makapasok sa loob ng kusina at tinawag si manang ng malakas.
" Manang."
Nagulat at napalingon naman si manang sakin.
" Jusko naman bata ka." Gulat na sambit nito habang nakahawak sa dibdib nito dahil sa labis na gulat. Ganito kasi ako palagi kapag umuuwe galing sa school.
Para akong bata kung kumilos kapag sila ang kasama ko. Sabagay ay bata pa naman ako. 21 year's old palang ako. At ako ang pinakabata sa lahat ng mga katulong dito.
Ngayun lang kasi ako naging masaya at parang bumalik ako sa pagkabata. Noong nasa probinsya kasi ako ay parang matanda na ako. Hindi ko naranasan maglaro o makihalubilo sa iba dahil busy ako sa loob ng bahay ni ante Marites.
Kapag kasi hindi ko nagawa ang mga gawain sa bahay ni ante ay pinapalo niya ako. Hindi katulad ng mga pinsan ko. Nakakapaglaro sa labas. Samantalang ako palaging nasa loob ng bahay.
Noong nakaalis ako sa bahay ni ante at nagtrabaho dito sa manila. Pakiramdam ko ay nakawala na ako sa kulungan ko at nakahinga na ako ng maluwang dahil 'di kona kasama sina ante.
Wala ng magagalit at mag-uutos ng kung ano ano. Pero iba naman sina Boss kasi sila sinasahuran ako kaya napapagalitan ako minsan. Hindi katulad ng tiyahin ko. Walang ginawa kundi pumutak na akala mo ay maching gun ang bunganga.
Hindi na nga ako pinag-tapos ay ang lakas pang mag-utos hmp.
" Sorry po." Wika ko naman na lumapit dito saka yumakap kay manang. Para kona siyang nanay. Kasi ang bait bait niya sakin.
" Oh siya, linisan muna ang kwarto ng alaga mo pati na kay sir Larusso."
" Pati kay sir manang?" Gulat ko naman tanong dahil 'di naman ako naglilinis ng silid ng amo ko at si manang iyon.
Si manang lang kasi ang may access doon dahil siya lang pinagkakatiwalaan ni sir Larusso.
" Oo, pagod na kasi ako. Ako ang bahala sayo." Saad ni manang sakin.
" Pero baka magkamali po ako." Natatakot ko naman tanong. Ayaw kasi ng boss namin na may binabago sa ayus ng mga gamit niya. Minsan kasi ay si ate Isay ang naglinis ng kwarto ni sir Larusso. At may nagbago sa ayus ng gamit ni sir Larusso kaya nagalit na ito. Kaya ayaw ko maglinis ng silid ni sir Larusso kasi nagagalit siya kapag hindi binalik sa dati ang mga gamit niya.
Pakialamera pa naman ako.
" Basta wag muna lang baguhin ang mga gamit. Kung saan mo nakita ay doon mo rin ilagay."
" Okey po." Sagot kona lang at hindi na nakipagtalo. Kapag kasi pagod na si manang ay samin na niya inuutos ang paglilinis ng kwarto ni sir Larusso. Matanda na kasi siya, pero ayaw pa niyang mag-resign dahil magkakasakit lang daw siya lalo at hahanap-hanapin daw ng katawan niya ang trabaho.
Wala naman sakin kung palagi niya palinis ang kwarto ni sir Larusso. Natatakot lang talaga ako mapagalitan kaya tumatanggi ako minsan o kaya nakikipagpalit sa mga ate ko.
" Sige po, linis na ako para matapos po agad." Wika ko saka lumabas na ng kusina. Pumunta agad ako sa second floor ng bahay para maglinis. Kwarto muna ng alaga ko ang inuna ko bago ang kwarto ng amo ko.
Madali lang naman linisan ang mga kwarto dahil araw araw nililinis iyon. Tamang punas at walis lang. Tapos palit ng kubre kama, kumot at punda. Sa banyo lang ako natatagalan kasi kailangan ay malinis na malinis iyon.
Hindi pwedeng madumi iyon dahil nagrereklamo ang alaga ko. After maglinis ng kwarto ni Rodman ay lumabas na ako ng silid niya at pumunta sa kwarto ni sir Larusso. Nasa dulo ang silid ng amo ko saka ang opisina nito.
Pero si ate Jackie na ang naglilinis no'n. Si ate Lanie naman ang labandera at plantsadora ni sir Larusso.
Si ate Isay at ate Jackie sa ibang kwarto. Pati na ang sala's.
Pagdating ko sa kwarto ni sir Larusso ay saka naman lumabas ng opisina ni sir Larusso si ate Jackie. Mukhang tapos na niya linisan ang opisina ni sir Larusso sa mansion.
" Ikaw maglilinis ng kwarto ni sir?" Taka niyang tanong sakin.
" Opo ate. Pagod na daw kasi si manang." Sagot ko naman na may ngiti sa labi.
" Gano'n ba? Usige, linis kana. Mamaya na tayo mag-chikahan." Wika nito kaya tumango na ako saka pumasok sa loob ng silid ni sir Larusso. Nanuot agad sa ilong ko ang bango ng kwarto at ang ginamit na pabango nito.
" Ang bango naman." Sambit ko sabay tingin sa paligid. Malinis naman ang silid ng amo ko. Parang masinop si sir Larusso sa kwarto niya. Wala akong makitang bakas na kalat dahil lahat ay nasa ayus.
Pati nga kama ay maayus 'din.
" Grabe ang linis. Ano naman ang lilinisan ko dito?" Bulong ko pa saka pumunta sa banyo. Malinis rin ang banyo at wala ng labahan sa basket dahil kinuha na iyon ni ate Lanie kanina.
Una kung ginawa ay nagpunas ako ng mga furniture para mawala ang mga alikabok. Wala naman alikabok dahil araw-araw nililinis ang silid.
Dahan-dahan pa ako habang nagpupunas at baka makabasag pa ako. Mukha pa naman mamahalin ang mga gamit sa kwarto ni sir Larusso.
Napangiti pa ako habang nakatingin sa picture ni sir Larusso. Pinupunasan ko ang mga picture frame niya. Ang gwapo parin ni sir Larusso kahit hindi siya masyado ngumingiti sa picture. Para kasing ang mahal mahal ng ngiti niya.
Pero may isang picture doon na nakangiti siya habang kasama niya si Rodman.
" Gwapo." Kinikilig kung bulong sa sarili. Crush ko talaga si sir Larusso dahil subrang gwapo niya.
Natigilan ako sa pagpapantasya kay sir Larusso ng tumunog ang cellphone ko sa may bulsa.
May cellphone na ako dahil binili ko rin iyon sa pangatlo kung sweldo. Panay kasi ang bigay ko kina ante Marites kaya wala akong nabibili sa sarili ko. At nagagalit sakin sina manang dahil binibigay ko lahat ang sahod ko.
Ngayun ay hindi na dahil nag-iipon na ako. Tama naman sina manang at mga ate's. Kailangan ko mag-ipon para kapag tumanda na ako ay may pera ako.
Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga ng makita ko sa screen ang pangalan ng tiyahin ko.
Akala ko pa naman si Lorenzo ang tumatawag, hindi pala. Mukhang hihingi na naman ng pera ang tiyahin ko. Malayo pa naman ang sahod. Dalawang linggo pa bago ako sumahod ulet.
Hindi ko sinabi kay ante kung magkano na ang sahod ko at baka hingiin niya lahat.
" Hello po." Magalang kung sagot.
" Tagal mo naman sagutin." Inis naman na tanong ni ante sa kabilang linya.
" Naglilinis po ako." Sagot ko naman sabay irap sa hangin. Kung maka-demand akala mo naman importante. " Bakit po?" Dagdag na tanong ko.
" May pera kaba diyan? Sinisingil na ako ng pinagkakautangan ko eh."
" Malayo pa po ang sahod ko ante." Sabi ko naman sa kanya.
" Edi manghiram ka sa mga kasama mo. Sa sahod na kamo bayaran. At kailangan kona iyon bayaran." Galit na utos niya sakin mula sa kabilang linya.
" Bakit naman kasi utang kayo ng utang? Binibigyan ko naman kayo ng pera tuwing sahod." Hindi ko naman napigilan sumagot dahil sa nararamdamang inis.
Umuutang pa kasi, nagbibigay naman ako buwan-buwan para hindi na siya mangutang.
" Aba't sumasagot kana ngayun? Porket malayo ka at may trabaho ka? Magpadala kana ngayun kung ayaw mong sugurin kita diyan." May pagbabanta na sabi niya sakin sa kabilang linya.
Alam niya ang pinagtatrabahuan ko dahil hinatid niya ako dito. Natakot naman ako dahil kilala ko si ante Marites. Kapag sinabi nito ay ginagawa niya talaga.
" Opo." Sagot kona lang.
" Sige babye na. Aantayin kona lang ang tawag mo." Aniya saka pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim ng mawala nasa kabilang linya ang tiyahin ko na saksakan ng sama ng ugali.
Kung hindi lang ako nagbabayad ng utang na loob ay matagal kona silang kinalimutan.