QUESTIONS

1216 Words
NASA ligtas na bahay sa siyudad na sila ni Sister Carol pagkatapos silang iligtas ni Daryl mula sa mga pirata na nanggulo sa kanila sa Sierra Cristobal. Kanina pa tulog at nagpahinga ang mga kasamahan niya. Pero siya, hindi siya makatulog. Hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam pa rin ni Sister Carol ang matinding takot. Hindi para sa kaniyang sarili kundi sa mga kasamahan na ayaw niyang mapahamak. Isa pa, hindi siya makatulog hangga't hindi pa niya nakakausap si Daryl. Ni hindi pa siya nagpapasalamat. Hindi na kasi siya kinausap ng binata simula nang umalis sila sa Sierra Cristobal. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Sister Carol. Lumabas siya ng silid. Balak sana niyang magpahangin sa labas nang makita niya si Daryl na nakatayo sa balcony. Naramdaman nito ang presensiya niya kaya lumingon ito at nagkatitigan sila. But his eyes were cold, as if he did not know her. Malayong-malayo sa emosyon na nakita niya kanina nang iligtas siya nito. He looked at her with different eyes now, no longer full of the love he once had. "T-thank you nga pala sa pagligtas mo sa'min, Daryl," untag niya rito sa mahinang boses ngunit puno ng emosyon. "Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa'min kung hindi ka bumalik. You saved our lives. Salamat din sa mga kasamahan mo." Tumango lang si Daryl. Pero hindi ito tumingin sa kaniya. Nakatitig lang ito sa kawalan. Walang emosyon. "Daryl, what happened to you?" hindi nakatiis na tanong ni Sister Carol. Nakatitig siya rito kahit parang ayaw ni Daryl na tingnan man lang siya. "Bakit naging ganiyan ka na? Kailan ka pa natutong gumamit ng baril? At ano ang trabaho mo? Ano ang ginagawa mo rito sa Mexico at paano mo ako natunton?" Napatingin si Daryl sa kaniya. At sa unang pagkakataon, nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Ang mga mata na puno ng galit at hinanakit. "Hindi mo na kailangan pang malaman," sagot nito sa boses na puno ng pait. "I just did everything to forget the pain. The pain that you gave me back then." Napatungo si Sister Carol. Uminit ang bawat sulok ng mga mata niya. "Daryl, I'm so sorry... I'm so sorry for everything." "Sorry is not gonna work this time, Sister. It's too late." Malamig na tinitigan siya nito. "Hindi mo rin kailangang mag-thank you. I just did what I had to do. I had to save you." "Why?" naguguluhang tanong ni Sister Carol. "Bakit kailangan mo akong iligtas, Daryl?" Blangko pa rin ang mukha na tumitig ito sa kaniya. "Dahil sa utang na loob. Nothing more." "Utang na loob?" "I heard you were praying for me when I was sick," may pang-uuyam na sagot nito. "Guess we're all settled then. At asahan mo na ito na rin ang huling beses na mangingialam pa ako sa buhay mo. Sa susunod na mapahamak ka uli dahil sa katigasan ng ulo mo, problema mo na 'yon." Hindi niya napigilan ang mapaluha. Bumalik sa isip niya ang mga alaala ng nakaraan nila ni Daryl, ang mga masasayang araw na magkasama sila, ang mga pangarap na pinag-usapan nila noon. Alam niyang mali na balikan pa sa isipan niya ang mga iyon dahil sa katayuan niya ngayon. Isa na siyang madre at kailangan niyang panatalihing malinis kahit ang isip niya. Pero ngayon na nakita na niya uli si Daryl, parang ang hirap pigilan ng pagdaloy ng kanilang mga alaala. Lalo na at ang mga alaalang iyon ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay niya. "Matulog ka na. Bukas na bukas din ay ihahatid namin kayo sa airport pauwi ng Pinas. Hindi na kayo puwedeng tumagal pa rito sa Mexico. After what happened, markado na rin kayo ng mga piratang iyon." Nasaktan si Sister Carol sa malamig na pakikitungo ni Daryl sa kaniya. Patunay lang na galit pa rin ito sa kaniya. Galit na alam niyang hinding-hindi na mawawala. Kahit kailan. "May intercom sa kusina. Puwede n'yong tawagin ang katiwala kapag may kailangan pa kayo," dagdag pa ni Daryl na tila ibang tao ang kausap. "Babalik na lang ako bukas para ihatid kayo." "Daryl, wait," tawag niya rito nang maglakad na ito pababa ng hagdan. Tumigil naman ito at nakakunot ang noo na tumingin sa kaniya. "What?" "Maraming salamat uli. Pati na rin sa pagpapatuloy mo sa amin dito." Pilit ang ngiti ni Sister Carol ngunit puno ng sinseridad ang boses niya. "Pakisabi na rin sa mga kasama mo na maraming salamat. Ipagdadasal ko kayo araw-araw." Kahit hindi naman talaga ako tumigil sa pagdadasal para sa'yo. dagdag niya sa isip. Hindi sumagot si Daryl. Matiim lang na tumitig ito sa kaniya at saka nakakalokong ngumiti. "Your prayers won't help, Sister." "Daryl..." Hindi pa man siya tapos magsalita ay umalis na ito. Naiwan si Sister Carol na maraming katanungan sa isip niya. Bagaman at tanggap niyang hindi na sila katulad nang dati ni Daryl. Na hindi na niya ito mapapaamin sa mga bagay na gusto niyang malaman. Pero hindi niya maiwasang mag-alala. Sa mga nasaksihan niya kanina sa Sierra Cristobal, siguradong ibang Daryl na ang kasama niya. Tila sanay na sanay na ito na sumuong sa panganib. "Good night, Sister Carol." Napalingon siya sa boses na sumulpot sa likuran niya. She smiled nang makita ang kasama ni Daryl na nagligtas sa kanila kanina. Ito rin ang nagmaneho ng sasakyan nila. Kahit mukha itong mapanganib kapag may hawak na baril, ramdam ni Sister Carol ang kabaitan nito. Ganoon din ang iba pang kasamahan ni Daryl. Hindi katulad ng mga pirata na nanggulo sa kanila kanina. Titig pa lang, nakakakilabot na. "Hello. 'Marco', 'di ba?" Iyon ang narinig niya na tawag dito ni Daryl kanina. "Si." Yes. Ngumiti rin ito. "Bakit hindi ka pa natutulog? Tulog na yata lahat ng kasamahan mo." "Hindi kasi ako makatulog hangga't hindi pa ako nagpapasalamat sa inyo," sinserong sagot niya. "Kung hindi dahil sa inyo, siguradong napahamak na kami ng mga kasamahan ko. Habang buhay naming tatanawing utang na loob ang pagligtas, at pagpapatuloy n'yo sa amin dito, Marco." "Maliit na bagay, Sister. Ipagdasal mo na lang ang mga kaluluwa namin para quits na tayo." Kumunot ang noo niya. "Biro lang, Sister." Ngumisi ito. "Ang ibig kong sabihin, si Boss D ang dapat na pasalamatan mo kasi siya talaga ang gustong iligtas ka. At sa kaniya rin ang bahay na ito." "Boss D?" "Marco! Vamos! El Jefe D está esperando!" Let's go! Boss D is waiting! mayamaya ay tawag dito ng mga kasamahan na nasa bakuran. Ilang buwan na rin sa Mexico si Sister Carol at may mga Mexican silang kasama sa medical mission kaya kahit papaano ay nakakaintindi na siya ng local dialect. "Alis muna kami. Balikan namin kayo bukas." Muling ngumiti sa kaniya si Marco. "Matulog ka na rin, Sister. Don't worry. You're safe here. Hindi hahayaan ni Boss D na mapahamak ka, makahulugang wika pa nito bago tuluyang nagpaalam. Wala ni isa sa mga katanungan sa isip ni Sister Carol ang nasagot hanggang sa marinig niya ang ugong ng sasakyan palabas ng gate. Pero kung magkaroon man siya ng pagkakataon, kahit isa man sa mga iyon ay gusto niyang masagot bago muling maghiwalay ang mga landas nila ni Daryl. Anong klaseng tao na ngayon ang lalaking minahal at sinaktan niya noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD