Seven Deadly Sins

2660 Words
----Keisler POV---- Bigla akong napatayo ng may maramdaman akong kakaibang pwersa Maging sila Gretel ay napalingon sa labas ng salaming bintana malapit sa kung saan kami nakaupo "Si Yael" Nagsitayuan naman na sila Finn "Hanapin na natin siya" Dali dali kaming naglakad palabas Ng makalabas kami ay nakita namin sila Priam na nasa labas ng palasyo habang nakatingin sila sa iisang direksyon Napasunod kami ng tingin nila Keena Shit! Masama ito! "Prepare the horse. We should get there" Napatingin ako kay Priam ng magsalita ito Agad naman na umalis ang kawal na kausap niya I know that they know what is happening "Puntahan na natin siya" - Gretel na mabilis na nawala sa tabi namin Maging sila Finn ay mabilis na umalis kaya't sumunod na rin ako gamit ang vampire speed namin Habang palapit ng palapit kami ay mas lalong lumalakas ang pwersang nararamdaman namin Tanaw na tanaw namin ang madilim na kalangitan sa partikular na lugar na iyon na alam naming naroon si Yael Huminto kami mga ilang metro mula sa kumakalat na dilim sa lupa Delikado kapag lumapit kami roon Nakatatayo siya sa gitna. Itim na itim ang kanyang mga mata at puno ng itim na tinta ang kanyang buong braso maging ang kanyang leeg pataas sa ibaba ng kanyang tenga Napapalibutan siya ng itim na aura at malakas na pwersa "Paano siya nagising?" - Finn Iyon din ang tanong ko sa sarili ko.. Paano siya nagising?? Hindi basta basta nawawala sa kontrol niya si Yael Magigising lamang siya kapag nagalit siya ng sobra at mawalan ng kontrol Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at sa itaas ng puno ay nakita ko ang isang bampirang nakatingin saamin Mukhang naramdaman rin iyon nila Finn kaya't lahat kami ay nakatingin na ngayon sa estrangherong bampira Seryoso lamang ang mukha nito Ang kanyang buhok ay kulay light blue. At mayroon rin siyang asul na mga mata "Sino siya?" - Keena "Hindi ko pa nakita ang bampirang iyan noon" - Finn "Sino ka? Anong ginawa mo kay Yael?!" - sigaw ko "Narito lamang ako para gisingin siya" - sagot Tama nga ako. May kinalaman siya sa nangyayari "Ngayong tapos na ang misyon ko. Kailangan ko ng umalis. Hanggang sa muli nating pagkikita" Lalapitan ko na sana siya ng mabilis siyang tumalon papunta sa kabilang puno at mabilis na nawala sa aming paningin "Saka na muna natin siya problemahin. Sa ngayon si Yael muna ang isipin natin" - Keena Muli akong napatingin sa gawi niya Delikado to, ngayon na gising na siya ----Freya POV---- Nagising ako sa kakaibang pwersang aking naramdaman Dahan dahan akong umupo sa kama mula sa pagkakadapa ko Nakatulugan ko pala ang aking pag iyak At muli na namang sumagi sa aking isipan ang katotohanang wala na siya muli sana akong hihiga upang magpalamun ulit sa isang panaginip ng mapatingin ako sa pintuan ng aking veranda ng ito ay marahas na bumukas dahil sa malakas na hangin na nagpabukas rito at doon ko natanaw ang madilim na kalangitan Naglakad ako papunta sa veranda at ng makalabas ako ay doon ko lang nakumpirmang may namumuong madilim na kalangitan sa isang lugar malapit lamang dito sa palasyo Anong nangyayari? Bakit madilim sa parteng iyon? Ayaw ko man sanang problemahin pa ang bagay na iyon. Pero may kung anong nag uudyok saakin na kailangan kong pumunta roon kaya agad akong nagpalit ng damit at mabilis na lumabas ng kwarto Nabungaran ko sila Miya at Zeyton na nakatayo malapit sa pintuan ng aking silid "Freya" Lumapit sila saakin "Anong nangyayari?" - tanong ko "Hindi pa namin masyadong alam ang detalye. Pero naandoon na ang mga Salvatory maging sila Priam" - Miya Agad ko silang tinalikuran at dali daling bumaba hanggang sa huling palapag nitong palasyo "Frey" Lumapit saakin sila Kevin at Zane Hindi ko sila pinansin at dirediretsong lumabas ng palasyo "Sky!" Tawag ko kay Sky Tumakbo ito palapit saakin at habang tumatakbo ay nag anyong malaki ito "Saan ka pupunta?" - Astrid "Kailangan kong alamin ang ngyayari roon" - sagot ko habang nakatingin sa lugar na nababalot na ng dilim "Utos nila Kyran na wag kang payagang pumunta roon kung sakaling lumabas ka sa iyong silid" - Ashton "Pero kailangan ko at gusto kong pumunta roon" Sumakay ako sa likuran ni Sky at saka siya tumakbo ng mabilis Dali dali namang binuksan ng mga kawal ang tarangkahan ng makita nila ako Lumingon ako sa aking likuran at nakitang sumunod pala saakin sila Zeyton Ng malapit na ako sa lugar ay agad kong nakita sila Priam Lumingon sila sa gawi ko "Anong ginagawa mo rito Freya?" - Kyran Bumaba ako kay Sky at saka siya hinarap "Anong nangyayari?" Lumingon ako sa likuran nila at nakita ko ang dilim na kalat na sa lupa at tumataas na rin ito At nasa gitna noon si Yael Anong nangyayari sakanya? Bakit ganyan ang hitsura niya? "We need to stop him, bago pa man tuluyang kumalat ang dilim" - Keisler "Anong nangyayari sakanya?" Bago pa man ako masagot ni Priam ay napalingon na kami kay Yael ng sumigaw ito ng pangalan ni Tamara Nakaluhod na ito sa lupa habang nakatingala sa madilim na kalangitan May kinalaman ba ito kay Tamara kung bakit siya nagkakaganito? Patuloy siya sa pagsigaw Napakunot noo ako ng makitang parang may kung anong kaluluwa ang lumalabas sa kanyang katawan Hanggang sa nakalabas na ito at lumutang ito sa ere Ano ang isang iyan? Isang lalaki na mayroon pulang pulang buhok at pulang mga mata, mayroon itong itim na mga pakpak at buntot na itim "Si-sino siya?" - tanong ko "Si Rage" - Kyran Rage?? Alam kong hindi siya isang bampira. Dahil may pakpak at buntot siya. Ramdam ko ang kakaibang pwersa na nagmumula sakanya "Sa wakas nagising na ako. Ang tagal ko ring natulog" Luminga linga ito sa paligid hanggang sa huminto ito saakin Isang ngisi ang kanyang pinakawalan Agad na pumunta sa aking harapan sila Priam at Kyran "Hahahaha wala akong gagawing masama sakanya" "Alam naming hindi mo iyon magagawa. Hawak ka pa rin ni Yael!" - Keisler "Haha alam ko. Sa ngayon, mag iinat inat muna ako" Pagkasabi niya noon ay mabilis siyang pumasok ulit sa katawan ni Yael Tumayo siya at kasabay ng pagtayo niya ay siya namang mabilis na pagkalat at pag angat ng dilim "Kailangan natin siyang pakalmahin!" - Finn Itinulak ko paalis sa daan ko sila Kyran at saka naglakad palapit doon "Freya! f**k! What are you doing?!" - dinig kong sigaw ni Saxon Pero nagpatuloy lamang ako sa paglapit doon Ng malapit na ako sa kumakalat na dilim ay agad kong pinalabas ang aking kapangyarihan mula sa aking katawan hanggang sa napapalibutan na ako ng asul na apoy Nakapasok ako sa dilim na ginagawa niya na lampas na sa aking uluhan Nagpatuloy ako sa paglalakad habang protektado ako ng aking kapangyarihan Patakbo akong lumapit kay Yael ng makita ko na siya Nakatayo lamang siya habang nakayuko "Yael!" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at saka itinaas ang kanyang mukha Dati pa rin ang kulay ng kanyang mata. Pitch black. Habang napapalibutan ang kanyang braso at leeg ng itim na tattoo "Yael! Gumising ka! Alam kong naririnig mo ako! Yael!" Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi pero walang nangyayari "Yael! Anong nangyayari sayo?" Nabigla ako ng biglang naging pula ang kanyang mga mata Pulang mata na nakita ko lamang kanina "Ikaw ang babaeng tinutukoy sa propesiya" - sambit niya Pero alam kong hindi si Yael ang nag sasalita dahil kakaiba ang boses nito kumpara kay Yael "Sino ka? Anong ginagawa mo kay Yael?" Napahakbang ako paatras ng biglang bumagsak sa lupa si Yael at saka muling lumabas ang nilalang kanina sa kanyang katawan Nakatingin siya saakin ng diretso Nag aapoy ang kanyang mga mata maging ang kanyang buhok. Ang gilid ng kanyang pakpak ay may mga maliliit ring apoy Naglakad siya palapit saakin Hindi ako umatras. Kaya ko siyang kalabanin. Hindi na ako mahina katulad ng dati Huminto siya sa aking harapan At inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan "Ira" Kumunot ang aking noo sa sinabi niya "Ako si Ira. Pero mas kilala ako sa tawag na - Rage" Tinignan ko ang kanyang kamay Dapat ko ba iyong tanggapin? Iniangat ko ang kanang kamay ko upang abutin iyon pero bigla akong natigilan ng makarinig ako ng isang boses ng lalaki sa aking isipan "Don't" Mabilis kong ibinaba ang aking kamay "May problema ba?" - tanong niya Hindi ko siya sinagot Muli na naman siyang ngumisi habang nakatingin saakin "Mukhang may nangingialam. Sapat na sa ngayon na nagkita tayo. Natutuwa akong nakita ko na ng personal ang nakatakdang reyna ng kadiliman" Mabilis akong humakbang palayo ng bigla na lang siyang nag apoy at nawala sa aking harapan kasabay noon ay siya namang unti unting pag aliwalas ng paligid Sino siya? Ano siya? At kaninong boses ang aking narinig? ----Priam POV---- "Ibabalik na namin siya sa Thespia" Isang tango lang ang ibinigay ko kay Sullivan Tumingin ito kay Kyran at saka yumuko at sinenyasan ang mga kawal niya na dalhin na si Yael na hanggang ngayon ay wala pa ring malay Pinagmasdan ko lamang sila na lumabas ng palasyo kasama ang mga Salvatory Ng makaalis sila ay lumingon ako kay Kyran "Nagising na si Rage" "Kung wala na nga si Luan. Hindi na makukumpleto ang pitong demonyo. Isa pa wala na rin si Haden. Wala tayong dapat ikabahala" - Sagot niya "Kailangan itong malaman ng mga konseho maging nila Ullyzeus at Devon" ----Freya POV---- Naglalakad ako ngayon habang nasa likuran ko sila Zeyton at Miya Kailangan kong maka usap sila Kyran kung sino ba talaga si Rage At isa pa. Naguguluhan ako. Kanino galing ang boses na narinig ko kanina Boses ng isang lalaki. Parang mula sa pinakakailaliman ang boses na iyon Ngayon ko lamang iyon narinig. Hindi ito pamilyar Ng makarating ako sa silid ng hapag kainan ay nagsitigil sila sa pagkain at sabay sabay na lumingon saakin Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan na katabi ni Astrid "Mabuti naman at naisipan mo ng kumain. Ayaw ko pa naman sa mga masyadong payat ng babae" Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Saxon "Gusto kong masagot ang mga katanungan ko" Tinignan ko ang magkakapatid na Dragomir. Alam kong masasagot nila ang tanong ko "Sino si Rage? Ira? O kung sino man siya" Napalingon ako sa gawi ni Kyran ng ilapag nito ang kutsilyong ginagamit niya sa paghiwa na nagbigay ng tunog sa tahimik na silid Sila Adreana, Xeon, Rosh at Travis naman ay nakatingin lang kay Priam Habang tahimik lang sila Kevin "He is one of the deadly sins" - Travis "Seven deadly sins?" Narinig ko na ang salitang iyan. Pero hindi ko na matandaan kung saan at kailan "Sila ang pitong dyablo na nagmula sa Demonshire" - Rosh "The irritating demons" - Khali "Nakasalamuha mo na sila?" - takang tanong ni Xeon kay Khali "Not all. Only the eating monster demon" - bagot na sagot nito habang hinihiwa hiwa ang karne na nasa plato niya "Eating monster demon?" - Dion "Gluttony" - Leila "Teka lang! Mas nalilito ako sainyo. Pwede bang linawin niyo lahat ng ito?" Muli silang napatingin sa akin "The seven deadly sins are the one who rule the Demonshire. They get energy from the weak creatures. And they love humans because they are the weakest creature in the whole universe" -Adreana "They were once ruled the human world and they spread sins by using weak humans as their instrument. Pero ng makarating ito kay Zeus, ay ginawan niya ito ng paraan upang matigil ang pagpapakalat ng kasalanan ng pitong dyablo" - Xeon "The seven deadly sins are Gluttony, Sloth, Greed, Envy, Lust, Wrath and - Pride" - Kyran Lust?? Tama! Siya nga. Kilala ko siya! Sakanya ko rin narinig ang seven deadly sins. Dahil isa siya sa mga ito "Si Rage marami siyang pangalan. Rage, Ira o si Wrath. And as his name implies, He is the demon of anger" - Xeon "Bakit siya nasa katawan ni Yael?" "Ang pitong dyablo ay mayroong master na sinusunod. Iyon ang paraan ni Zeus upang mabawasan ang gulong dulot nila. At ang dyablong si Rage ay kay Yael. Dahil si Rage ay isa sa mapanganib na dyablo kinailangan siyang ikulong ni Yael sa katawan niya" - Priam "Ang natitirang mga dyablo? Nasaan sila?" "Na kay Devon si Gluttony at Si Greed ay na kay Ullyzeus" - Kevin "Si Sloth naman" Tumingin si Priam kay Kyran na tahimik lang na nakaupo "Ay na kay Kyran" Kay Kyran? "Ibig sabihin nasa katawan mo rin ba ang dyablong si Sloth?" - Zane "Naka depende sa dyablo at sa master nila kung gusto nila silang ikulong. Si sloth ang dyablo ng katamaran. Madalas siyang tulog kaya hindi siya problema ni young master. Isa pa kaya siyang pasunurin ni Young master. Hindi siya isang banta" - Dion "At si Lust naman" "Si Lust ay kay Haden" - pagpuputol ko sa sasabihin ni Rosh "Nagkita na kayo?" - Saxon "Oo. Noong kinuha ako ni Haden" "Tanging sila Greed, Ira at Pride lang ang nakakulong na mga dyablo" - Leila "Samantalang ang dyablong si Envy ay hindi namin alam kung na kanino siya. Even my father and mother didn't know it. Isa pa matagal ng hindi nakikita ang dyablong si Envy" - Kevin "Delikadong mabuo silang pito. They can rule over this world and even human world again if they want it to. Pero hindi na iyon problema. Dahil kapag namatay ang master nila habang nasa katawan sila nito ay mamamatay rin sila. Maliban kay Lust. Hindi siya nakakulong sa katawan ni Haden at ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan kung nasaan siya" - Priam "Kinulong sila dahil delikado sila. Lalo na ang dyablong si Pride. He is consider as the father of all the sins, because Pride is the first Demon that Exist. He is known as Vanity and Superbia" - Travis "Pero ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang vanity. Hindi raw siya babae" - ismid na sambit ni Rosh "Pride is very dangerous demon. He is the demon that caused Lucifer to fall from heaven into hell" - Saxon "Kung ganon. Na kay kanino nakakulong si Pride?" - tanong ko Siguro ay nasa isa sa mga prinsipe rin ng Dark Empire ang dyablong si Pride Pero kanino? Bigla naman silang napatahimik Maging sila Astrid ay hindi rin kumikibo. Mukhang maging sila ay kilala rin ang pitong dyablo. Maliban saamin ni Zane Tinignan ko sila isa isa pero mukhang wala silang balak sumagot Ano bang problema nila? "Kyran. Kanino nakakulong si Pride?" Bumuntong hininga muna siya bago tumingin ng diretso saakin "Kay Luan" Third Person POV Makikita sa madilim na kwarto ang isang lalaki na prenteng naka upo sa isang upuan kaharap ang isang mesa "Ano ng balak mo ngayon panginoon? Ngayong nagising na si Ira?" Tumingin ang lalaki sa babaeng naka upo sa kaharap niyang upuan Nakasuot ito ng kulay berdeng saya. Mayroon itong kulay lumot na paalon na buhok na hanggang likuran. At maaaninag rin ang kanyang kulay luntiang mga mata dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan na nakasilip sa malaking salaming bintana na nasa gilid ng kanilang pwesto "Ang bampirang pinatitignan ko sayo. Hindi pa rin ba siya sumasagot sa mga mensaheng ipinaaabot ko sakanya?" Isang malalim at malamig na boses ang sumagot sa babae na mula sa lalaking kaharap "Hindi pa rin. Pero mukhang nakukuha niya na ang ibig mong sabihin" "Siguradong alam niya na simula pa lang ng matanggap niya ang una kong mensahe" - ani ng lalaki "Panginoon ano ng balak mo ngayon?" - tanong ng babae Ipinitik ng lalaki ang kanyang dalawang daliri sa hangin at agad na nagsi-apoyan ang mga sulo na nakasabit sa mga pader Nilapit niya ang kanyang kaliwang kamay sa ibabaw ng mesa at saka iyon ipinadaan sa hangin sa ibabaw noon at lumabas naman ang isang bagay na malawak na hugis kwadrado sa ibabaw ng mesang gawa sa purong pilak "Magsisimula na akong ayusin ang aking mga pyesa" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD