Finding Queen's Next Mate

2278 Words
IMINULAT ko ang aking mata ng may tumamang sinag ng araw sa aking mukha Nakatulog pala ako sa kanyang kama Teka bakit nga pala may sinag ng araw sa loob ng kanyang kwarto? Napatingin ako sa veranda na malapit sa kama ni Luan at nakitang nakabukas iyon Ang pagkakatanda ko ay nakapinto iyon kagabi Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok roon at pumasok si Adreana "Mabuti naman at gising kana. Maghanda ka. Hihintayin ka namin sa ibaba" Tatalikod na sana siya ng muli siyang lumingon saakin "Nasa ibaba pala ang buong Dark council. Hintayin ka namin" Pagkasabi niya noon ay saka siya lumabas ng silid Buong Dark Council? Malimit mga konseho lang ang napunta rito May iba pa bang kasama ang mga konseho kaya sinabi ni Adreana na buong Dark council ang narito? Matapos kong maligo at mag ayos ay bumaba na ako kasama sila Miya at Zeyton Ng makarating ako sa silid kong nasaan sila ay agad kong inilibot ang aking paningin Ang narito lamang sa silid ng pagpupulong ay ang mga magkakapatid na Dragomir at si Saxon. Narito rin ang limang mga konseho at isang lalaki na ngayon ko lang nakita Nakasuot rin siya ng kapa katulad ng limang konseho Nakaupo ito sa pinakadulo ng mesa habang nasa magkabila niya ang limang konseho At kaharap niya si Kyran na nasa kabilang dulo nitong mesa Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa kanang upuan ng inuupuan ni Kyran habang kaharap ko si Priam na katabi si Saxon at Travis Nasa tabi ko naman si Adreana na katabi naman sila Xeon at Rosh "Maaari na ba tayong mag umpisa?" - sabi ng isa sa mga konseho Tumango naman si Kyran "Unang una. Gusto ko munang magpakilala sa nakatalagang reyna ng Dark Empire" Tumayo ang lalaking bampira na nasa pinakadulong upuan "Ako nga pala si Lord Valentino Auzerwalt, ang pinuno ng konseho" Siya ang pinuno ng Dark Council? Pero mas bata siyang tignan kumpara sa limang konseho. Kahit pa hindi pa naman talaga matanda ang hitsura nila dahil isa silang bampira Pero ang lalaking ito na nagngangalang Valentino ay kasing bata lang tignan katulad nila Kyran at Priam Mayroon siyang dark brown na buhok na nakaayos sa kanang bahagi ng kanyang ulo Mayroon siyang kulay itim at kulay lime na mga mata at kasing tangkad lang rin siya nila Priam "Nagagalak kong makilala ka" - sagot ko Ngumiti ito saakin bago umupo at tumingin kay Kyran "Bilang ikatlong anak ni Magnus kay Persephone. Awtomatikong ikaw ang magmamana sa koronang naiwan ni Luan" Si Kyran. Siya ang itinatalagang maging sunod na hari Tumingin naman sa gawi ko ang limang konseho maging si Valentino "At bilang ikaw ang nakatakdang maging reyna ng Dark Empire. Awtomatikong kayong dalawa ang kokoronahan" Sabay kaming napatayo ni Saxon sa sinabi niya "What the hell are you saying? Pakakasalan ni Freya si Kyran?!" - Saxon "Iyon ang nararapat" - Isang konseho "Kailangang may pumalit na mate sa kanya. She is now unmated" - isa pang konseho "Delikado sakanya kapag wala siyang mate. Maraming nilalang ang magtatangka sakanya. Alam naman natin ang kagandahan kanyang taglay. Maraming nahuhumaling sakanya na maaaring kunin siya" - ikatlong konseho "Isa pa. Kailangan niya pa ring ipagpatuloy ang nakaatang sakanyang tungkulin. Siya pa rin ang babae sa propesiya. Ang magbabalanse ang mundong ito. At magagawa niya lamang iyon kapag may lalaking nasa tabi niya" Nahihibang na ang mga konsehong ito! Paano kung may mate si Kyran?! Paano nalang siya Isa pa. Hindi ko lubos maisip ang sarili ko sa piling ng ibang lalaki "Hindi ako papayag!!!" - Saxon at saka hinampas ang mesa "Hindi namin hinihingi ang iyong pagpayag dito prinsipe ng Sirona" - konseho "Magiging hindi patas iyon sa parte ni Freya" - Saxon magsasalita sana ulit ang isa sa konseho ng itinaas ni Valentino ang kanang kamay niya na nakapagpatigil sa mga ito "May huwestiyon kaba pangalawang prinsipe ng Sirona?" - Valentino Pangalawang prinsipe?? "Magtalaga kayo ng isang pagpipili. Pagpipili ng nararapat para maging mate ni Freya" Anong pagpipili?? Hindi man lang ba nila tatanungin kong gusto ko iyon??! "Sinasabi mo bang pati ang pagiging hari ni Kyran ay maaari ring mapalitan ha Saxon?" - Adreana "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi maaapektuhan ang pagiging sunod na hari ni Kyran sa mapipiling maging kalahati ni Freya" Kalahati. Si Luan lamang ang tanging para saakin! "Anong kahibangan iyan Saxon?" - Priam "Hayaan niyong bigyan ng pagkakataong makapili si Freya" - Saxon Natahimik naman ang lahat sa loob ng silid "Sige. Gawin natin ang kuhestiyon mo" - Valentino Napalingon ako kay Saxon na ngayon ay nakangiti habang nakatingin kay Valentino "Salamat kung ganun" Anong binabalak ni Saxon?? ----Yael POV---- Napabalikwas ako ng magising ako sa isang masamang panaginip "Mabuti naman at gising kana Yael" Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakaupo sa upuang nasa sulok ng aking kwarto si Malvolia "Anong ngyari? Bakit ako nandito" - tanong ko habang sapo ang aking noo Tumayo siya at lumapit saakin "Dalawang araw ka ng walang malay" Dalawang araw?! "Hindi mo nakontrol ang sarili mo" "Anong ngyari?" Hindi naman sana tama ang naiisip ko "Nagising na si Rage" Shit! This is f*****g s**t! Ang bampirang un! Ang bampirang nagdala ng balita saakin! Siya ang may kasalanan nito! Napatingin kami ni Lia sa pintuan ng bumukas iyon "Uhh.. Yael! Gising kana!" Tumakbo palapit saakin si Zurie at saka ako niyakap "Gusto mo ba ng dugo? Kukunan kita at dadalhin ko rito" - alok niya "No. Iwan niyo na lang muna ako" Tumayo na siya at saka sila lumabas ni Lia sa kwarto "Wrath!" - tawag ko at wala pang tatlong segundo ay nasa gilid na ng aking higaan ang dyablong tinawag ko Nasa anyong tao ito. Kung titignan mo ay mas mapagkakamalan mo pa itong bampira Kulay pula ang mga mata ganuon din ang kanyang buhok Pero wala ang kanyang pakpak maging ang kanyang buntot "Panginoon. Nagising kana pala" "Anong ginawa mo ng oras na nagising ka?" Unti unti namang sumilay ang isang ngisi sa mukha niya "Maganda pala talaga ang babae ng propesiya" Wala pa sa isang segundo ay nasa pader na ang likod ng dyablo habang ang aking kanang kamay ay nasa kanyang leeg "Anong ginawa mo kay Freya?!" "Panginoon, wala akong ginawang masama sakanya. Kamuntikan lang" Idiniin ko ang aking kuko sakanyang leeg pero hindi man lang nag iba ang ekspresyon sa kanyang mukha "Sabi ko nga, kamuntikan lang. Hindi ko nahawakan ang kanyang kamay" Ang dyablong ito! Balak niya pang biktimahin si Freya! Ang mga dyablo ay tuso. Ang makipag kamay sakanila ay isa ng napakadelikadong desisyon Inialis ko ang aking kamay sa kanyang leeg At saka siya umalis sa pader na ngayon ay basag na dahil sa pagkakatama niya roon Naglakad ako palapit sa bintana ng akibg kwarto "Nabalitaan kong patay na ang hari ng kadiliman" "Nanghihinayang ka ba dahil hindi na kayo muling mabubuo?" - tanong ko at saka humarap sakanya Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng aking kama "Sinong nagsabing hindi na iyon mangyayari" "Alam mong kapag namatay ang nagmamay ari sainyo ay kasama kayong mamamatay" Biglang nag apoy ang kaniyang mga mata habang nakatingin saakin "Baka nakakalimutan mong si Pride ang dyablong nasa katawan niya" Kumunot ang aking noo "Iniisip mo bang hahayaan ni Pride na mamatay ang kanyang pinaglilingkuran?" Ano bang pinagsasasabi ng dyablong ito? Ano ang ibig niyang sabihin? "Si Pride ang dyablo ng lahat ng dyablo. At si Luan ang hari ng mga bampira. Sa tingin mo sinong may kakayahang magapi ang pinagsamang pinakamalalakas na kampon ng dilim?" ----Kyran POV---- "Naipamalita na sa buong emperyo ang gagawing pagpipili" - Adreana Magkakaharap kami ngayon sa silid ng pagpupulong "Isang linggo ang nakalaan sa pagpipiling magaganap. Uumpisahan ang araw ng pagpapakilala bukas na bukas rin" - Rosh "Kamusta na pala si Freya?" - tanong ni Xeon "Kinukulong niya pa rin ang sarili niya sa kanyang kwarto" - Sagot ni Zeyton "Hindi gusto ni Cass ang mangyayaring pagpipili. Hindi man lamang ba inisip ng konseho ang nararamdaman niya?" - Zane "Zane, iyon ang tradisyon. Kailangan niya ng kalahati. Hindi siya ordinaryong bampira lang. Nakaatang siya bilang maging reyna" - Kevin "Isa pa iyon rin ang tradisyon sa Light Empire. Dapat alam mo iyon Iver" - Ashton "Alam ko!! Pero ang mundong ito ay nagdadala ng kalungkutan sakanya! Ang mundong ito ang nagpapahirap sakanya! Ang mga hindi makatarungang mga tradisyon!" "Maghinay hinay ka sa mga pinagsasasabi mo water bender" - Travis magsasalita pa sana si Zane ng magsalita na ako "Magsitigil kayo" Agad na naupo si Zane at saka tumahimik "Napagdesisyunan na iyon ng dalawang emperyo. At iyon ang tradisyon" "Sinu sino naman ang sasali sa pagpipili?" Lumingon ako sa gawi ni Astrid Nakatingin siya saakin pero agad ring nag iwas ng tingin "Balita ko. Ang dalawang crown ng Light Empire ay lalahok" - Ashton "Ano?! Pati ang hambog na prinsipe ng tubig?!" - Adreana "Uh oo, bakit grabe kana man kung makapag reak Adreana?" - Ashton "May problema ba Adreana?" - Xeon "H-ha? W-wala" - sabi nito at saka umupo "Sasali ako sa pagpipili" Napalingon kami sa gawi ni Grey Inaasahan ko na iyon "Me too" - Kevin Agad na napalingon sakanya si Zane Psh. Hindi ba nakikita ng prinsipe ng mga Gregory ang babaeng matagal ng may pagtingin sakanya? "Sa atin?" Napatingin ang lahat kay Priam "Sinong sasali saatin sa pagpipili? Mas mabuti kong tayo ang makukuha. Matitiyak natin ang kaligtasan ni Freya" "Priam, lahat kayo ay may mate! Hindi maaari iyon alam mo yan. Isa pa hindi ba't hinahanapan mo pa ng paraan upang mabuhay si Eliza?" - Adreana "Alam ko. Pero -" Hindi natuloy ni Priam ang sasabihin niya ng tumayo ako Maging si Dion ay tumayo na rin "Ako. Ako ang sasali sa pagpipili" Lahat sila ay nakatingala saakin Nakaramdam rin ako ng kirot sa aking puso na alam kong hindi galing saakin pero hindi ko iyon pinansin. Naglakad na ako paalis ng kwartong iyon habang nasa likuran ko si Dion "Young master, sigurado po ba kayo sa desisyon niyo? Paano siya?" "Sigurado na ako" Simula pa lang sa umpisa gusto ko na siya. Bago ko pa man nalamang may nakalaan saakin. Bago ko pa man makilala ang babaeng nakalaang maging kalahati ko ----Saxon POV---- "Yahhh!" Binilisan ko ang pagpapatakbo ko sa aking kabayo hanggang matanaw ko na ang tarangkahan ng aming palasyo Ng malapit na ako ay dali daling binuksan iyon ng mga kawal Pagkapasok ko ay dali dali akong tumalon pababa at saka pumasok sa loob Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong nadatnan na naglalakad pababa ng hagdan ang dalawa kong kapatid "Ohh himala at narito ang aming kapatid" - Jaron "Bakit? Are you triggered with my presence?" - ngising sagot ko "Hahaha kahit kunin mo na ang lahat ng babae dito sa Sirona Saxon. Wag lang si Jamelle" - sambit nito at saka ako tinitigan ng masama Psh. Iiwan lang siya nun "Nasaan si Cleon?" - tanong ko kay Zorex "Nasa kanyang trono. Kinakausap si Cyano. Alam mo naman na ata ang pagpipili hindi ba? Sayang gusto ko pa naman sanang sumali" - Zorex Sinamaan ko na lang sila ng tingin at saka sila nilampasan at dali daling tumungo sa silid ng trono ni Cleon Sabay silang napalingon saakin pagkapasok ko Tumabi ako sa nakaluhod na si Cyano habang nakaharap sa nakaupong si Cleon na nasa taas ng kanyang trono "Ano't napauwi ka sa ating palasyo Saxon?" - Cleon "Ako ang sasali sa pagpipili" - sagot ko "Pero si Cyano na ang kakatawan sa ating palasyo" "Pero gusto kong ako ang sasali Cleon!" Tumayo si Cyano mula sa pagkakaluhod "Psh. Always a brat ehh?" - bulong nito na nginisihan ko lang "Saxon. Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang namamahala rito at ako ang unang ipinanganak. Nakalimutan mo na ata talaga kung paano rumispeto" Nakita ko ang paglandas ng kulay abo sa kanyang mga mata Alam kong nagalit ko na naman ang aming kapatid "At baka nakakalimutan mo na rin atang ako ang pangalawang prinsipe ng Sirona" Narinig ko naman ang paghalakhak ni Cyano Psh. Oo ako ang pangalawang prinsipe ng Sirona Tanging ang nakakaalam lang nito ay ang mga kalapit ng palasyo Ang iba ay ang alam ay si Cyano ang pangalawang prinsipe at ako ang pangatlo Madalas iyon ang alam ng iba lalo pa't ilang araw lang akong naunang isilang bago si Cyano Lalo na ang hangal na si Alsimere. Nalito na rin siya sa aming dalawa ni Cyano Patuloy lang sa pagtawa si Cyano habang seryosong nakatingin lang sakanya si Cleon "Owhh. Paumanhin kamahalan sa aking biglaang pagtawa. Haha natatawa lamang ako kay Saxon. Bakit naman ata biglaan ang paggamit mo ng iyong posisyon kapatid?" "Gusto kong ako ang sumali sa pagpipiling iyon!" - sigaw ko sakanya Kakasabi lang eh! Paulit ulit! Tumingin muli ako kay Cleon na ngayon ay saakin na nakatingin Iniluhod ko ang kanang tuhod ko sa sahig habang nakatingin sakanya "Kamahalan, bilang pangalawang prinsipe ng Sirona. Hayaan niyo sanang ako ang sumali sa pagpipili" - sambit ko bago yumuko Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang mahinang pagtawa ni Cleon Kunot noong tumingala ako sakanya "Hahahaha, hindi ko akalaing siya lang pala ang makakapagpatino saiyo ng ganyan Saxon" - Cleon "Psh. Sadyang kakaiba nga ang babae ng propesiya" - Cyano Tumayo si Cleon at sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya habang may hawak ng espada inilapat niya ito sa aking kanang balikat "Bilang unang prinsipe ng Sirona. Ibinibigay ko ang basbas ko sa iyo" Inilipat niya naman iyon sa aking kaliwang balikat "Nawa'y makamit mo ang gusto mong makamit, aking kapatid" Bahagya akong yumuko "Gagawin ko. Gagawin ko ang lahat kamahalan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD