NAKAUPO si Daryl sa executive chair niya. Nakatitig siya sa cellphone habang hinihintay ang tawag ni El Juanito. Hinihintay nito na pumayag ang Maria Cedez sa parehong inalok nito sa kaniya.
"Daryl. It's time," sabi nito nang tumawag kay Daryl. "Are you ready?"
Huminga siya nang malalim. "Si." Yes.
Pagkatapos sabihin ni El Juanito ang lokasyon ay ibinaba na nito ang tawag.
"Check the area," utos niya kay Marco.
May oras pa naman bago ang pagtatagpo nila ni Richardo ng Maria Cedez.
Tumango lang si Marco. Mabilis itong umalis para sundin ang utos niya. Para tingnan na rin nito kung talaga bang nagsasabi nang totoo si El Juanito.
Mahirap na.
Baka pupunta pala siya sa sariling libingan niya.
Hours passed, and finally, Marco returned with a smile on his face.
"What's the update?" tanong ni Daryl na may kuryosidad sa mukha.
"It's set, boss. Maria Cedez really agreed to meet with you. Clear din ang area," sagot ng kaibigan.
Seryoso ang mukha na tumango si Daryl. "Good. Make sure everything is in place. I don't want any surprises."
Humugot uli siya ng malalim na hininga at saka inihanda ang kaniyang sarili sa nakatakdang pagkikita nila ni Richardo.
Nakahanda naman ang grupo niya kung sakali.
"Don't worry, Boss D. Naka-posisyon na sina Mateo," sabi pa ni Marco.
Tumango lang siya. Inayos niya ang black suit na suot. Iyon ang nakaugaliing suotin ng Los Collazos at isa sa mga "trade mark" nila para makilala ang kanilang grupo.
SUMAPIT ang oras ng pagtatagpo nina Daryl at Richardo.
Kasama niya sina Marco, Santiago at tatlo pa sa matatapat niyang tauhan. Samantalang nauna na sa lokasyon sina Mateo at iba pa para siguraduhin ang seguridad nila.
Naroon na si El Juanito nang dumating sila. He was waiting for him.
"Ready, Daryl?" seryosong tanong nito nang salubungin siya.
He nodded na may determinasyon sa kaniyang mukha. "Let's do this."
Naiwan din sa labas ang ibang tauhan ni El Juanito kasama ang mga tauhan din nina Daryl at Richardo. Katulad niya, ang kanang kamay lang din ni El Juanito ang kasama nito nang pumasok sila sa isang mamahaling restaurant.
Ngunit iilan lamang ang naroon dahil ipinag-utos ni El Juanito sa may-ari na tauhan din nito.
Richardo was already there. Napuno ng galit ang mga mata nito nang makita siya.
"Daryl," maanghang na sambit nito sa pangalan niya. "I didn't expect to see you here."
Ngumisi siya.
Pero kalmado lang ang boses ni Daryl. "It's good to see you too," bagaman at puno ng sarkasmo na saad niya. "But let's not waste time. We have a common enemy, and we need to work together if we want to stop them."
Lumapit na sa kanila si El Juanito. Puno ng awtoridad ang mukha nito. "Daryl was right. We need to work together to stop 'em."
Tumingin si Richardo kay El Juanito at saka muling tumingin kay Daryl. May pag-iisip sa mukha nito.
Pagkalipas ng ilang minuto ay saka lang ito tumango. "Okay, I'm in. But if this is a trick... you'll pay, Daryl."
Ngumisi si Daryl. Malamig ang tingin na ipinukol niya kay Richardo. "Alam na alam mong hindi ako natatakot sa'yo, Richardo."
Naramdaman ni El Juanito ang tensiyon sa pagitan nila kaya pumagitna na ito.
"That's enough. Kailangan na nating umpisahan ang mga plano habang maaga pa."
Umupo silang tatlo at sinimulang pag-usapan kung paano nila hihikayatin ang iba pang Mexican Mafia na sumapi sa kanila.
"Ako na ang bahala na magkumbinse kay Uriel," kapagkuwan ay prisinta ni Richardo. Ang pinuno ng Cartel del Lorenzo ang tinutukoy nito. " Makikinig siya sa'kin," may kasiguruhan na dagdag pa nito.
"Tatawagan ko ngayon ang mga tauhan ko sa Colombia para kausapin ang La Familia Cuevaz at 24/7 Triad," tukoy naman ni Daryl sa mga grupo na nagpapatakbo sa ilang bahagi ng Colombia na minsan ay kakampi pero mas madalas na kaaway nila dahil sa agawan ng teritoryo.
"Huwag kayong mag-alala. Pare-parehas tayong makikinabang dito," sabat ni El Juanito. "Bukod sa ma-proteksiyunan natin ang America laban sa mga dayuhang Mafia, kikita tayo rito." Nagsalin ito ng tequila at ibinigay sa kanila ang dalawang baso. "Puwede nating hati-hatiin ang ibang teritoryo na hawak ng mga Italyano."
Tumango lang sina Daryl at Richardo.
And they shook hands, sealed the deal with tequila, and agreed to work together.
For now.
TAHIMIK na nakatayo sa loob ng kumbento si Sister Carol. Hindi niya mapigilan ang pamamasa ng kaniyang mga mata habang taimtim na nagdadasal.
Pero hindi niya magawang isapuso ang lahat ng ipinagdadasal dahil napapalitan iyon ng mga alaala ng mga nangyari sa Mexico.
Ang mga pirata, ang mga pagtakas nila, at si Daryl...
"May problema ba, Sister Carol?" tanong ng isang madre na lumapit sa kaniya at napansin ang mga luha niya. "Ilang araw ka ng tahimik na umiiyak. Simula nang bumalik ka galing Mexico, napansin kong may gumugulo sa isipan mo."
May pag-atubili na tumingin siya kay Sister Amalia.
Hindi niya alam kung paano sasabihin ang mga nararamdaman niya. Pero kilala niya ito na pinakamabait sa kanilang lahat at hindi siya huhusgahan.
Kaya nga ito ang itinuturing niya na malapit na kaibigan kahit mas matanda ito sa kaniya at mataas na ang posisyon.
"S-sister, I'm just... worried about someone," hindi rin napigilan na pag-aamin ni Sister Carol.
"Sino?" tanong nito na tila may pagkabahala sa mukha. "Nakilala mo ba ito sa Mexico?"
"Si Daryl ho." At saka tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya.
Natigilan naman si Sister Amalia.
Kailan man ay hindi inilihim ni Sister Carol sa kaibigang madre ang tungkol sa kanila ni Daryl. Kahit sa Mother Superior nila.
"Nanganganib ang buhay niya, Sister. Pero iniwan ko siya. At hindi ko alam kung okay ba siya," umiiyak na sumbong ni Sister Carol.
Niyakap siya nito. "It's time to let go. You have a higher calling now."
Umiling-iling siya. Bagaman at pinipigilan niya ang bugso ng kaniyang damdamin.
"Nagawa mong kalimutan siya sa loob ng mahabang panahon, Sister Carol. Alam kong magagawa mo rin iyan ngayon."
"I'm sorry, Sister Carol. Pero baka hindi ko na kaya," umiiyak pa rin na bulong niya. "I still love him. At hindi ko siya dapat na iniwan sa Mexico. He needs me. Kailangan ko ho ng tulong n'yo, Sister Amalia."
KINABUKASAN ay ipinatawag si Sister Carol sa opisina ng Mother Superior ng kanilang kumbento.
Pumasok siya habang ang mga mata niya ay namumugto sa magdamag na pag-iyak. Kaya nahihiya siyang humarap sa kanilang Superyora.
"Sister Carol, may problema ba?" malumanay na tanong nito na nakatingin sa kaniya na may pag-aalala.
Nag-alangan na tumingin siya rito.
Siguradong nabanggit na rito ni Sister Amalia ang problema niya. Iyon ang tulong na hiningi niya sa kaibigang madre.
Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang mga nararamdaman niya.
"Mother, I'm sorry. Pero naguguluhan po ako sa feelings ko," matapat na pag-aamin ni Sister Carol. "Nagkita kami ni Daryl sa Mexico at siya ho ang nagligtas sa amin. Magulo ang buhay niya, Mother. Hindi ko siya dapat na iniwan... Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon."
Tumingin ito sa kaniya na may pag-unawa. "Sister, ang pag-ibig ay isang... napakagandang bagay na regalo ng Diyos. Pero bilang madre at tagapaglingkod ng Diyos, may mga vow tayo na kailangan nating unahin. Kailangan nating ilagay ang ating pagmamahal sa Diyos at sa ating misyon bago ang ating sariling mga damdamin."
Napayuko si Sister Carol dahil muling tumulo ang kaniyang mga luha.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Mother Superior sa kamay niya.
"Magdasal ka at humingi ng gabay sa Espiritu Santo. You need to focus on your vows. Huwag mo hayaan na manaig ang ano mang damdamin na gumugulo sa puso't isipan mo."
Nauunawaan naman ni Sister Carol ang lahat ng sinabi ng Superyora. Kaya nga pilit niyang kinumbinse ang sarili.
Tumango siya bagaman at may kalituhan pa rin sa puso niya.
"M-maraming salamat ho, Mother."
Bumalik sa kaniyang silid si Sister Carol na punong-puno pa rin ng luha ang kaniyang mga mata. Pero aminado siya na pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Mother Superior ay bahagyang gumaan ang damdamin niya.
Bagaman at hindi pa rin nawawala sa isip niya si Daryl...