“BAKIT na naman?” tanong ni Carol kay Daryl nang mahuli niya ito na nakatitig sa kaniya at tila may gustong sabihin. “May sikreto ka pa ba na hindi sinasabi sa akin?” Katatapos lang nilang panoorin ang mga maliwanag na siyudad. Pero parang ayaw pang umuwi ni Carol. Nawiwili siya sa ganda ng kalangitan habang nakahiga. Maliwanag kasi ang buwan at maraming bituin sa kalangitan. Idagdag pa ang hangin na mas malamig kaysa kanina kaya parang ang sarap kayakap. Humiga sa tabi niya si Daryl. Iniyakap nito ang braso sa beywang niya at humarap sa kaniya. “Wala na, promise. Cross my heart,” anito sa tonong nagbibiro. “Eh, bakit ganiyan ka kung makatingin sa’kin?” Bahagya niya itong tinaasan ng kilay. He smiled amusingly. “Hindi lang kasi ako makapaniwala na hindi ka nagalit sa’kin pagkatapos mon

