TUMITIG si Daryl kay Carol. And for a moment, they just stared at each other. “Tara, ihahatid na kita sa kwarto mo,” masuyong wika niya sa dalaga. “Para makapagpahinga ka na.” Napatango si Carol. “Sige. Medyo inaantok na rin ako. Hindi lang ako makatulog sa kakaisip ko sa inyo ni Rafa.” Daryl took her hand. Sabay silang naglakad sa hallway. Napalingon siya kay Carol habang tumatama ang malamlam na ilaw sa hallway sa mukha nito. His heart skipped a beat. He could not help but steal glances at her, taking in the way her hair swayed with each step. Nang makarating sila sa sili nito ay tumigil si Daryl at hinarap ang dalaga. “Okay lang ba sa’yo na mag-isa ka rito? O mas makakatulog ka kung sasamahan kita?” tanong niya na walang halong malisya. Gusto lang niya na maging komportable ito at

