THE PROMISE

1624 Words
LUMIPAS ang buwan at nanatiling sikreto ang pagmamahalan ni Carol at Daryl. Palagi silang magkasama na hindi nabibigyan ng ibang kahulugan ng kanilang mga magulang dahil masiyado silang maingat. Kaso may pagkakataon lang talaga na hindi napipigilan ni Daryl ang maging extra sweet sa kaniya. Minsan pa nga ay ninanakawan siya nito ng halik kapag nalilingat ang mga tao sa paligid nila. Sa mga simpleng bagay na iyon siya lalong nahuhulog kay Daryl. Mga masasayang sandali na nakakapagpalimot sa kaniya at para balewalain ang ipinayo sa kaniya noon ni Allison. Tuluyan na siyang nilunod ng kanilang pagmamahalan. "Jogging tayo nang jogging sa umaga pero parang hindi naman yata ako pumapayat," pagrereklamo ni Carol nang makarating sila galing sa pag-e-exercise. Isa iyon sa morning bonding nila ni Daryl kapag araw ng Sabado at Linggo. "Eh, ano naman ngayon kung mataba ka? I love you just the weigh you are," nakangiting biro ni Daryl . Sa gazebo sila dumiretso para magpahinga. Nasa loob ng bahay ang mga magulang ni Carol habang tulog pa ang mommy at kapatid ni Daryl kaya malaya pa silang maglambingan. "Ang corny mo talaga..." Hinampas niya ito sa braso. "Nanghiram ka na naman ng kilig lines." Tumawa ang binata. "Kikiligin ka na nga lang manghahampas ka pa. Ikaw talaga, babie ko..." "Babie?" lunot-noo ang tanong ng dalaga. "Babie. Parang pinagsamang babe at baby.nSimula ngayon, iyan na ang magiging endearment natin. Para sweet, 'di ba?" natatawang paliwanag ni Daryl. Kinutusan niya ito sa noo. "Ikaw talaga kung anu-ano 'yang pauso mo. Puro ka kakornihan." Kunwari lang naman na hindi niya nagustuhan ang endearment nito sa kaniya. Na nakokornihan siya . Dahil ang totoo ay super kinikilig si Carol sa tawagan nilang iyon. Ganoon pala ang feeling kapag may boyfriend ka, kapag may lalaking nagmamahal sa'yo at mahal mo rin. Parang pakiramdam mo ay palagi ka lang masaya. Parang palaging blooming. Na para bang wala kang naiisip na problema kasi ang saya lang ng bawat sandali. Lalo na kapag magkasama kayo. Naiintindihan na ni Carol kung bakit iyong mga kaklase niya na may mga boyfriend, palaging maganda. Mabuti na lang at sumugal siya sa pagmamahalan nila ni Daryl. Hindi sana niya mararanasan ang ganoon ka-sarap na pakiramdam. Kahit pa nga ang kapalit niyon ay araw-araw din siyang nakokonsensiya sa tuwing kaharap niya ang mga magulang at si Father Florencio at patuloy niyang pinapaasa ang mga ito sa pagiging madre niya. Hindi pa niya kayang sabihin sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Daryl. Hindi pa siya handang saktan ang mga ito at natatakot pa siya na baka paghiwalayin sila. Mahal na mahal siya ng nobyo na hindi niya ito hihiwalayan ano man ang mangyari. Sa kanilang dalawa ay si Daryl ang madalas na gumawa ng paraan para pakiligin si Carol. Corny man minsan pero napapasaya siya nito. Tulad noong mag-bestfriend pa lamang sila, ang binata pa rin ang laging sumusuyo kapag nagkakatampuhan silang dalawa. Sa madaling salita, super spoiled siya ng nobyo. Mayamaya ay napapikit si Carol nang maingat siyang hinawakan ni Daryl sa ulo at isinandal sa balikat nito. She felt safe and loved resting on his shoulder. Masuyo din nitong sinuklay ang kaniyang itim na buhok. Bumuga ito ng hininga kaya naamoy na naman niya ang minty breath ni Daryl. Ngayon alam na niya. Naiintindihan na ni Carol kung bakit noon pa man ay nababanguhan na siya kahit sa simpleng paghinga ni Daryl. It’s her heart, her loving heart, that sensed it. "Ang ganda at ang lambot talaga ng buhok mo, babie. Ang bango pa. Ang sarap amuyin," malambing nitong bulong sa kaniya. "Hindi ko alam kung bakit mapahawak lang ako sa buhok mo, na-i-in love na ako sa'yo." Pakiramdam niya ay natunaw ang kaniyang puso. Ganoon ang epekto sa kaniya ng mga matatamis na salita ni Daryl. Siguro dahil alam ni Carol na bukal iyon sa loob ng nobyo. "I love you, babie," sa halip ay tugon ni Carol. She looked at him, then smiled. "I love you. Always." Napasinghap siya nang magiliw na hinagod ni Daryl ang kaniyang braso. "Talaga? Love mo ako?" Nangislap ang mga mata nito. "Sige nga sabihin mo sa'kin ang mga reason kung bakit nasabi mong in love ka na nga talaga sa'kin. Na hindi na lang basta espesyal ang nararamdaman mo para sa'kin?" may pakiusap sa tinig ng boyfriend niya. "Babie, naman..." pagrereklamo ni Carol habang nanghahaba ang nguso. "Kailangan ba talaga na sabihin ko uli sa'yo ang mga rason na iyon? Hindi ko na nga matandaan kung ilang beses ko ng inisa-isa 'yon sa'yo, eh." He chuckled. "Kinikilig kasi ako sa tuwing sinasabi mo iyon. Para nga akong timang na napapangiti nang mag-isa kapag naalala ko ang mga iyon." Yumuko ito para titigan siya sa mga mata. "Please?" pa-cute nitong pakiusap. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng dalaga. "Matatanggihan ko ba ang napaka-sweet na ngiti mong 'yan? Alam na alam mo talaga ang weakness ko, eh." Natatawang napakamot lang sa ulo si Daryl. "Ano ang magagawa ko? Eh, killer smile talaga 'tong boyfriend mo, eh." " Sus, yabang!" Pinisil niya ang pisngi nito. " Sige na nga. Para sa ikakakilig ng babie ko, pagkagising ko pa lang sa umaga, ikaw na agad ang naiisip ko. Doon pa lang, mas nare-realize ko na mahal nga talaga kita. Mas na-e-excite na akong makita ka na sumisilip sa bintana ng kuwarto mo para mag-"I love you" sa'kin. Mas masaya na ako kapag kasama kita. Solve na solve na ang araw ko kapag nakikita kita. Basta... lahat ng bagay nagkaroon ng salitang "mas" simula noong ligawan mo ako at na-realize ko na special ka rin pala sa puso ko." Napapangiti siyang nagpatuloy. "Nagsimula na rin akong magkaroon ng self-consciousness. Nahihiya na akong lumabas ng bahay na hindi nag-aayos ng sarili kahit pupunta lang naman ako sa inyo o kaya ay magdidilig lang naman ako ng mga halaman. Na para bang gusto kong maging maganda na palagi. Lalo na kapag nasa paligid ka lang. Tapos alam mo 'yong para akong baliw na mag-isang ngumingiti pagkagaling sa date natin. O kaya ay kapag naiisip kita. Pero ang pinaka-importante doon, iyong nagiging abnormal ang t***k ng puso ko kapag magkatabi tayo...iyon bang parang palagi akong kinakabahan. Tulad nito... " Nag-angat siya ng ulo kaya nakita niya na seryoso palang nakatitig sa kaniya Dary. "If you only knew how fast my heart races when I'm with you, babie," masuyo na tugon ni Daryl sa mahaba at madamdaming pahayag ni Daryl. Punong-puno ng kaligayahan ang puso ni Carol sa mga oras na iyon. Para siyang nasa Cloud-Nine. Ah, ang sarap-sarap talagang mainlove! Na para bang napakakulay ng mundo. Ang lahat-lahat sa paligid ay ang saya-saya lang. Lahat ng creatures ay nagiging perpekto. Kahit ang mga uod na kinatatakutan noon ni Carol sa tuwing nakikita niya sa mga dahon noon, tila hindi na nakakatakot. Weird. Pero iyon ang totoong naramdaman niya simula nang maging sila ni Daryl. "Okay lang ba sa'yo na mataba at hindi maganda ang girlfriend mo?" naisipan niyang itanong. Natatakot kasi siya na baka kapag nalusutan nila ang problema sa mga magulang niya ay ang hitsura na naman niya ang magiging problema. Siguradong pagtatawanan si Daryl ng mga kaibigan at kakilala nito. kapag nalamang pumatol ito sa isang dambuhalang tulad ni Carol. Inilayo ni Daryl ang sarili at maingat siyang hinawakan sa magkabilang-pisngi. "Kahit lumobo ka man, ikaw pa rin ang pinaka-seksing babae sa paningin ko. You're the most beautiful, pretty, lovely, gorgeous, attractive, charming, good-looking and cute girl in my eyes. Wala kang perfect vital statistics, pero ikaw naman ang nagpapa-perpekto sa buhay ko." Natawa si Carol sa kakornihan ng nobyo. "Wow! Thank you po sa pambobola, ha? Muntik na akong maniwala sa biro mo." "Hindi kaya biro 'yon. Mas lalong hindi bola. Hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi akong nakatingin sa'yo? Because staring at you all day never gets me bored," seryoso nitong sagot. "Parang gusto kitang papakin lagi ng kiss, eh." Sa hindi alam na kadahilanan ay bilang nag-blush ang dalaga. "G-gusto mo akong i-kiss?" "Always. Pero saka na kapag hindi ka nakatingin. Nanakawin ko na lang. O 'di kaya magkukunwari akong hindi sinasadya para safe ako sa galit mo," pilyo nitong tugon at saka sinundan ng malutong na tawa. Lalong namula si Carol . "Ang pilyo mo talaga!" Aktong hahampasin niya ito ngunit nahuli ni Daryl ang kamay niya. Masuyo iyong pinisil ng binata at saka dinala sa mga labi nito. "Ang saya-saya talaga kapag magkasama tayo. Para akong aatakehin sa puso. I love you, babie. Sorry kung ang corny ko na. I don't know why. Pero hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko basta pagdating sa'yo." Biglang napaluha ang dalaga. Hindi niya akalain na sa kabila ng mga negative na sinasabi ng mga tao sa kaniya ay may napaka-guwapong lalaki ang nagmamahal pala sa kaniya ngayon. At bestfriend pa niya. Nabahala ang nobyo nang makita ang luha sa kaniyang mga mata. Isa-isa nitong pinunasan ang mga likidong iyon. "Babie naman. Why are you crying? May nasabi ba akong mali?" puno ng pag-alala at pagtataka ang tono nito. Nakangiti siyang umiling. " I’m just so happy to have a chance to feel one of the best things in the world. And that is, you, holding my hand tight and saying 'I love you'" puno ng emosyon na saad ng dalaga. Puno ng pagmamahal na niyakap siya ng kaniyang boypren. "Akala ko kung ano na. Nag-alala tuloy ako. Alam mo namang ayaw na ayaw kong makita kang umiiyak." "Basta huwag mo akong sasaktan, ha? Handa na akong ipaglaban ka, Daryl. Huwag ka lang mawala sa'kin," emosyonal na dagdag pa ni Carol bago yumakap sa nobyo. "Hinding-hindi iyon mangyayari,ba babie. Dahil mahal na mahal kita. Mawala man ang lahat sa buhay, pero hinding-hindi ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD