The Last Snow Has Fallen

2624 Words
NATIGILAN ako bigla sa itinawag niya saakin Eya hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at nasapo ko ang aking ulo "Freya!" Naramdaman ko ang pag alalay saakin nila Kyran "Haixt! Blair!" - Axel "Hindi niya pa rin ba alam Ax?" - Blair Hindi alam ang alin "Axel! Mabuti kung kakausapin mo muna ang kapatid mo" Nagtinginan sa mata sila Priam at Axel na tila nag uusap sila gamit ang kanilang mga mata Bago hinila ni Axel si Blair palayo saamin Hanggang ngayon ay sapo ko ang aking noo dahil sa biglaang pagsakit ng aking ulo ng marinig ko ang itinawag niya saakin Parang may kung ano sa aking isipan na pilit na kumakawala pero may pumipigil roon "Drink this Freya" Kinuha ko kaagad ang iniabot saaking lalagyan na may laman ng dugo ni Astrid at saka uminom roon Ng maging ayos na ulit ako ay yun naman ang paglapit ulit nila Blair at Axel Naglalakad sila ngayon palapit saamin Nakatingin sila saakin pareho Magkahawig silang dalawa. Totoo ngang magkapatid silang buo "Naayos mo na ba?" - Kyran "Nakapag usap na kami" - Axel May hindi talaga ako nalalaman "Siya ang kapatid mong hinahanap natin?" - Zane Tumango naman ng tipid si Axel bilang sagot "Kaya pala siya mahilig sa ganitong lugar" - Ashton "Blair can manipulate sand. His power is sand" - Ali If Axel is the prince of time Blair is the prince of sand Ang bampirang may kakayahan sa buhangin "Nasabi mo naman na siguro sakanya ang lahat lahat hindi ba?" - Saxon Lumingon ako kay Blair na hanggang ngayon ay saakin pa rin pala nakatingin habang bahagyang nakakunot ang noo at nakanguso "Wala ng magiging problema... sa ngayon" - Axel at saka tumingin saakin Maging sila Kai, Jair, Ali at Chase ay patingin tingin saakin Ano bang problema nila at tingin sila ng tingin saakin?! "Ngayon maaari mo na bang ibigay ang hinihingi naming tulong saiyo?" - tanong ko "Tumutupad ako sa usapan" - sagot niya "Kung ganun ay gawin mo na" - Kyran "Siya lang ba ang sasama saakin?" - tanong ni Axel "NO!" - sabay na sigaw nila Saxon, Kyran, Priam, Kevin at Zeyton Nakita ko naman ang pagngisi nila Kai at Ali Samantalang seryoso lang na nakatingin sila Jair, Chase at Blair sakanila "Sasama ako" - Yael "Ang mate niya ang huling nakausap noon ni Luan maliban sa akin" - sambit ko na tinanguan lang naman ni Axel "Gusto ko lang babalaan kayo ng mabuti na hindi nila dapat tayo makita. Kahit sinuman mula sa nakaraan. Hindi nila tayo maaaring makita o makilala. Maaaring magbago ang kasalukuyan na isang napakalaking problema pag nagkataon. Malinaw ba?" - paliwanag niya saamin Tumango naman ako samantalang nakatingin lan sakanya si Yael Hawak ito ng kanang kamay niya. Inalis niya sa bulsa ng suoy niyang pants ang kaliwa niyang kamay na may hawak na isang maliit na punyal At saka lumapit saamin ni Yael "I need your hand" - Axel Iniabot ko ang aking kamay at hiniwa niya ang aking balat gamit ang punyal na nasa kamay niya malapit sa aking palapulsuhan Agad na tumulo roon ang aking dugo Namula ang kanyang mga mata maging ng kanyang mga kapatid habanh nakatingin sa tumutulo kobg dugo sa buhangin "Quit staring" - biglang sigaw ni Axel na ngayon ay nasa dating kulay na ang mga mata Sabay sabay namang nag iba ng tingin ang kanyang mga kapatid "Move a little closer" - sambit ni Axel kay Yael na agad namang sinunod ni Yael Nakita ko namang lumayo saamin sila Astrid Magkakaharap kami ngayong tatlo nila Axel at Yael na nakahugis tatsulok "Do you have something that can make us invisible?" - tanong ni Axel kay Astrid Agad namang naghalungkat si Astrid sa kanyang dimensional bag at saka lumapit saamin na may dalang potion na kulay pilak na likido "Inumin niyo to. Hindi nila kayo makikita o maririnig. Tanging kayo lamang ang makakaita at makaririnig sa bawat isa" Inabot saakin ni Astrid ang bote na wala ng takip at saka ako uminom roon at sumunod na tumungga ay sila Yael at Axel Alam kong hindi na nila kami nakikita pero nakikita ko sila Yael at Axel "Are you ready?" - Axel "Kanina pa" - bagot na sagot ni Yael May kinuha siya sa bulsa ng kanyang suot na panbaba Isa itong kwintas na gawa sa ginto ang kwintas na may roong locket as a pendant na purong ginto rin Binuksan niya ang pendant na locket gamit lang ng kanang kamay niya at isang orasan pala ang nasa loob niyon Isang locket watch Pagbukas niya noon ay agad namang pumula ang kanyang mata kasabay pagtunog ng kamay ng orasan na pumupuno sa paligid kasabay ng pagtulo ng aking dugo sa buhangin At unti unti ng nagbabago ang paligid.. Kinakabahan ako at natutuwang makikita ko na siyang muli ngayon mismo. Kahit sa isang nakaraan nga lang Huminto ang pagbabago ng paligid Inilibot ko ang aking mata at nakitang nasa pamilyar kaming silid Silid tanggapan ito ni Luan! Nasa palasyo kami ng Parua! Sabay kaming napalingon sa pintuan ng bumukas iyon At pumasok roon ang matagal ko ng nais makita at mahawakan Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na palagi kong napapanaginipan Ang aking prinsipe. Ang prinsipe ng mga nyebe Kasunod niyang pumasok sa silid ay si Tamara Nilingon ko si Yael na nasa kaliwa ko Kita ko sa kaniyang mga mata ang kagustuhan niyang hawakan si Tamara Pero alam naming hindi iyon maaari Humakbang kami paatras upang hindi nila kami matamaan kung sakali "Anong pag uusapan natin Tamara?" Napapikit ako ng mariin ng marinig kong muli ang malamig niyang boses na tila bumabaon sa aking sistema "Tungkol sa propesiya" Naimulat ko ang aking mata ng marinig iyon Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Luan habang nakatingin siya kay Tamara "At anong tungkol sa propesiya?" "Luan nagbago ang propesiya. Nangyari ang hindi dapat nangyari at hindi nangyari ang dapat na mangyari" Anong tinutukoy niya? "Nabago ang itinakda. Magbabago rin ang hinaharap" Hindi ko maintindihan Anong sinasabi niyang nagbago? May nauna ba siyang nakita na hindi ko alam? At bigla nalang sumagi sa isipan ko ang hindi pa nasasabi ni Tamara na parte ng propesiya na nakalaan niyang makita bilang gabay Iyon ba ang tinutukoy niya? Pero teka. Alam ba iyon ni Luan? Alam niya na ba iyon noon pa? "Anong nakikita mo ngayon Tamara?" "Layuan mo si Freya" "What?!" "Hindi ka ba nagtaka? Kung bakit ka pa niya nagawang buhayin ni Freya gayong nagamit niya na ang kakayahang iyon saiyo dati?" Nangunot ang noo ni Luan na nakatingin lang kay Tamara "Nakipagkasundo siya sa Legendary Phoenix" Kaya pala alam ni Luan ang kasunduang namagitan saamin ng Phoenix "Anong kasunduan?" "Bigyan siya ng isa pang pagkakataong bumuhay. At alam mong napaka imposbile niyon" Unti unting naging blanko ulit ang mukha ni Luan na tila nagkakaroon na siya ng ideya "Luan buhay ang hiniling, buhay rin ang sisingilin" "f**k Tamara! Will you stop the riddle of yours?!" - sigaw ni Luan "Remind me to kill Luan kapag nahanap na natin siya" Rinig kong sabi ni Yael na masamang nakatingin ngayon kay Luan dahil sa pagmura at pagsigaw nito kay Tamara "Buhay ni Freya ang kukuning kapalit ng Phoenix. Pero hindi pa ngayon. Muling babalik ang Phoenix upang kunin ang kapalit sa naging kasunduan nila" "f**k! Why Freya didn't tell me?!" "Siguro ay dahil ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo" "f**k!" Marahas na sinabunutan niya ang kanyang abong buhok "Layuan mo na siya Luan" "No! After she offer her life just to save me from death then now you are telling me to leave her?! I won't do that! Mananatili akong nasa tabi niya hanggang sa bumalik ang Phoenix at sa oras na iyon ay poprotektahan ko siya at hinding hindi ko siya ibibigay sa Phoenix!" Nagsituluan ang aking mga luha ng marinig iyon kay Luan Hindi niya gustong iwan ako. Pero bakit? Bakit kami pinaghihiwalay ni Tamara? Anong dahilan? "Kaya nga Luan layuan mo siya!" Lumapit sakanya si Tamara "Mas makabubuti kung sa mundo ka ng mga mortal pupunta Luan. Mundong malayo sa mundong ito kung nasaan ngayon si Freya" Nasa mundo siya ng mga tao! Tama ako ng pakiramdam naroon siya! Hinawakan ni Tamara ang kamay ni Luan at kita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata "s**t!" - rinig ko mula kay Yael "Luan nakikita kong mamamatay si Freya kapag nagsama pa kayo" Natigilan ako sakanyang sinabi maging si Luan ay natigilian rin sa binitawang salita ni Tamara "Ang pagsasama niyo ang magiging mitsa ng kanyang kamatayan" Ang pagsasama namin ang magiging sanhi ng aking kamatayan? Anong ibig niyang sabihin? Sa paanong paraan? "Kailangan na nating bumalik" - Axel Pagkasabi niya noon ay narinig ko na ulit ang tunog ng orasan Unti unti ng nagbabago ang paligid pero nanatiling na kay Luan ang aking tingin Tulala lang ako hanggang sa makabalik kami sa desyerto "Anong ngyari?" - Priam "Alam niyo na ba kung nasaan siya?" - Saxon Bigla akong natauhan ng maalalang nabanggit ni Tamara kung saan maaaring naroon ang aking prinsipe "Nasa mundo ng mga mortal si Luan" - sagot ko "Saang parte? Napakalawak niyon" - Zane Oo nga napakalawak nga ng Earth nasaan siya roon? "Blair can connect places. Kaya niyang malaman ang lugar kung nasaan ang hari ng kadiliman" - Chase "What the?! Ang galing mong magsalita Chase" - Blair Agad akong lumapit sakanya at hinawakan ang kaniyang kamay na ikinabigla niya "Freya anong ginagawa mo?" Hindi ko pinansin si Kevin "Nakiki usap ako. Maaari mo bang hanapin siya?" "M-maari. Pero kailangan ko ang gamit ko na kinuha saakin ng isang hobgoblin" "Nasa kanya iyon Blair" Tumingin naman ng masama si Blair kay Axel "Alam ko!" - may diin niyang sabi "Alin ba ang tinutukoy niyong nasa akin?" "Ang ibinigay saiyo ng batang hobgoblin" - Axel nag-isip naman ako at naalala ko ang regalong bigay saakin ni Elvis Ang glass hour Ito rin siguro ang hinahanap noon ni Axel sa mga hobgoblin Ang unang bagay na ninakaw ni Elvis mula sa iba Ibinigay ko iyon sakanya na agad niya namang kinuha "Just on time" - sambit niya habang nakatingin sa huling buhangin na pumatak sa glasshour Itinapon niya iyon sa ere kasabay ng pagpula ng kanyang mata ay siya namang pagtigil niyon sa ere Nagsimula muling pumatak ang buhangin pero mas mabilis ngayon Ngayon ko lang nakuha ang konsepto ng glass hour na ito Pinagsama ang kanilang kakayahan Orasang Buhangin Nakatulala lamang si Blair na parang estatwa habang namumula ang kaniyang mga mata "Sadya ngang kakaiba ang kakayahang taglay ng mga anak ng dyosa" - Saxon Tama siya. Mula sa magkakapatid na sila Luan, Haden at Kyran na anak ng dyosa ng kailaliman Ang kakaibang gandang taglay ni Keres na anak ni Persephone At ngayon ay ang dalawang anak ni Athena Ang pagkakaalam ko talaga ay birheng dyosa ang dyosa ng karunungan Napalingon uli ako kay Blair ng bumagsak na sa buhangin ang kanyang orasang buhangin kasabay ng pagbalik ng kanyang amber na mga mata "Alam mo na ba kung nasaan siya?" - Tanong ko Umiling iling naman siya "Imposibleng hindi mo nalaman Blair" - Axel Tumingin si Blair kay Axel "Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko talaga naramdaman ang presenya niya" - sagot nito na nakakunot pa ang noo "Maging ni Tamara?" - tanong ni Yael Umiling si Blair bilang sagot "Napaka imposible iyon. Maliban na lang kung" Nagkatinginan sila Ali, Chase, Jair at Kai "Maliban kung ano?" - tanong ko "Kung hindi niya talaga maramdaman ang presenya niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon" - Dion Nakatingin kami ngayon kay Dion at hinihintay ang sasabihin niya "Maliban kung wala na talaga ang hinahanap natin" Agad siyang nakatanggap ng suntok mula kay Saxon "Sinasabi mo bang patay na si Luan ha?!" Nakatulala lamang ako habang pinipigilan nila Zeyton si Saxon Hindi naman siguro.. Mahirap lang talagang mahanap si Luan Oo ganun nga lang iyon "May paparating" Nagsitinginan kami kay Jair at sinundan namin kung saan siya nakatingin Wala kaming makita hanggang sa unti unting kaming natatanaw na hindi ko masabi kung ano Ng tumagal ay nakita na namin kung ano at sino ang paparating Sakay ng puting kabayo si Travis habang kasabay sa mabilis na pagtakbo ng kanyang kabayo si Sky Bigla akong kinabahan ng makita si Travis na mabilis na pinapatakbo ang kaniyang kabayo palapit saamin At hindi ko maintindihan kong bakit parang pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari Ng makalapit siya saamin ay agad siyang bumaba sa kabayo Nilapitan ko si Sky na nasa totoong anyo niya Hinaplos ko ang kanyang malabot na balahibo at saka siya nagsumiksik saakin pinagmasdan ko ang asul niyang mga mata at kita ko ang pag aalala at sobrang kalungkutan doon "Salamat naman at nakita ko kaagad kayo. Nakasalubong ko sa daan sila Rosh at nasabing dito ang direksyon niyo" - Travis "Bakit ka naandito Travis? May nangyari ba?" - Priam Napatingin ako sakanila at saka lumapit kay Travis Tumingin siya sa akin At tulad ni Sky ay kitang kita sa kanyang mga mata ang pag aalala at kalungkutan at pagdadalamhati??? "May nangyari ba Travis?" - mahinang tanong ko "Freya... pinapunta ako rito ni Adreana dahil" Hindi niya maituloy tuloy ang kaniyang sasabihin na mas nagpapakaba saakin "Dahil ano Travis?" "Freya. Ang puno ni Luan..." Pagkasabi na pagkasabi niyon ni Travis ay agad akong tumalikod at sumakay kay Sky na mabilis namang tumakbo paalis Narinig ko pa ang pagtawag nila saakin Hindi hindi maaari Mabilis ang pagtakbo ni Sky na mas mabilis pa sa vampire speed at sa takbo ng mga lobo At parang kasing bilis na ng kaniyang pagtakbo ang t***k ng puso ko Nagsisituluan na rin ang aking mga luha Panay rin sa pag alulong si Sky.. Isang malungkot na alulong Hintayin mo ako Luan.. Magkikita pa tayo hindi ba? Baby hahanapin pa kita Iyon lamang ang nasa isip ko hanggang sa matanaw na namin ang tarangkahan ng Palasyo ng Parua Malayo pa lang kami ay bumukas na ang tarangkahan at pagkapasok namin ay agad akong bumaba kay Sky na agad namang nag anyong maliit Dirediretso akong pumasok sa palasyo at nabungaran ko kaagad ang mga Salvatory maging sila Leila at Khali Nilampasan ko sila at mabilis na tinungo ang daan papunta sa silid kung nasaan ang puno ni Luan Natanaw ko kagad si Xeon na yakap yakap ang umiiyak na si Adreana Ng makalapit na ako sakanila ay agad na tumingin saakin si Adrena na mugto ang mga mata hindi ko na sila hinintay na magsalita at nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng silid Wala ng yelo sa loob. Hindi na ito malamig tulad ng natural nitong temperatura noon. Parang isang ordinaryo na lamang itong kwarto ngayon Wala na ang mga nyebe na nagsisilbing sahig nito noon. Ngayon ay kita na ang marmol nitong sahig Pero ang nakapagpalumo talaga saakin ay ang makita ang puno ng aking prinsipe Humihikbi akong tumakbo papunta sa paanan nito Kulay kayumanggi na ang kahoy nito at isa na lamang ang natitira nitong dahon Napatingala ako rito at lumuluhang umaasang may pag-asa pa Pero ang araw na unang ipinakita saakin ni Luan ang punong ito. Ang punong sumisimbolo sa kanyang buhay. Ang araw na ipinanalangin ko sa mismong harapan nito na hindi ko sana makitang mahulog ang huling dahon nito sa aking harapan Ay ngayon ay ngyari na Patuloy sa pag agos ang aking luha habang pinagmamasdan ang huling dahon ng kanyang buhay na nahuhulog pababa sa akin Inilahad ko ang aking palad upang saluhin ito At unti unting natunaw ang nyebeng dahon sa aking palad Hindi hindi ito totoo! Hindi ito totoo! "Luannnn!!!!!" sigaw ko habang nakaluhod sa paanan ng patay ng puno na sumisimbolo sa buhay ng aking minamahal na prinsipe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD