CHOOSING YOU

1720 Words
FLASH BACK... "CAROL Grace Ocampo, my bestfriend, will you be my girlfriend?" Nanlaki ang kaniyang mga mata nang bigla na lang lumuhod sa harapan niya si Daryl. "G-girlfriend? Limang buwan na lang ay papasok na ako sa kumbento, Daryl. T-tapos... tapos gusto mo pa rin akong maging girlfriend?" nauutal niyang tanong. Bagaman at napakalakas ng t***k ng puso niya sa mga oras na iyon. Sumilay ang lungkot sa mukha ng binata . "Alam kong bad itong ginagawa ko kasi parang inaagaw na rin kita kay God. Pero hindi ko na kayang pigilan pa ang damdamin ko sa'yo, Carol. Siguradong mababaliw na ako kapag natuloy ka sa pagmamadre. Lalo pa ngayon na alam kong mahal mo rin ako," madamdamin nitong pahayag. "Hindi ko talaga kakayanin kapag natuloy ka pa sa kumbento." "Pero alam mo rin na mahal ko sila Mommy at Daddy? Hindi ko sila kayang biguin," nababahala niyang sagot. "At mahal ko rin si God, ang pagmamadre." "But I still have five months, right? Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang araw na mapanindigan mo rin ang damdamin mo para sa'kin," puno ng determinasyon na giit ni Daryl. "Hindi ko naman hinihiling na i-disobey mo ang parents mo. Pero hindi rin naman tama na papasok ka ng kumbento kahit ang totoo, may mahal ka, 'di ba? Magkakaroon ka lang ng confusion. And worst, baka kung kailan nando'n ka na sa kumbento ,saka mo pa lang maisipang lumabas." Hinila ni Carol ang kamay na hawak ni Daryl, at kinagat ang hintuturo. Ganoon talaga siya kapag naguguluhan. Pero naisip niyang tama nga si Daryl. Hindi siya puwedeng pumasok ng kumbento na kalahati ng kaniyang puso ay maiiwan dito sa labas. Magiging unfair lang siya sa propesyon niya kung sakali. Masuyong hinawakan ni Daryl ang kaniyang baba. "Sigurado ako na maiintindihan ka nila Tita at Tito. Naranasan na rin naman nila ang ganitong sitwasyon, 'di ba?" dugtong pa ng binata. "I admit, hindi gano'n kadaling talikuran ang bagay na buong-buhay na ginusto ng parents ko para sa'kin. Ang bagay na gusto ng puso ko. Pero hindi ko rin kayang pigilan ang damdamin ko sa'yo, Daryl," puno ng emosyon na sabi ni Carol at hiinawakan niya ang kamay nito. "Natatakot ako sa magiging resulta ng lahat ng ito. Pero hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?" "Hinding-hindi ko iyon gagawin, CaroI. Palagi lang akong nandito sa tabi mo." She cupped his face. "Then, let's do it together. Malay mo mag-work tayong dalawa, 'di ba? At kapag nangyari iyon, siguro naman ay maiintindihan ako nila Mommy at Daddy." Napayakap sa kaniya si Daryl sa sobrang tuwa. "Thank you, Carol. Promise, gagawin ko lahat para maging worthy ang pakikipagsapalaran nating ito." "Just one more thing, Daryl. Puwede bang itago muna natin ito sa kanila? I mean, sa lahat. Lalo kina Mommy at Daddy. A-ayoko silang biglain." Puno ng pagsuyo na hinagod nito ang buhok niya. "Walang problema sa'kin 'yon, Carol. Maghihintay ako kung kailan mo sasabihin sa lahat ang tungkol sa'tin. Hindi naman natin forever na itatago ito, 'di ba?" Tumango si Carol. "Yes. Dahil hindi rin naman makakaya ng konsensiya ko na maglihim nang matagal kina Mommy at Daddy, eh." MABILIS na lumipas ang mga araw. Nagpatuloy ang espesyal at lihim nilang relasyon ni Daryl. At aminado si Carol na walang minutong hindi siya masaya kapag magkasama silang dalawa ng binata. A kind of happiness she had never felt before. Mas gusto niya ang sweetness na ipinapakita sa kaniya ni Daryl ngayon kaysa noong ordinaryong mag-bestfriend pa lamang sila. Habang lumilipas ang mga araw ay palakas nang palakas din ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Daryl. At alam ni Carol na hindi na iyon bilang isang kaibigan lang kundi higit pa roon. Siguro iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng kagustuhan niyang magmadre ay may nararamdaman siyang pag-alinlangan. Natatakot siya na maudlot ang kaligayahang iyon kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Carol sa mga magulang niya ang totoo. "Good morning!" masiglang bati ni Daryl na nagpapiksi sa kaniya. Tiningnan muna nito ang kapatid na si Thore at siniguradong hindi nakatingin bago siya nito hinalikan sa pisngi. Parang wala sa sarili na napahawak siya sa pisngi na hinalikan ni Daryl. Hindi naman iyon first time dahil palagi naman silang nagpi-friendly kiss noon pa man. Pero iba pala kapag may espesyal nang namamagitan sa kanila. "Good morning din.." kinikilig niyang tugon. Pero kaagad din niya itong itinulak palayo sa takot na baka may makakita sa kanila. "Mas maganda ka pa sa bawat umaga..." pilyong bulong sa kaniya ng binata. Pagkatapos ay hinagilap nito ang kaniyang kamay at hinawakan. Ngunit nagtaka si Daryl nang may naramdaman siyang papel sa palad niya na ibinigay nito. "Ano 'to?" "Buksan mo.." Nagtataka niyang binuklat ang papel at binasa ang nilalaman nito: Dear my baby cute, I think of you first every morning. Just seeing you, even for a second, makes my day. Your smile makes me fall for you even more. Promise. Mamahalin pa rin kita kahit bungal-bungal ka na. Everything about you means the world to me. You make my life feel perfect and worth living. I love you so much, my baby cute. Lovelots, Daryl Lalong kinilig at napangiti si Carol matapos basahin ang love letter sa kaniya ni Daryl. Pakiramdam niya ay naging abnormal na naman ang t***k ng kaniyang puso. "Bakit sinulat mo pa?" nangingiti na tanong niya rito. "Eh, araw-araw naman tayong magkasama. Puwede mong sabihin sa'kin lahat ng gusto mong sabihin.." Ginagap nito ang kaniyang palad. "Kahit saan kasi ako tumingin, ikaw ang nakikita ko. Kaya imbes na gumawa ng assignment kagabi, mas inuna ko munang isulat 'yan," may pagsuyo nitong tugon. Tumaba yata ang puso niya doon. Alam naman niya kung gaano katamad magsulat si Daryl. Pero nagsipag ito para lang pakiligin siya. Tumingkayad ang dalaga at pasimpleng bumulong dito. "Thank you." Kinindatan lang siya ni Daryl. Ang buong-akala ni Carol ay doon na magtatapos ang pagpakilig sa kaniya ng binata noong araw na iyon. Pero nagulat siya nang pagdating niya sa classroom ay hiniram nito ang book niya. At nang isauli iyon ni Daryl ay may puting rosas na ang nakaipit doon. Sa bawat petals ng bulaklak ay may nakasulat na, "Daryl loves Carol". Halos oras-oras na lang yata ay pinaparamdam sa kaniya ni Daryl na espesyal siya. Kaya hindi na siya nagtataka kung tuluyan na nga talagang nilamon ng pagmamahal nito ang puso niya. Ramdam ni Carol na hindi na niya kakayanin pang pakawalan ang ganoon kasarap na pakiramdam. She was head over heels in love with Daryl. Ngayon pa lang ay alam na niya sa puso niya kung ano ang magiging desisyon niya sa susunod pang mga buwan. "Kung sana sini-share mo ang mga ngiti na `yan. Eh, 'di sana, hindi ka nagmumukhang timang diyan." Napakislot si Carol nang sikuhin siya ni Allison. Nakalimutan niyang katabi nga pala niya ito. "Ano ba kasi ang nagpapangiti sa'yo diyan?" Pinilit nitong inagaw ang hawak niyang libro pero nakipagmatigasan si Carol. Alam niyang mapagkakatiwalaan naman niya si Allison pagdating sa ganoong mga sikreto. Kaso nahihiya siya. Siguradong pagtatawanan siya ng kaibigan. At ang masama pa ay baka masabunutan siya nito sa ka-ipokritahan niya noon. "Allison! Huwag ka ngang makulit. Kutusan kita diyan, eh," napipikon na niyang saad nang hindi pa rin siya nito tinatantanan. "Ano ba kasi ang ipinagkaiba niyang Trigonometry book mo na 'yan sa libro ko at todo-ngiti ka? Samantalang pressured na pressured nga ako kapag tinititigan ko iyan." "Ah, basta! Mind your own business na lang, okay?" Pero hindi pa rin niya nakukumbinse si Allison at inagaw pa rin nito ang hawak niyang libro. Hanggang sa mapasakamay iyon ng kaibigan niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang rosas na nakaipit doon. Muntikan pa itong mapatili kung hindi lang niya mabilis na natakpan ng kamay ang bibig nito. Sinabunutan niya ito sa sobrang pagkainis. "Pakialamera ka talaga!" Namumula ang pisnging binawi niya ang libro at ibinalik sa bag niya. "My goodness, friendship. Lumalandi ka na. Magtatampo sa'yo si God," panunudyo nito sa kaniya. "Huwag ka nang magsalita kung kakantiyawan mo lang naman ako." "Sorry na. Nagulat lang ako. Kasi parang nakaraan ko lang sinasabi sa'yo na kayo talaga ni Papa Daryl ang para isa't-isa. Biruin mo 'yon? May dilang-anghel pala ako." Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "Kayo na ba?" Buking na buking na siya ni Allison kaya ano pa ba ang dahilan para maglihim siya rito. Nahihiyang tumango si Carol. "Parang gano'n na nga. Pero puwede bang secret lang muna natin 'to?" "Sure. Alam mong maaasahan mo ako diyan. Pero paano na ang pagpasok mo sa kumbento?" Napabuntong-hininga si Carol. "To be honest, hindi ko pa talaga alam. Hindi ko kayang saktan ang feelings ng mga magulang ko. Pero hindi ko rin naman kayang saktan si Daryl. Sobrang napamahal na siya sa'kin." "You know, friendship..." anito sa tonong nagpapayo. "Mas mabuti siguro kung sabihin niyo na nang mas maaga sa parents n'yo ang tungkol sa inyo. Malay mo naman, maiintindihan nila kayo. Kasi lalo lamang silang magagalit kapag sa iba pa nila nalaman." Napatitig siya kay Allison. Kahit may pagka-lukaret ito minsan, matino naman itong kausap pagdating sa mga seryosong bagay. "I'm so scared, Allison. Paano kung ilayo nila ako kay Daryl at pilitin pa rin na ipasok sa kumbento?" "Gano'n ba ang pagkakakilala mo sa parents mo?" Muling natigilan si Carol. Mabait at maunawain ang mga magulang niya. Walang bagay na hiniling niya ang hindi ibinigay ng mga ito basta hindi makakasama sa kaniya. Umiling siya. "H-hindi. Pero seryoso talaga sila na pag-madre-hin ako." Pumalatak ang kaibigan niya. "Iyon naman pala, eh. Eh, 'di ipaglaban mo si Daryl. Kasi minsan nagsasawa din 'yang mga lalaki. Kahit ilang beses pa nilang sabihin na handa silang maghintay. Darating at darating pa rin ang araw na hindi na sila makukuntento sa pagiging secret on. Gusto ng mga lalaki, ipinagmamalaki sila ng girlfriend nila." "Hindi naman gano'n si Daryl, eh." "Hihintayin mo pa bang maging gano'n siya," giit naman ng kaibigan. "Dapat ngayon pa lang ay alam mo na sa sarili mo kung alin ba ang mas matimbang sa puso mo. Ang pangarap ng parents mo sa'yo o 'yong pagmamahalan niyo ni Daryl." Napakagat-labi na lamang si Carol. Sa ngayon ay wala pa talaga siyang lakas ng loob para sundin ang ipinapayo sa kaniya ni Allison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD