KASALUKUYAN akong nasa loob ng kwarto
Nakatanaw lamang sa may labas ng veranda
Hindi ako umiiyak o nagdadalamhati tulad ng ginagawa ng mga nasasakupan ng buong emperyo
Bakit ako iiyak? Alam kong buhay pa siya. Alam kong buhay pa ang aking prinsipe
Tanging puno lamang niya ang namatay. Baka may kung ano lamang na ngyari. Hindi ko gustong maniwalang wala na siya dahil lamang doon
Hangga't hindi ko nakikita ang katawan niya. Hindi ako maniniwala
Agad na nag utos si Kyran at Priam na hanapin si Luan sa mundo ng mga tao. At kahit ilang beses ko silang pinilit na gusto kong pumunta roon ay hindi nila ako pinayagan
Gusto ko ng makita ang aking prinsipe at matiyak na buhay pa siya
Dahil sa mga oras na ito pilit ko mang magpakatatag at paniwalaan ang nasa isip kong buhay pa siya ay hindi pa rin maitatago ang katotohanang nang mga oras na mahulog ang huling dahon ng kanyang puno ay hindi ko na maramdaman ang koneksyon naming dalawa
Napatingin ako sa pintuan ng aking silid ng may kumatok roon at saka pumasok si Travis
"Freya. Nasa ibaba ang mga Valtouri"
Kinabahan ako bigla ng marinig ang sinabi niya
Anong ginagawa ng mga Valtouri dito? May balita na ba sila?
Valtouri.. sila ang middle society
Sila ang nagbabantay ng portal na pumapagitna sa mundong ito at sa mundo ng mga mortal
Iyon lamang ang nag iisang lagusan at pasukan sa magkabilang mundo para sa mga walang kakayahang gumawa ng portal
Mga half blood ang bumubuo sa organisasyon na ito
Sila rin ang pumapatay sa mga bampirang gumugulo sa mundo ng mga tao. Ang mga Valtouri ang siyang bumabalanse sa mundong ito at ng mga tao. At ang alam ko sa kanila ibinigay nila Kyran ang tungkulin na hanapin si Luan sa mundong dati kong ginagalawan
Mabilis akong lumabas ng silid at tinahak ang daan patungo sa silid kung saan kalimitan ipinupunta ang mga bisita ng palasyo
At habang naglalakad ay grabe ang kaba na aking nararamdaman
Malayo pa man ako sa silid ay naamoy ko na ang napakapamilyar na dugo
Ang dugong hinahanap hanap ko sa nakalipas na anim na taon
Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad gamit ang abilidad ko bilang isang bampira habang nakasunod lang sa aking likuran si Travis
Ng makarating ako sa bungaran ng silid ay agad akong pumasok
Halos sabay sabay silang humarap saakin
Narito ang lahat. Nakatayo sila Priam, Yael at Kyran sa pinakaunahan habang nasa harapan nila ang apat na tao na hindi pamilyar saakin. Lahat silang apat ay may suot na kapa habang nakababa ang hood nito
Hindi sila tao hindi ko rin maamoy sakanila ang pagiging bampira
Mga half blood. Sila na nga ata iyon
Mga Valtouri
Binigyan ako ng daan nila Miya
Kita sa mata nila ang pag-aalala at kalungkutan
Nakita ko pa si Adreana na halatang halatang galing lamang sa pag iyak
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng malawak na kwarto at hinanap ng aking mga mata ang nagmamay ari ng napakabangong dugo na aking naaamoy
Pero bigo ako na makita siya. Nasaan ang aking prinsipe?? Bakit ko naaamoy ang kanyang dugo??
Lumingon sa likuran ang apat na half blood at tumingin sila sa gawi ko bago nagsihanay sa magkabilang daan sa harapan nila Kyran
At doon ko nakita ang damit na na nakapatong sa isang patungan na gawa sa marmol na nasa harapan nila Priam
Isang napakapamilyar na damit na may mga tuyong dugo
Nagsituluan kaagad ang aking mga luha
Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa
Lahat ng mga mata nila ay nasa akin nakatingin
Pero ako ang aking paningin ay nakapako lamang sa damit na iyon
Ng malapit na ako ay naitakip ko na lamang ang aking dalawang kamay sa aking bibig upang pigilan ang aking paghikbi ng makumpirmang iyon nga ang damit niya noong huli kong makita ang aking prinsipe
Nanginginig ang aking mga kamay na hinawakan ito
"Nahanap iyan ng mga Valtouri sa mundo ng mga mortal" - sambit ni Priam
hinaplos ko ang damit na punong puno ng tuyong dugo habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha
"Hindi na nakita ang kanyang katawan. Dahil mula sa imbestigasyon, direkta sa kanyang puso ang kanyang tama"
Kinuha ko ang damit at saka iyon pinagmasdan
May butas sa bandang kanang dibdib na parte nito kung saan ay mas lalong mapula ang natuyo ng mga dugo
Hindi ko na napigilan na kumawala sa aking bibig ang aking paghagulhol at bumagsak ako sa sahig dahil sa nghihina ko ng mga tuhod
Agad akong dinaluhan nila Astrid
Yakap yakap ko ng mahigpit ang kanyang damit habang humahagulhol
Tanging ang iyak ko lamang ang pumupuno sa buong silid
Nakita ko rin ang pag iyak ni Adreana sa dibdib ni Rosh
Hindi ito totoo.. ang lahat ng ito ay hindi totoo!
Hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako magagawang iwanan
Isa lamang itong panaginip. Isang bangungot
Unti unting kong nakikita ang kadiliman. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa aking pangalan. Pero bago pa ako tuluyang malunod sa napakalalim na bangin ay nakita ko pa ang kanyang mukha
Ang aking prinsipe. Ang nag-iisang prinsipe ng mga nyebe
----Rosh POV----
Nasa loob ako ngayon ng isa sa mga pribadong silid ng Palasyo ng Parua kasama sila Priam at Yael maging ang apat na Valtouri
Tahimik lamang kami habang diretso lamang ang tingin ni Priam
Umaalingawngaw rin ang tunog ng kampana. Malakas at matagal na tunog, tunog ng pagdadalamhati
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari
Natulala na lamang ako ng masalubong namin nila Grey si Travis at ibinalita ang tungkol sa puno ni Luan
Agad akong bumalik dito sa Parua ng makarating kami sa Black Moon Shadow Pack. Hindi ko kasama si Bliss. Ipinangako ni Grey na pupunta sila rito sa susunod na araw
Napalingon ako sa damit na nasa ibabaw ng mesa ni Priam na nakapatong sa purong gintong lalagyan
Napakaimposibleng napatay siya ng kung sinuman. Hindi basta basta ang kapangyarihang taglay ni Luan. Minsan na naming nasaksihan ang totoong lakas niya noon
Isa pa si Haden lamang ang pinakamalapit na pwedeng maging kapantay niya na maaaring pumatay sakanya. Pero wala na si Haden
Kaya sino pa ang may kakayahang gawin ito sakanya?
Na mas malakas pa kaysa kay Haden
Ang mga tuyong dugo sa damit ay kumpirmadong sakanya nga iyon maging ang mismong damit
Ipinilig ko sa ibang direksyon ang aking ulo
Hindi ko kayang pagmasdan ng matagal iyon. Ayokong pagmasdan iyon dahil kusang pumapasok sa aking isipan ang mga panahon na naririto pa siya
Hindi kami gaanong magkakasundo noon. Pero kahit iba ang pakikitungo saamin noon ni Luan alam kong may pakialam siya saamin. Kahit napakalamig niya ay alam kong hindi pa naman nagyeyelo ng tuluyan ang kanyang puso. Ramdam ko na itinuturing niya kaming kapatid noon pa man kahit palagi niyang sinasabi at ipinaparamdam na hindi niya kami kadugo. At napatunayan ko iyon ng dumating si Freya sa buhay niya
Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng pumasok si Kyran
"How is she?" - Priam
"May malay na siya"
"Umiiyak pa ba siya?" - Yael
Hindi na sumagot si Kyran. Pero alam na namin ang sagot sa tanong ni Yael
Kung meron man na maaapektuhan ng sobra sobra ngayon ay si Freya iyon
"Gusto kong ipahanap ang may gawa nito" - seryosong sambit ni Priam na nakatingin sa apat na Valtouri
"Natitiyak kong gagawin namin ang lahat malaman lamang kung sino ang nasa likod nito" - sagot ng isa sa kanila
Nagsitayuan na silang apat at sabay sabay na yumuko kay Priam at kay Kyran bago lumabas ng silid
Sa oras na malaman ko kung sino ang may gawa nito. Hinding hindi ko na sila pasisikatan pa ng araw
----Keisler POV----
Nakatingin kami ngayon nila Finn kay Yael na tahimik lamang na nakaupo may kalayuan sa pwesto namin
"Nasaan na kaya si Tamara? Tsk! Masama ito" - Keena
Ng dumating kanina ang mga Valtouri at pagkatapos nilang ipakita ang damit ni Luan ay nag tanong kaagad si Yael tungkol kay Tamara pero ang sagot nila ay hindi nila ito nakita
"Bantayan niyo yan. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin natin" - Gretel na nakatingin din kay Yael
Alam naming delikado kapag nawala sa kontrol si Yael
"We need to find Tamara.
As soon as possible. As faster as we could" - Finn
"Yeah. Bago pa man lumabas ang demonyo sa katawan niya" - dagdag ko
----Astrid POV----
Kumatok ako sa pintuan niya. At tulad ng nakaraan ay wala akong narinig mula sa loob
Dalawang araw na siyang nakakulong sa kwarto niya
Lahat na rin kami ay nagpapasalit salit sa pagpunta rito at nagbabasakaling pagbuksan niya kami ng pintuan na hindi naman nangyayari
Iniutos nila Kyran kahapon na lagyan namin ni Ashton ng mahika ang palibot ng kwarto ni Freya ng pampagaan ng pakiramdam At pampatulog
Pero alam kong hindi iyon tatalab sakanya
Tanging ang mahika na pampatulog lamang ang paniguradong tatalab sa kanya
Maiibsan noon ng kahit kaunti ang sakit na nararamdamam niya
Pero alam naming hindi iyon sasapat
Dahil alam naming walang katumbas ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon
"Is she still not eating?"
Napalingon ako sa aking kanan. Hindi siya saakin nakatingin kundi sa dala kong tray na may mga pagkain
"Hindi niya pa rin binubuksan ang pinto"
Ibinaling niya ang tingin niya sa nakasarang pintuan ni Freya
Kita sa kanyang mga malalamig na mata ang pag aalala
Napayuko na lamang ako
"Just give her time to think and absorb all of this"
Muli akong napaangat ng tingin pero tanging likod niya nalamang ang nakita kohabang naglalakad siya papalayo
He really loves her
And that thought made me in pain
----Kevin POV----
"He is really a bastard"
Napalingon kami ni Leila kay Khali na ngayon ay kunot kunot ang noo habang naka ekis ang kanyang braso sa harapan ng kanyang dibdib
"He loves hurting her! He's always make her cry!"
"Hindi niya iyon ginusto Khali"
Nabaling saakin ang masama niyang tingin
Problema ba ng bubwit na to?
"Hindi niya ginusto?? Ehh kung hindi siya umalis hindi ito mangyayari!"
"I know he has reason why he did that Khali"
Napatingin ako kay Adreana
Tama siya. Alam kong may rason siya. Rason na hindi na namin malalaman kahit kailan
"If he really did his role as his knights and prince, she will never be hurt"
Napangiti na lamang ako
Kahit bata pa si Khali ganyan na talaga yan magsalita at mag isip
"I can't bear to see her crying. In pain and in sorrow. I want to protect her. I really do"
We are really a brother. Iyon din ang gusto kong gawin ngayon
----Yael POV----
Mabilis kong pinatakbo ang aking kabayo palabas ng palasyo ng Parua
Hindi ako pwedeng tumunganga na lang at walang gawin
Hahanapin ko siya. Kailangan ko na siyang makita
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kabayo. Tinahak ko ang gubat at hindi dumaan sa kabayanan
Mabilis kong hinatak ang lubid ng kabayo ng basta na lamang may sumulpot na bampira sa dadaanan ko
"f**k! You wanna die?"
The heck is his problem?!
Nakapikit siya habang nakaharang sa daan
"Who are you? Do you know who I am to block my way?" - malamig na turan ko
I am the second prince of Thespia, no one should block my way!
He open his eyes and look at me directly in my eyes
"How can I not know you? The rebel prince of Salvatory"
Tinitigan niya ang kabayo ko na agad na nagwawala
I roll in the ground when I fall out from the f*****g dumb horse
"Who the hell are you?" - kalmadong tanong ko
"Soldier"
Napakunot noo ako
Soldier? Mukhang naligaw pa ang isang ito
"Walang digmaan dito"
"Alam ko. Dahil hindi pa nagsisimula"
Is he one of the missing relatives of Saxon? Baliw din kasi ata ang isang to
"What do you need?"
Sinasayang niya ang oras ko
Nakita ko ang pag angat ng isang sulok ng kanyang bibig
"Wala ako kailangan sayo. Ikaw ang may kailangan sakin"
"Ako? May kailangan sayo? Ni hindi nga kita kilala kung sino ka at saang lupalop ka galing"
Is he playing some prank on me?!
Well he played with the wrong vampire
Kating kati ng gumapang ang aninong nasa tattoo ko sa lupa at lamunin siya ng buo pero kailangan kong kumalma
May kinuha siya sa loob ng kanyang suot na damit at saka itinaas ang kanyang kamay
Tinignan ko ang hawak hawak niya
Bakit nasa kanya iyon?!
"Who do you think is the owner of this?"
Agad akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam habang nakatingin sa bagay na iyon
Ang hair clip na bigay ko kay Tamara. Suot suot niya ito bago siya nawala
Bakit nasa kanya iyon?!
"Bakit na sayo yan?"
"Hmm. I think this is belong to that feisty girl with brown curly hair and a beautiful pair of emerald green eyes"
Lalong umitim ang tattoo na nasa kaliwang kamay ko. Nakakuyom na rin ang magkabila kong kamay
"Where.Is.She?!"
May diin ang bawat salitang binitiwan ko
"Hindi ko sinasadyang masaksak siya at mahulog sa malalim na tubig. Nanlaban kasi ehh" - baliwa lang na sagot nito
Agad na namula ang aking mata at agad na nilusob siya na mabilis niyang naiwasan
Nilinga ko ang paligid pero hindi ko siya mahanap
"Im over here"
Napaangat ako ng tingin sa isa sa mga puno na narito sa gubat
"Where the hell is she?! Anong ginawa mo sakanya?!"
"She's dead now"
"Liar!!!"
"I am not lying on you. Sa katunayan. Ikaw pa nga ang nagsisinungaling sa sarili mo"
Mabilis na gumalaw at gumapang ang anino mula sa aking kamay papunta sa punong kinalalagyan niya
Tumaas doon ang anino pero bago siya maabutan ng anino bigla siyang nawala
Mabilis ko siyang hinanap at nakita ko siyang nakatayo di kalayuan saakin
Susugurin ko na ulit siya ng bigla siyang magsalita
"Nararamdaman mo pa rin ba ang koneksyon niyong dalawa?"
"Sino ka ba talaga?!"
Pero hindi niya ako sinagot. Bagkus ay iba na naman ang sinabi niya
"Hindi ba't matagal mo ng hindi nararamdaman ang koneksyon niyong dalawa?"
Damn! f**k?! Anong alam niya sa nararamdaman ko!!
Totoong matagal ko ng hindi nararamdaman ang koneksyon naming dalawa simula pa noong umalis si Freya sa mundong ito na higit isang taon ng nakalilipas
"Tanggapin mo na sa sarili mo na wala na siya"
"Because I already killed her"
"Ahhh!"
Agad ko siyang nilusob pero nabigla ako ng bigla siyang dumami
Dumami siya ng dumami at
Nakapalibot siya sa akin
What kind of play does he want?!
"You want to kill me right? Then kill me now!"
Sabay sabay itong nagsalita
At wala akong sinayang na oras at pinagsasaksak ang bawat madaanan ko gamit ang punyal na hawak ko
"Kill me now. Because I killed her"
Patuloy ako sa pag atake habang sumisigaw dahil sa galit
"I killed her. I killed your mate"
Paulit ulit niya itong sinasabi
Muli kong pinalabas ang anino sa aking tatto pero hindi sapat ang paglamon nito dahil mas lalong dumadami ang lintik na bampirang ito pero hindi ko pa rin makita kung nasaan ang totoong siya
Napaluhod ako dahil sa pagod at sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib
"Hanggang jan kana lang ba? Hindi mo ba siya ipaghihigante?"
Damn this vampire!
I will chop his body into million pieces!!
"How I love hearing her pleading with her knees on the ground. Begging for her life. And calling your name"
Biglang tumigil ang lahat sa paligid ko ng marinig ko iyon
Bumagal ang pagtibok ng puso ko
Pabagal ng pabagal
At padilim ng padilim ang paligid ko
At nag eecho sa isipan ko ang pagmamakaawa niya
"I killed her. I killed your mate"
Naririnig ko na ang pagbalian ng buto. Nararamdaman ko ang kakaibang pagdaloy ng enerhiya sa aking sistema
May pilit kumakawala sa kaloob looban ko
"I killed her. At wala ka man lamang nagawa ng mga panahon na iyon. Panahon na kailangan ka niya. Panahon kung kailan nawala ang iyong pinakamamahal na mate sa aking mga kamay"
Ng marinig ko muli iyon ay biglang tumigil ang t***k ng puso ko at tuluyan ng nasakop ang paligid ng dilim
----Unknown POV----
"I killed her. I killed your mate"
Paulit ulit kong sinasabi iyon habang nakayuko at nakaluhod siya sa lupa
Kita ko na ang tatto sa kanyang kaliwang kamay na mabilis na gumagapang sa mismong katawan niya
Kaunti na lang
"I killed her. At wala ka man lamang nagawa ng mga panahon na iyon. Panahon na kailangan ka niya. Panahon kung kailan nawala ang iyong pinakamamahal na mate sa aking mga kamay"
Pagkasabi ko noon ay agad siyang nag angat ng tingin saakin
At napangisi ako ng makitang hindi na pula ang kanyang mga mata
Tumayo siya
Kiyang kita ang kakaibang lakas na navivibrate sa palibot ng kanyang katawan
"You want to take revenge? Why not kill me now? O baka naman hindi mo kaya?"
"Ahhhhhhhhh!!!"
Kasabay ng pagsigaw niya ay siya namang paglabas ng kadiliman sa palibot niya na mabilis na kumakalat sa paligid
Nakatingin siya saakin habang patuloy sa pagkalat ang dilim
Tinignan ko ng diretso ang puro itim niya ng mga mata
His pitch black eyes. That only one of the deadly sins can possessed
"Welcome back, Ira"