“WHAT’S WRONG?” kunot ang noo na tanong ni Carol kay Daryl nang bumalik siya sa silid nito at hindi maitago ang pagkabahal sa mukha. “Marco’s here,” sagot niya. “He's brought news from Mexico.” “Ha? Anong balita?” nanlalaki ang mga mata na bulalas nito. Napailing siya. “Hindi ko pa siya tinatanong. Pero hindi maganda ang kutob ko. Kabilin-bilinan ko sa kaniya na huwag na huwag niyang iwanan ang grupo sa Mexico hangga’t wala ako kung hindi sobrang importante. Stay here, okay?” Carol nodded as her eyes filled with worry. “O-okay. Ano man ang balitang dala ni Marco, just be strong, okay? At huwag mong ililihim sa’kin. Gagawin ko ang makakaya ko para makatulong.” Tumango lang siya pero hindi siya sumagot. Daryl kissed her forehead. Pagkatapos ay saka siya muling lumabas ng silid na nagma

