CEASEFIRE

1212 Words

IYON ang unang gabi na makakatulog nang mahimbing si Carol simula nang sundan niya sa Tondo si Daryl. Pero kahit walang oras na hindi siya pinapatay ng takot at pag-alala simula nang araw na iyon ay wala naman siyang pinagsisisihan. Mas pipiliin pa rin niya ang ganoon kadelikadong buhay basta kasama si Daryl kaysa ang manatiling ligtas nga sa loob ng kumbento ngunit punong-puno naman ng what if’s ang puso niya. Bagaman at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin alam ni Carol ang totoong dahilan kung bakit hindi na lang ang mga kalaban ang tumutugis kay Daryl. Kundi pati sariling grupo nito ay gusto na ring patayin ang kaniyang nobyo. Ayaw naman ni Carol na mag-usisa nang mag-usisa dahil nakita naman niya ang matinding pagod at hirap na pinagdaanan ni Daryl para lang maging ligtas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD