“OKAY ka lang?” Napaigtad si Carol at muntik na niyang mabitiwan ang hawak na baso nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Marco. Hindi niya ito napansin agad dahil sa sobrang lalim ng inisip niya. Nakasuot ito ng apron at mukhang magluluto na ng almusal dahil may hawak itong kutsilyo at chopping board. Nakatingin pala ito sa mga mata ni Carol na medyo namumugto kaya siguro nag-alala ito. “Nag-away ba kayo ni Daryl?” muling usisa nito nang hindi siya sumagot. “Sabihin mo lang sa’kin at uupakan ko ang walang puso na ‘yon,” anito at kunwaring iwinasiwas pa sa kaniyang harapan ang hawak na kutsilyo na maliit lang naman. “M-Marco!” bulalas ni Carol habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Biro lang!” sabi nito at saka iyon sinundan ng malakas at malutong na tawa. “Walang puso lang

