Maliwanag na sa labas nang mapatingin ako sa babasaging bintana, mataas na ang sikat ng araw kahit na nga alas syete pa lang ng umaga. Hindi kababakasan nang malakas na ulan sa nagdaang gabi. Nasa suite pa rin ako ni Sir Drew at ramdam ko ang brasong nakadagan sa bandang tiyan ko. Ngayon bumalik lahat sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Hindi talaga ako makapaniwalang nangyari iyon. Para bang sinugod ako ng napakaraming paru-paro at kinikiliti ang tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa mga alaala ng nagdaang gabi. Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Kung panaginip man ayoko ng magising pa! Ngayon lang yata ako nakatulog ng dire-diretso, payapa at mahimbing. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ni Gin, gustong siguruhin na siya nga iyon at hindi isang ilusyon lang. Ng

