"Kumusta ka na, anak?" tanong ni mama na ikinulong pa sa kanyang mga palad ang mukha ko. Pinakatitigan niya ako habang hilam siya sa luha. "Ang laki-laki na ng ipinagbago mo. Ang ganda-ganda mo na!" aniya pang hinagkan ang aking pisngi. Pinasadahan ko ng tingin si mama, ang laki na rin ng ipinagbago ng hitsura niya. Bagsak ang katawan at para bang tumanda bigla. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa aking sarili at awa para kay mama, dahil alam kong dahil sa akin kaya ganito na siya ngayon. Nakayakap pa rin ang isang kamay ni Zack sa aking baywang at nakangiti ring nakamasid kay mama dahil sa nag uumapaw na saya nito. Agad nilapitan ni Ate Mae si mama para ilayo ng bahagya sa akin. May isinisenyas si ate sa akin na agad ko ring nakuha ng sulyapan nito ang nilikuang daan ni Gin. Alam kong gus

