FLIRTING

1255 Words
PAGKAPASOK nina Daryl sa bar na pag-aari niya ay sumalubong sa kanila ang malalakas na palakpak ng iba pa niyang mga tauhan. Karamihan sa mga ito ay mga half Filipino. "Boss D!" sigaw ng mga ito. "Balita namin, taob daw ang Black Kiddz, ah." Umupo siya sa VIP section, kasama sina Marco, Mateo, at Santiago. Um-order sila ng mga mamahaling alak at nagsimulang mag-usap tungkol sa mga naging laban nila. "We admit, hindi naging madali ang laban namin sa Black Kiddz dahil sa Maria Cedez na kaalyansa na pala nila," pagkukuwento ni Santiago na may pagmamalaki. "Pero mabuti na lang at nando'n si Boss D." "Siyempre, si Boss D, 'yan, eh. Kung 'yong dating pinuno nga ng Maria Cedez, kalansay na ngayon," sabat naman ng isa. "Ang Black Kiddz pa kaya na mga bagito lang?" "Hindi ko naman magagawa 'yon kung hindi dahil sa tulong n'yo," puno ng kaseryosohan na sagot niya habang tumutungga ng alak. Kilala man si Daryl na walang puso pagdating sa mga kalaban, pero kapag mga kasamahan niya, itinuturing na niyang pamilya. Baguhan man o hindi, nirerespeto at binibigyan niya ng halaga. Pantay-pantay niya kung ituring. Kaya siguro ganoon na lang din kung mahalin at respetuhin siya ng buong organisasyon. Sa lahat daw ng naging leader ng Los Collazos, si Daryl lang ang may ganoong pagmamahal sa mga ka-grupo niya. "Pero hindi pa rin tayo puwedeng magpakampante. Mga galamay lang ng Maria Cedez ang naengkuwentro natin sa Sierra Cristobal." Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at dinala sa bibig. Sinindihan naman iyon ng isa sa mga tauhan niya. "Kailangan nating tapusin ang laban na 'to. Hindi sila titigil hangga't hindi sila nakakaganti sa'tin." "Pero kumusta naman ang madre na iniligtas n'yo, Boss?" tanong ng isa. He stilled for a while nang maalala si Carol. Hindi rin naman niya inilihim sa buong organisasyon ang lakad nilang iyon. Pero ang mga kaibigan lang niya ang nakakaalam ng totoong ugnayan nila ni Carol. Walang ibang puwedeng makaalam niyon, lalo na ang nasa matataas na posisyon, at magkaroon ng dahilan ang mga ito para pagdudahan ang loyalty niya sa Los Collazos. Dahil kahit marami ang natutuwa sa pamumuno ni Daryl, hindi lingid sa kaniya ang iilang miyembro na naghihintay lang ng pagbagsak niya para palitan siya sa puwesto. 'Kababayan' lang ang pakilala niya kay Carol kaya gusto niyang iligtas. Humithit muna ng sigarilyo si Daryl at nagbuga ng usok. "They're safe. Kailangan lang naming pauwiin na sila ng Pinas bukas. Siguradong babalikan din sila ng mga Maria Cedez at Black Kiddz." "Confirmed ko na rin na ang Maria Cedez ang pinakabagong kasosyo ng Cartel del Lorenzo, Boss," nagsalita si Marco. Top Two sa listahan ng most influential at most powerful cartel sa buong US ang tinutukoy nito. "Kahit nasa atin ang Top One, kailangan pa rin nating mag-ingat sa mga hay*p na 'yon. Kaya pala ang lakas ng loob na lusubin tayo sa Sierra Cristobal." Tumango si Daryl pero nag-iisip. "Kailangan nating kumilos nang mabilis. Hindi natin alam kung kailan sila aatake." Nagsimula na ang mga tauhan niya na mag-usap tungkol sa mga laban ng mga ito sa ibang grupo. Si Daryl naman ay nakikinig lang habang inuubos ang isang stick ng sigarilyo. Pero hindi maiwasan ni Daryl na maalala si Carol. Hindi niya nagustuhan ang pagtrato niya rito kanina. It had been killing him. But avoiding Carol had been his lifeline. It was the only thing that kept the pain of losing her from drowning him alive. Being around her or just simply thinking about her had been too painful. Kaya nga sa siyam na taong lumipas ay hindi siya nagpakita kay Carol. Hindi lang niya natiis nang malamang nasa Sierra Cristobal ito at nanganganib ang buhay. Isa na itong ganap na madre at isa na rin siyang pinuno ng Los Collazos. Pareho na silang may sinumpaan sa kani-kanilang tungkulin. Lalong wala ng pag-asa na madugtungan ang kung ano mang mayroon sila noon. "Boss, okay ka lang?" tanong ni Marco, napansin ang pagtanaw niya sa malayo. Nakita na lang niya ang tatlong upos ng sigarilyo sa ash tray na nasa harapan niya. "Wala," mahinang sagot ni Daryl at saka tinungga ang alak sa baso. "Ako lang naman 'to kaya puwede mong sabihin sa'kin ang totoo. Si Sister Carol ang iniisip mo. Tengo razon, verdad?" I'm right, aren't I? panunudyo ni Marco. Mas umingay na ang paligid dahil sa malakas na tugtugin kaya sila na lang ni Marco ang nagkakarinigan. Umiling lang si Daryl. Pero hindi kumibo. "Hindi ka ba talaga nanghihinayang kay Sister Carol, Boss?" patuloy ni Marco. "Ang ganda at ang s*xy niya—" Hindi na natapos sa pagsasalita si Marco dahil dinagukan niya sa tiyan. "Madre 'yon. Igalang mo naman. Gag*!" "Oo nga pala. Malakas 'yon kay Lord." Napakamot sa ulo si Marco. "Baka kunin ako nang maaga. Hindi pa ako handang makaharap si San Paolo." "Anong 'San Paolo' ka diyan?" sabat naman ni Mateo na biglang nakisawsaw sa usapan nila. "Ul*l! San Pablo." Iiling-iling na lang si Daryl habang nakikinig sa dalawang kaibigan. MEDYO LASING na si Daryl nang may pumasok na magandang babaeng Canadian sa bar. Halos lahat sila ng mga tauhan niya ay napatingin dito. Pero bukod tanging kay Daryl lang ang tingin ng babae habang palapit sa isang mesa na kalapit nila. "Sino 'yon?" tanong ni Mateo. Bakas ang paghanga sa mga mata. Sa kanilang lahat, ito ang pinaka-playboy. "Hindi ko alam. Parang bagong salta dito. Pero mukhang nagustuhan agad si Boss D," nakangising tudyo ni Santiago sa kaniya. "Well. Hindi ko gusto ang buhok niya. Mukhang sotanghon," biglang sabi ni Mateo na ikinatawa lang nila. Mabilis talaga itong magpaubaya pagdating kay Daryl. Sabagay, ganoon naman silang lahat. Bagaman at kahit minsan, hindi naman nila naging problema ang babae. "Sa'yo na," sabi ni Daryl. "Uwi na ako. Masakit na ang ulo ko." "Sa'yo na, Boss D. Iyong katabi na lang niya ang akin. Kahit mukhang empanadang napirat, yummy naman," biro uli ni Mateo kaya napuno na naman ng tawanan ang mesa nila. Mayamaya ay natahimik lang sila nang lumapit ang babae. Tumabi kay Daryl. "Hi! May I join you?" BLANGKO ang ekspresyon ng mukha na tumingin si Daryl sa babae. Pero pasimpleng kinikilatis niya ang pagkatao nito. Normal iyon kay Daryl kapag may nakakaharap siyang bagong mukha. Sa mundong ginagalawan niya, hindi uso ang magtiwala agad-agad. Lahat ng lumalapit, kailangan mong paghinalaan kung gusto mong humaba ang buhay mo. "Sure. Come, join us," malamig na wika niya. Tinapik niya ang upuan sa tabi niya. Umupo naman ang babae. Naamoy ni Daryl ang mabangong perfume nito. "I'm Leah," nakangiting pakilala nito. Daryl's eyes lingered on hers for a moment before he replied. "Daryl." He did not smile but his tone hinted at interest. "So, Daryl, what do you do?" "Business," sagot niya. "Import-export. You know, mga ganoon." Ngumiti si Leah. "Sounds... interesting." Walang reaksiyon si Daryl. Pero ang mga mata niya ay bumaba sa mga labi ng babae. Aminado naman siya na maganda talaga ito. Mukhang palaban din sa kama. Hindi rin ito mukhang clingy. Sa tingin niya, tulad din ito ng mga babaeng dumaan sa kamay niya na pang-one night stand lang. "It's a living," he replied coldly. Inilapit ni Leah ang sarili nito sa kaniya. Halos magdikit na ang kanilang mga labi. "I think it's more than that, Daryl," nang-aakit na bulong nito. Hindi pa rin nagpakita ng ano mang emosyon si Daryl. Ngunit ang kamay niya ay humawak na sa balakang ng babae habang nakatitig sa mga labi nito. "Maybe," he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD