NANG dahil sa pagpayag ni Carol na sumama uli kay Daryl sa kuwarto nila ay hindi na naman niya napigilan na may mangyari sa kanila kahit umagang umaga na at naririnig lang nila ang patuloy na pag-aaway nina Marco at Lander sa labas. Pero nang marinig ni Carol ang boses ni Ate Karen, mukhang unti-unti namang humina ang mga kalabog sa labas. “I told you, kayang-kaya maging referee ni Ate Karen,” nakangising saad ni Daryl habang nagsisimula na naman ito na romansahin ang kaniyang katawan. Humawak ang kamay ni Carol sa mga balikat ni Daryl habang titig na titig siya sa binata na matiim din ang titig sa kaniya. Wala namutawing salita sa mga labi nila habang nakatayo sila sa paanan ng kama nito at nag-aapoy ang kanilang mga mata sa sobrang paghahangad sa isa’t isa. Dahan-dahan, bumaba ang

