“KEEP an eye on her, Thor. She’s important,” bilin ni Daryl kay Thor nang lumabas siya ng silid ni Carol. Isa si Thor sa pinagkakatiwalaan niyang miyembro ng Los Collazos na naka-base sa Pilipinas. Papunta na siya sa silid, kung saan ginagamot si Rafa, para siya naman ang gamutin. Kung hindi lang dahil kay Carol, si Daryl na lang ang gagamot sa sarili niya. Sanay na siya. Pero ayaw niyang palalain ang pag-alala ng dalaga dahil lang sa katigasan ng ulo niya. Tumango naman si Thor. “Got it, Boss D. Don’t worry, safe siya dito. Ako mismo ang magbabantay sa kaniya habang ginagamot ka.” Kumunot ang noo ni Daryl nang ngisihan siya ni Thor. “Ano’ng problema?” may bahid ng iritasyon na usisa niya. “Wala naman, Boss D. Ngayon ko lang kasi narinig sa’yo na magpapagamot ka. Marami ka ng pinag

