MANGHA-MANGHA si Carol sa ganda ng view nang makarating sila burol na sinasabi ni Daryl. Parang ayaw na nga niyang kumisap at baka biglang mawala sa paningin niya ang napakagandang tanawin na iyon. Kaagad na yumakap si Daryl sa kaniya nang makarating sila roon. Inakbayan pa siya nito habang inililibot siya sa paligid ng burol. Todo rin ang alalay nito sa kaniya para hindi siya madulas o kaya ay matapilok. Nagprisinta rin ang binata na ito na raw ang mag-aayos ng pagpi-picnic-an nila. Napangiti na lang si Carol habang pinagmamasdan niya ang nobyo na abala sa paglalatag, at pag-aayos ng mga dala nila. “Sigurado ka ba talaga na ayaw mo ng tulong ko?” hindi nakatiis na tanong ni Carol habang nakatayo lang at nakasandal sa malaking puno ng mangga. “Ikaw na nga ang nagluto ng lahat ng iyan.

