TAHIMIK uli ang paligid nang magising sila kinabukasan. Na walang sawa namang ipinagpasalamat ni Carol sa Diyos dahil sa kabila ng mga nangyari ay nanatili silang ligtas. Bagaman at hinihintay pa rin ni Carol ang pagdating ng mga magulang niya dahil kumukuha lang daw ng tamang tiyempo si Thor na pumunta sa safehouse nila dahil baka raw may mga kalaban pa at masundan sila. Pero malaki naman ang tiwala ni Carol kay Daryl at sa mga kaibigan nito na hindi mapapahamak ang mommy at daddy niya. Nakakausap naman niya sa cellphone ang mga ito at napatunayan ni Carol na totoong nasa mabuting kalagayan lang ang mga magulang niya. Ang mga ito pa nga ang nag-aalala sa kaniya. “Baby?” Napamulat ng mga mata si Carol sa boses na iyon ni Daryl. Nasa duyan sila ng mga oras na iyon at nakahiga silang d

