GABI na nang makauwi sina Carol at Daryl. Kaya naman pagod na pagod sila. Lalo na si Daryl na siyang nag-asikaso ng lahat. Kaya nang magising siya kinabukasan ay tulog pa ang nobyo. Hinayaan na lang muna niya ito at siya naamn ay lumabas na ng silid para siya naman ang mag-asikaso ng kanilang almusal. Paglabas ni Carol, nagulat pa siya na imbes si Marco ay si Lander ang naabutan ni Carol sa sala na nagkakape. Nagulat siya kasi hindi naman ito nakatira doon. Bumalik na ito sa sariling isla. “Good morning, Lander,” bati niya rito nang nakangiti. She was expected na ngingitian din siya nito ngunit nagtaka si Carol dahil hindi siya nito pinansin. Sinulyapan lang siya sandali at muling ibinalik ang atensiyon sa sinisimsim na kape. Nagtataka lang siya kasi maayos naman ang pakikitungo nil

