NANG sumunod na araw ay nakatanggap din ng mensahe mula sa kumbento si Carol. Kinukumusta ng mga kasamahan niyang madre ang kaniyang bakasyon. Pero hindi pa handa si Carol na sabihin ang totoo kaya nagsinungaling siya. Alam niya ang mangyayari kapag inamin niya ang buong katotohanan. Alam na alam niya ang magiging consequences, lalo na kapag nalaman ng mga madre kung anong klaseng tao ang lalaking pinili niya. At iyon ang bagay na hindi pa kayang harapin ni Carol sa ngayon. Nagising ang dalaga nang malaman niyang wala sa tabi niya si Daryl. Simula nang dumating sila sa safehouse na iyon ay sa iisang silid na lang sila tumira. Para daw mas madali siyang maprotektahan ni Daryl sakali mang may mga kalaban uli ang lulusob at guguluhin sila. Batid ni Carol na labag sa kalooban ng Diyos at

