----Devon POV----
Itinaas ko ang hawak kong tasa at saka marahang uminom doon habang panay sa pagsalita si Serena
"Bumabalik na naman ang problema natin sakanya. Kahit sa karatig na palasyo ng Valhalla nakakarating siya"
Hinahayaan ko lang siya sa kakasalita
Magsasayang lang ako ng enerhiya kapag pinatulan ko pa
"Nakikinig ka ba Devon?"
Tinignan ko siya na nakapamaywang na habang nakatayo sa harapan ko habang nasa bibig ko pa ang tasang hawak ko
Napabuntong hininga na lang siya ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang aking mensahero
Inilapag ko naman ang tasang hawak ko sa mesang nasa harapan ko
"Prince"
Yumuko ito saakin at saka may iniabot na kulay itim na sulat
Kinuha ko iyon at saka siya umayos ng tayo
"Galing po ang sulat na iyan sa palasyo ng Parua"
Nakakunot noo namang nakatingin lang sa sulat si Serena na ngayon ay nakaupo na
Binuksan ko ang sulat at saka iyon binasa gamit ang aking isipan
"Makakaalis ka na"
Yumuko ito bago lumabas ng silid
"Gluttony" - tawag ko
agad namang lumitaw sa gilid ng inuupuan ko ang isang lalaki na mayroong kulay kahel na buhok at kahel na mga mata
"Panginoon bakit mo ako tinawag?"
Nakita ko ang pag ismid ni Serena habang nakatingin sa dyablo na may hawak hawak na dalawang kumpol ng ubas
Si Gluttony ay isa sa pitong dyablo. Pero ngayon nasa anyo siyang tao na siyang mapanlinlang nilang anyo
"Nagising na si Ira"
"Ahh oo. Naramdaman ko ang lakas niya kahapon. Nakita ko rin kahapon ang unang prinsipe ng Thespia at mayroon silang dalang karwahe galing sa Parua Abellon" - sagot nito habang ngumunguya
"Kita mo na! Galing ka nanaman sa ibang palasyo! Padadalhan na naman tayo ng sulat nila Malvolia dahil sa katakawan mo!" - hasik ni Serena
Si Gluttony ang dyablo ng katakawan
Pero kahit panay siya sa kakakain hindi siya mataba
Tulad ng ibang dyablo mayroon siyang magandang pangangatawan
"Alam mo naman na natural iyon saakin. Hindi ko na iyon mababago Serena" - sagot nito at saka inisang subo ang natitirang kumpol ng ubas na hawak niya
Wala akong dapat ipag alala kay Gluttony. Hanggat may pagkain siya hindi siya magiging problema. Hanggat kontrolado ko siya hindi siya magiging mapanganib
Isa pa malimit silang nasa mundo ng mga mortal upang doon kumuha ng lakas
Ang malaking problema ngayon ay ang pagkagising ni Ira
Isa siya sa hindi makontrol na dyablo
At sigurado akong nagpadala na rin ng sulat sila Kyran kay Ullyzeus
Dahil maaaring magising na rin ang dyablong nasa katawan niya
---Saxon POV----
Pinaglalaruan ko ang hawak kong kopita na may lamang dugo habang prenteng nakaupo sa ibabaw ng balustre habang nakatingin sa mga nagdadatingan na bampira at Light Empire sa ibaba
Maraming bisita para sa gagawing seremonya mamayang gabi
Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang bampirang yun
Ang bampirang minsan kong naging kaibigan at naging kaaway
Ang hina niya. Bakit niya hinayaang patayin siya ng ganun ganun na lang?!
Kung sino man ang nilalang na may gawa niyon sakanya. Sisiguraduhin kong matitikman niya ang mga baraha ko
"Naandito pala ang baliw na prinsipe ng Sirona"
Napalingon ako sa aking tagiliran
At isang ngisi ang pinakawalan ko ng makita ko kung sino ang bampirang nakatayo ilang metro ang layo sa pwesto ko
"Kung ganun ay nakarating na pala ang mga Arundell dito sa Parua"
Tumalon ako pababa ng balustre at saka umayos ng tayo
"Di ko akalain na kumukupkop na pala ng mga baliw ang mga Dragomir" - ismid na sambit niya
"Bakit mo nga pala ako kinakausap? Hindi ba malinaw ang huli nating naging pag uusap? Na ayaw na ayaw kong lumalapit ka saakin?" - tanong ko sakanya
Naglakad siya palapit saakin
"Bakit? Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin matanggap na hindi ako kayang mabihag ng kapangyarihan mo? That your pheromone ability is useless when it comes to me" - may himig niyang tugon
Tinignan ko siya ng seryoso at nakatingin lang din siya saakin
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nilampasan ko siya at saka naglakad palayo
Ayaw na ayaw ko siyang lumalapit saakin. Dahil sa tuwing nasa paligid siya may kakaiba akong nararamdaman. At hindi ako pwedeng mabihag ng nakakaakit niyang kagandahan
We have the same ability. I can attract whoever I want to, considering that she is not already mated. And she can also attract any guy because of her beauty and she also have ability like mine because she is the daughter of the goddess of Love
And I don't want to lose on her
I dont want to fall in this false feeling
I dont want to fall on her trap. On her beauty. On Keres Arundell's beauty
----Miya POV----
Tahimik lamang kaming nakatayo ni Zeyton malapit sa pintuan ng kwarto ni Freya
Wala kaming kibuan dahil si Zeyton ang taong hindi naman talaga palasalita
Madalas akong napapasulyap sakanya lalo na at madalas siyang nakapikit habang nakasandal lang sa pader
"Zeytonnnnnnn!!!"
Naitakip ko sa aking tenga ang aking kamay ng marinig ang matinis na sigaw na iyon
Napamulat naman agad si Zeyton at sabay kaming lumingon sa direksyon kung saan ay may tumatakbong babae
Agad nitong dinamba ng yakap si Zeyton na nakapagpainit ng dugo ko!
"Haixt!! Get off of me Sumiri!" - inis na sambit ni Zeyton habang pilit na inilalayo niya sa kanyang katawan ang higad. Argh!
"Wahhhh I mish you Zheyton!"
Dang! Makapapatay ako ng ahas! Kung makalingkis!
"Sumiri!"
Lumingon si higad sa tumawag sa pangalan niyang nakakasuka
Kinuha naman ng pagkakataon iyon ni Zeyton at agad na lumayo sa higad
"Ares! Bakit mo isinama dito si Sumiri?!" - inis na tanong ni Zeyton sa kapatid niya
"Nagpumilit siya" - Ares
Natatandaan niyo pa ba ang kapatid niyang si Ares? Ang susunod na hari ng Elesio
At akalain mo nga naman buhay pa pala tong higad na ito
"Zeyton! Bakit hindi ka na bumibisita sa Elesio?!" - nakangusong wika nito
Hindi lang pala siya higad. Pato rin siya!
"Lower your voice. Nasa tapat tayo ng kwarto ng PRINSESA"
Sinadya ko talagang i-emphasize ang huling salita ng malaman niyang wala siya sa teritoryo niya!
Lumingon siya saakin at saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa
Aba!
"Siya ang isa sa mga tagabantay hindi ba? Ngayon hindi na ako magtataka kung nababagot dito si Zeyton" - maarteng sabi nito
Agad kong binunot ang punyal sa tagiliran ko at saka siya nilusob pero agad siyang nagtago sa likuran ni Ares
"That's enough" - Ares
Napataas ako ng kilay ng makitang pinagmamasdan niya ako ng maigi
"Ares"
Napalingon naman si Ares kay Zeyton ng tinawag siya nito
"Akala ko talaga ay hindi kana makakaahon sa pagkakahulog sakanya"
Napakunot noo ako habang nakatingin sa kanilang dalawa
Ano namang pinaguusapan nila?
"Nasabi mo na ba sakanya?"
"Wag mo akong pangunahan Ares"
"Haha okay okay. Diskarte mo na iyon"
Lumingon ulit saakin si Ares
"Gusto ko palang imbitahan ka sa nalalapit naming kasal ni Sumiri"
Napaawang ang aking labi ng marinig iyon
S-siya at s-si higad ay ikakasal?!
Napatingin ako kay Sumiri na nakangiti na saakin ngayon habang nakayakap sa braso ni Ares
Bigla naman akong nakaramdam ng tuwa!
Daig ko pang nakasalba sa isang malubhang karamdaman!
"Aasahan ko ang pagdalo mo kasama si Zeyton" - Ares
"Yeahh!! Aasahan ka namin roon at Zeyton alam mo na"
Kinindatan niya si Zeyton. Habang ako ay hindi ko talaga alam kung ano ang pinag uusapan nila
"Baba muna kami. Alalahanin mo Zeyton, nasa huli ang pagsisi. Wag mo ng pakawalan"
Napalingon ako kay Zeyton
"Yeah. Gagawin ko" - sagot niya at saka tumingin saakin
----Astrid POV----
Marami ng mga bisita. Iba't ibang nilalang na dadalo para sa gagawing seremonya maya maya lang
Narito na rin ang tatlong crown ng Light Empire
Nakasuot ng asul na saya si Princess Kora at naka pula naman si prince Zephyr habang nakaputi si Price Crayon
Narito na rin ang dakilang si Lazarro Gregory
Ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos umalis si Luan dahil na rin sa paghihinagpis niya sa pagkawala ng kanyang asawa. Si Nathalie Gregory
Napalingon ako sa bungaran ng palasyo. Nakatingin na rin roon ang karamihan
Nasa bungaran ng palasyo ay makikita ang papasok na mga lobo sa pangunguna ni Alpha King Grey
Nasa kanan niya si Bliss at si Beta Rue ay nasa kaliwa naman niya
May tatlo pang nasa likuran niya na sumisigaw rin ng awtoridad
Mga Alpha
Agad na sinalubong sila ng magkakapatid na Dragomir
Tumabi naman si Rosh kay Bliss
Sinong mag aakalang magiging kalahati ng kanyang kaluluwa ang immortal na kalaban ng kanilang lahi
Pag ibig nga naman. Hindi mo talaga malalaman kung kanino ka mabibihag at kung sino ang makakatuluyan mo
Kadalasan mapapaibig ka pa sa nilalang na hindi mo kauri
Parang ako lang
Nilinga linga ko ang paligid at hinanap ng aking mga mata ang partikular na bampira
Hanggang sa napunta ang tingin ko sa mahabang hagdan
Napatitig ako sakanya habang bumababa siya
At habang nakatingin ako sakanyang mukha ay muling sumagi sa aking isipan ang unang araw na makita ko siya
~flashback
"Astrid wag na wag kang pupunta sa may hangganan. Delikado naiintindihan mo ba?"
Tumango naman ako na limang taong gulang pa lang noon samantalang anim na taon ang kapatid kong si Ashton
Naglalakad lakad ako noon ng makakita ako ng maraming bulaklak
Agad akong tumakbo papunta roon
Nakakita ako ng maraming paru paro at sinundan ko iyon at hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa lupain na sakop ng Elonia Majestica
Babalik na sana ako noon ng pagtalikod ko ay nakita ko ang apat na nilalang na nakaharang sa aking daraanan
Nakangisi sila habang nakatingin saakin
Kita ang mga pangil nila at nagsisipulahan na rin ang kanilang mga mata
"Anong ginagawa ng magandang bata rito?" - sambit ng isa sakanila
"Mabango ang kanyang dugo. Hindi ko mamasamain kung apat tayong maghahati hati sakaniya" - sambit naman ng isa na inaamoy amoy ang hangin habang nakapikit
Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil alam ko kung ano ang mga nilalang na nasa aking harapan
Mga bampira. Immortal na kalaban ng mga Light Empire
Ginawa ko noon ang alam kong kaya kong gawin
Mabilis akong tumakbo palayo kahit pa napakabagal kong tumakbo dahil sa maiiksi ko pang mga paa
Rinig ko naman ang kanilang tawanan
Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa matalisod ako ng ugat ng isang puno
Umiiyak ako noon na lumingon sa aking likuran kung nasaan nakatayo ang mga bampirang gustong sipsipin ang aking dugo
Lalong pumula ang kanilang mga mata ng mapatingin sila sa aking tuhod na ngayon ay dumudugo dahil sa sugat na nakuha ko mula sa pagkakadapa
"W-wag po"
Pagmamakaawa ko noon pero tila wala silang naririnig
Napasigaw na lang ako noon ng sabay sabay silang tumakbo palapit saakin
Pero nabigla ako ng may mabilis na hangin ang dumaan sa aking harapan
Biglang natigilan ang mga bampira
Pinagmasdan ko ang likuran ng lalaking nasa aking harapan
Kita naman ang takot sa mga mata ng apat na bampira
At wala pang ilang segundo ay mabilis na nawala sa aking harapan ang lalaki at narinig ko na lamang ang mga sigawan ng apat na bampira
Kitang kita ko kung paano pinatay ng lalaki ang apat na bampira sa loob lamang ng limang segundo
Nakaawang ang aking maliit na bibig habang nakatingin sa mga abong nagsisiliparan na sa hangin habang nakatayo patalikod saakin ang estrangherong lalaki
Unti unti itong humarap sa gawi ko
At noon ko nakita ang pinakagwapong nilalang
Nililipad ng hangin ang kanyang mahabang pulang buhok. Matangkad at may magandang pangangatawan. Mapupulang labi na kasing pula ng dugo. At namumulang mga mata
Isa siyang bampira
Pero hindi ako nakaramdam ng takot sakanya
Lumapit siya saakin at namalayan ko na lamang na karga karga niya na ako
Humahampas sa aking mukha ang hangin dala ng mabilis niyang pagtakbo
At wala pang ilang segundo ay nasa tapat na kami ng hangganan ng Elonia Majestica
Marahan niya akong ibinaba na nakapagpalungkot saakin
Parang ayoko ng umalis sa kanyang mga bisig. Kung maaari nga lang
nakatingin lamang ako sakanya
At tinatandaan ang bawat parte ng kanyang mukha
Ngayon ay hindi na pula ang kanyang mga mata. Kulay itim ito na parang abo
Bumaba ang tingin niya saaking tuhod at mulibg namula ang kanyang mga mata
Lumapit ako sakanya at saka inilahad ang aking mumunting kamay
Kumunot naman ang kanyang noo na lalong nakapagpadagdag sa kanyang kakisigan
"Bilang pasasalamat ko sa pagligtas mo saakin"
Alam kong tanging dugo ko lamang ang maiaalay ko sakanya
Wala pang ilang segundo ay hawak niya na ang aking maliit na kamay
Namilog ang aking mga mata ng makita ang mahaba at maputi niyang pangil
Nakatingin lang siya saakin at saka ibinaon ang kanyang pangil sa aking mumunting daliri at saka sumipsip ng marahan doon
Mabilis lang ang ginawa niyang pagsipsip at saka binitawan ang aking kamay
Humakbang siya palayo saakin
"Hanggang sa muli nating pagkikita, me Deesses"
Pagkasabi niya noon ay bigla nalang siyang nawala kasabay ng pagsabog ng mga petals ng pulang rosas sa kanyang kinatatayuan
Pinulot ko naman ang pulang rosas na nasa aking paanan
At nakangiting inamoy ang halimuyak noon
~End of flashback
Hindi ko akalaing makikita ko siya ulit. Muli ko siyang nakita noon na kasama ni Freya ng mapunta sila sa Elonia Majestica
Hindi ko alam kong natatandaan niya pa ang batang tinulungan niya noon
Hindi ako sigurado kung natatandaan niya pa ako
Pero siya. Hinding hindi ko siya nakalimutan. Hinding hindi ko nakalimutan ang bampirang nagligtas saakin noon
He's not only my savior...
But also my First love
----Freya POV----
Hinahaplos ko ang kumot ni Luan habang naka upo sa kanyang kama
Ang kama kong saan ako nagising at nabungaran ang kanyang napakagwapong mukha
Naalala ko ang kasabihan noon na nabasa ko sa isang libro
The first snow is like the first love
Noon ay hindi ko pa alam ang pakiramdam na iyon. Until I met him. Until I feel his snow beneath my skin. Until I feel his love. Until he showed me the real meaning of the snow
Siya ang unang nagpakita at nagpadama ng nyebe saakin
Siya ang unang nagpakita at nagpadama kung ano nga ba talaga ang pag-ibig
At siya lang ang gusto kong makasama habang umuulan ng nyebe
Ang aking prinsipe lamang... my one and only snow prince...
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya saakin at saka iyon pinagmasdan
Ang kwintas na may patuloy na umuulan ng nyebe
The endless falling of snow. That reminds me of his endless love on me
Napaangat ako ng mukha ng marinig ang malumanay na tunog ng kampana na pumupuno sa paligid
Ngayon ang seremonya bilang pagpapaalam at pagbigay galang sa kanya. Bilang huling pamamaalam sa yumaong hari ng kadiliman
Pero hindi ako dadalo. Hindi ako pupunta sa seremonya.
Bakit ako pupunta roon kung hindi pa ako handang magpaalam sa kanya
Kung hindi ko pa kayang bitawan ang mga alala ng aking prinsipe
Kung hindi ko pa siya kayang bitawan
At hindi ko alam kung darating nga ba ang araw na makakaya ko na iyong gawin
Hindi ko alam kong magagawa ko pa bang makaahon
Makaahon na hindi na siya kasama
Hindi ko alam...