----Freya POV----
Nakatulala lamang ako sa hangin habang inaayusan ako ng mga katulong sa palasyo
Ngayon ang araw ng pagpapakilala
At wala akong interes sa magiging pagpipili
Sila rin naman ang pipili at hindi ako. Ang mga konseho lang naman. Tutal sila lang naman ang may kagustuhan ng lahat ng ito!
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan
"Leave us"
Naramdaman ko ang pag-alisan ng mga katulong
"Freya"
Lumingon ako sakanya
At kita ko sa mga mata niya ang pag aalala at kalungkutan
"Handa kana ba?" - tanong niya
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang tradisyon ng mga bampira" - sambit ko
"Ikaw Adreana? Naranasan mo na rin ba ang kalupitan ng mga tradisyon ng inyong lahi?"
Lumingon ako sa kanya na bahagyang nakayuko
"Ito na ang kinamulatan ko Freya"
Kumunot ang noo ko sa isinagot niya
Parang ang layo naman ata noon sa tanong ko
"Mabuti pa ay tayo ng magpunta sa silid ng trono"
Tumalikod na siya kaagad saakin at saka lumabas ng kwarto
Hinawakan ko ang kwintas na palagi kong suot at saka huminga ng malalim bago tumayo at lumabas ng silid ko
Hindi ko na naabutan si Adreana sa labas tanging sila Miya at Zeyton na lang ang nabungaran ko
Ngumiti sila ng tipid saakin
"Tayo na"
Nauna ako sakanila sa paglalakad habang sila ay magkatabi na nasa aking likuran
Nasa harapan ko ang dalawa kong kamay na magkapatong
Sa tagal ko na rin dito sa mundong ito ay nasanay na rin ako sa bigat ng mga kasuotan dito
Huminto ako sa paglalakad ng nasa harapan na kami ng malaking pintuan ng silid ng trono
Nasa harapan ko si Colton. Ang punong tagapangasiwa ng palasyo
Habang nasa magkabilang pintuan ang dalawang bantay
"Mahal na prinsesa"
Magalang itong yumuko saakin pati na rin ang dalawang kawal
Pagkaayos nito ng tayo ay saka siya tumalikod saakin at saka pumasok sa silid
Pagkaraan ng ilang segunda ay binuksan na ng dalawang kawal ang malaking pintuan
Ng magbukas na iyon ng tuluyan ay saka ako naglakad papasok
Kung titignan ako ngayon ay daig ko pang nag di-death march
Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng silid
Lahat ng nasa loob ay nakatayo at nakatingin saakin
Nasa unahan ang magkakapatid na Dragomir
Nakatayo ang mga ito sa ibabang baitang lang kung nasaan ang isang malaking upuan na gawa sa purong ginto
Ang upuan kung nasaan noon nakaupo ang aking prinsipe
Pero bakit tila kulang ang mga Dragomir? Wala sila Priam at Kyran
Huminto ako sa paglalakad sa tapat ng isang upuan na gawa rin sa ginto na nasa tapat lang ng trono
"Maligayang araw sa inyong lahat"
Napaangat ako ng tingin kay Adreana ng magsalita ito
"Ito ang araw ng pagpapakilala para sa mga sasali sa pagpipili. Malinaw na sa mga kasali ang lahat ng patakaran at inaasahan namin na hindi sila lalabag sa kahit anu man roon. Kung sakali mang may lumabag. Kamatayan ang magiging hatol"
Ang alam ko ay nagkaroon pa ng pagpupulong kahapon
At hindi ko alam kung ano ang kanilang napag usapan
"Ngayon umpisahan na ang pagpapakilala"
Pagkasabi noon ni Adreana ay nag siupuan na ang lahat
Nakita ko pa ang pagngiti saakin ng magkakapatid na Dragomir habang nakaupo sila sa mga upuang nakahanay sa ibabang baitang ng trono
Umupo na ako sa upuan na nakalaan saakin na nasa gitna nitong silid sa ibaba lamang ng trono
May dalawang kawal at dalawang katulong rin ang lumapit sa magkabila ng aking upuan
Lahat kami ay nakatuon ang paningin sa malaking pintuan na ngayon ay unti unti ng binubuksan
Napakunot noo ako ng makita kung sino ang bampirang naglalakad na ngayon palapit sa kinaroroonan ko
Kasali siya sa pagpipili??
Ng nasa harapan ko na siya ay saka niya inilagay ang kanyang kamay sa kanyang tiyan at saka yumuko
"Prince Dike Azellon, First prince of Valhalla"
Pagkasabi niya noon ay umayos na siya ng tayo at saka may lumapit na dalawang babae na may nakapatong na bagay sa kanilang dalawang kamay
Ng makalapit ang mga ito sa akin ay muling nagsalita si Dike
"Tanggapin mo sana ang munti kong regalo saiyo prinsesa ng asul na apoy"
Inalis ko ang telang nakapatong sa mga dala nila at nakita ko roon ang mga magagandang uri ng tela
Ngumiti ako sakanya bago siya yumuko at nagtungo sa upuan na nakahanay sa may kaliwang bahagi nitong silid
Muling bumukas ang pintuan at mula roon ay pumasok ang isa pang makisig na bampira
Naglalakad ito habang nasa likuran niya ang isa niyang kamay
Bagay na napansin kong hilig niyang gawin
Nakangiti ito saakin ng huminto siya sa aking harapan
Tulad ni Dike ay yumuko rin ito
"Prince Devon Montagu. First prince of Terra Nova"
Ikinumpas niya ang kanyang kamay at may babaeng lumapit sakanya na may dalang pahabang kahon
Binuksan niya iyon at natuwa ako sa aking nakita
"Ang mga batong ito ay mula pa sa aking paghihirap mahal na prinsesa" - nakangiting sambit niya
Obsidian. Obsidian stones with black fires!!
Galing pa sa kanyang paghihirap?
Ahh oo siya nga pala ang nagmamay ari ng itim na apoy
Naupo na rin ito katabi ni Dike
At ang sunod na pumasok sa malaking pintuan ay ang bampirang di ko akalain na makikita ko sa pagpapakilalang ito
Nakangisi ito habang naglalakad papalapit saakin
Bakit kaya narito ang isang ito dito?
Baka napilit na naman ito. Ang alam ko ay dapat may isang prinsipe ang sasali sa bawat kaharian ng Dark Empire
"Prince Maxius Arundell, 2nd prince of Syldavia"
Hanggang sa makaayos siya ng tayo ay hindi pa rin mawala wala ang ngisi na nasa kanyang mukha
Ano bang problema ng mind poisoner na ito!
May kinuha siya mula sa kanyang kasuotan
At saka iniabot iyon saakin
"Ikaw kaagad ang naalala ko ng makita ko ang bagay na iyan"
nagtatakang kinuha ko iyon
Natuwa ako sa bagay na bigay niya. Pero nagtataka ako sa sinabi niya
Isa itong hair clip na inilalagay sa gilid na bahagi ng ulo may disenyo itong dahon na gawa sa dyamante at may maliliit na bulaklak na gawa sa jade
Napakaganda niya
Hindi ko na namalayan na nasa upuan na niya si Maxius
Ibinigay ko ang bigay niya sa katulong ng palasyo na siyang kumukuha sa mga gamit na presenta saaakin
napalingon ako sa may pintuan at nakita ang lalaking nakatingin sa akin habang naglalakad
Hindi siya bampira
Pamilyar siya saakin
Pero hindi ko matandaan kung sino siya at kung saan ko siya nakita
"Magandang araw saiyo crown princess of blue fire" - nakangiti niyang sambit bago yumuko
"I am prince Tyron Teixiera, crown prince of the Kingdom Elfanio"
Oo! Tama nga! Kaya pala magkahawig sila
Siya nga ang kapatid ni Miya
Nakangiti kong sinalubong siya na nakangiti rin saakin
Pero sandali. Bakit pala siya narito sa pagpipili??
"Tanggapin mo sana ang aking regalo na mula pa sa aming kaharian"
Hinaplos ko ang nakalahad na mga palaso sa aking harapan
Mga palasong may kakaibang talim
Ngumiti ako sakanya bago siya umalis
Napamaang na lamang ako ng makita ko kung sino ang susunod na magpapakilala saakin
Naglalakad siya habang nakataas ang noo at sisiga sigang naglalakad
Seryoso? Kasali siya??
Lumapit siya saakin at saka kinuha ang aking kamay kaya naalarma ang dalawang kawal na nasa aking magkabilang gilid pero agad kong itinaas ang isa kong kamay para patigilin sila
Inangat niya ang kanang kamay ko bago ito hinalikan na nakapagpanganga sa mga konsehong nakatingin lamang saamin
Yumuko ito bahagya habang hawak pa rin ang aking kamay
"Khali Lhor Gregory. The most handsome son of the legendary family"
Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya
"Freya, Pagpasensyahan mo na ang ibibigay ko ha?"
May kinuha siya sa kanyang pantalon at ibinigay ito saakin
Napangiti ako ng makita ang ibinibigay niya hanggang sa narinig ko na lang ang boses ni Leila
"Tignan mo ang batang iyan! Kaya pala nawawala ang aking suklay!"
"Salamat Khali" - nakangiting sabi ko sakanya bago siya hinalikan sa kaniyang pisngi na agad nitong ikinapula at nakatulalang nagpunta sa upuan na katabi nila Dike
Kung kanina ay grabe na ang pagtataka ko at pagkagulat sa mga nakilala kong sasali sa pagpipili ngayon ay mas lalo akong nagulat ng makita ang susunod na magpapakilala
Naglalakad siya habang seryoso lang ang mukha
At talaga namang hindi pahuhuli ang kakisigan niya kahit pa hindi siya bampira
Nasa lahi na ata talaga namin ang mga magaganda at gwapo
Pero bakit kasali siya?! Magpinsan kami pero bakit nasa harapan ko siya??
"Prince Ashton Stafford. Crown prince of Elonia Majestica"
"Ano ba tong ginagawa mo Ashton?" - bulong ko ng makaayos na ito ng tayo
"I am jusy saving you from migraine my cousin" - pabulong niya rin na sagot
"Saving me from migraine?"
"Yeah. Sigurado sasakit ang ulo mo sa pagpili kung sino sakanila. Kaya ako na lang ang piliin mo less migraine"
Napanganga na lang ako sa sinabi niya
Kung alam niya lang. Dagdag sakit siya ng ulo!!
"Get it"
Nawala ang inis ko sakanya ng makita ang binibigay niya
Isang wand!!
"I will train you"
Magpapasalamat na sana ako ng sobra sobra ng
"If you will choose me" - dugtong niya at saka lumayas sa harapan ko
sinundan ko na lamang siya ng masamang tingin hanggang sa makaupo siya
At ang walanghiyang lalaki at nakatingin lang saakin ng inosente!
Naalis lang ang tingin ko sakanya ng marinig ko na ulit ang pagbukas ng pintuan
Pati siya?!
Ano ba talagang ngyayari sa mundo??
Agad hinagilap ng aking mata si Zane
At ng makita ko siya na nakaupo sa isang sulok ay agad akong naawa ng makitang nasasaktan siya habang nakatingin kay Kevin na naglalakad papalapit saakin
Ng nasa harapan ko na siya ay nagtaka ako ng hindi pa siya nagsasalita at narinig ko pa ang pabulong bulong niya na
"s**t do I have to state my whole damn name?"
Haha iyon pala ang iniisip niya kaya pala mula kanina pagpasok niya ay salubong na ang kilay niya
"Ehem!"
Napalingon siya sa mga konseho ng marinig niya iyon
At agad na umayos ng tayo at saka yumuko
"Kero Levin Gregory"
At mabilis na umayos ng tayo na agad ko namang sinalubong ng ngiti at nakita kong namula ang kanyang magkabilang tenga
Haha ganyan siya kapag nahihiya
Sakanya ata nagmana si Khali ehh
Madalas silang mamula
"Tanggapin mo sana ang bagay na ito"
Inilahad niya ang kulay itim na tela at binuksan ko iyon
"Iyan ang punyal na pinakaiingatan ng pamilya Gregory. Galing pa iyan sa namayapa kong ina"
Napatingin ako sakanya ng mabakasan ko ng kalungkutan ang kanyang boses
"Iingatan ko ito Kevin, pangako"
Unti unti namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago naglakad papunta sa kinaroroonan nila Ashton
Ang sunod na pumasok sa pintuan ay ang lalaking inaasahan ko ng makikita ko ngayong araw ng pagpapakilala
Nasabi niya na saakin na asahan ko raw na dadating siya ngayon
Mababakas sa kanyang paglalakad ang kapangyarihan at posisyon na kaniyang taglay
Nakita ko pa ang pagyuko ng ilang bisita na narito sa silid at alam kong mga alpha rin ang mga ito
Diretso lang itong nakatingin saakin hanggang sa huminto ito sa aking harapan bago yumuko
"Alpha King Grey Demetriou"
pagka-ayos niya ng tayo ay siya na mang paglapit ni Rue sa kanya na may dalang kahon sa kaniyang dalawang palad
Binuksan iyon ni Grey bago ipinakita saakin
Kinuha ko iyon at pinakatitigan
"That is our Crest. The Black moon Shadow Crest. Receive it as our pledge to you my Queen"
Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanya bago siya umalis sa aking harapan
Ng magbukas uli ang malaking pintuan ay iniluwa nito ang isang napakagiting na prinsipe ng Light Empire
Noon pa man ay crush ko na talaga siya
Wag naman sanang malaman iyon ni Luan
Crush lang naman
Nagningning ang aking mata ng muli kong mapagmasdan ang kanyang pulang buhok maging ang kanyang mata na pula rin at may mga dot na itim sa palibot ng kaniyang iris
"Prince Zephyr, the heir of the Family Flemour from kingdom of Orfeo"
Ngumiti ako sa kanya ng ngumiti siya pagkayuko niya
Ilang segundo lang ay may lumapit sa aking babae at may daladala ito na may takip na tela
Inalis ko iyon at natuwa ako ng makita ang isang maliit na hawla na may maliit na nilalang na nasa loob niyon
"That is fura my princess, as my present"
Isa siyang.. hmm.. pano ba?
Basta bilog siya na may pakpak na napakabilis niyang kinakampay. Maliksi rin itong kumilos
At isa pa ang bilog na nilalang ay napapalibutan ng apoy!
"Maraming salamat prince Zephyr" - nakangiting pasasalamat ko sakanya bago siya nawala sa aking harapan
Hindi na ako masyadong nabigla ng ang sumunod na pumasok ay ang isa pang crown ng Light Empire
Palagi ko na lang kasi naririnig na bumubulong bulong si Adreana tungkol sa pagsali niya
Pero bakit nga ba sila sumali sa pagpipili???
Nakataas noo siya habang naglalakad at feel na feel nito ang paglalakad sa gitna na akala mo ay siya talaga ang centro ng lahat
Maging ang ginawang pagyuko nito ay sadyang napakakisig at ingat na ingat bawat kilos
"Prince Crayon, the crown prince of Devaux clan from kingdom of Athanasia"
Sambit nito bago umayos ng tayo
"I am happy that we meet again Princess Freya. Masyadong naging abala sa palasyo kaya hindi kita nadadalaw"
Pagkasabi niya noon ay ipinitik nito ang kanyang dalawang daliri at agad na may nagsilapitang babae na may mga dala
At hindi na ako naggulat na ang mga dala dala nila ay mga Dyamante!!
"Take my present princess as it's symbolize my kingdom. And its my pleasure if you can come someday at Athanasia"
Athanasia. Siguro ang kaharian na iyon ay hitik na hitik ng dyamante. Nasabi noon nila Miya na ang kaharian na iyon talaga ang maraming dyamante sa buong Emperyo ng Light Empire
"Hindi ko matitiyak Prince Crayon"
Ngumiti lamang ito saakin bago umalis
Muli kong itinuon ang aking paningin sa malaking pintuan
Napako ang tingin ko sa bampirang naglalakad na ngayon palapit saakin
Ngayon ko lang ulit siya nakita mula ng lumabas ang dyablong tinatawag nilang Rage
Pero teka, bakit naandito siya?
Imposibleng sumali rin siya
"Yael Vandillion, second prince of Thespia"
Nagtatanong ang aking mga matang sinalubong ang kanyang itim na itim na mata
"Saka na tayo mag-usap" - bulong niya bago lumapit ang isang babae na may dala dalang lalagyan na may takip
Binuksan ito ng babae at saka inilahad saakin
Mga itim na perlas
"Sana ay iyong nagustuhan mahal na prinsesa"
Yumuko uli siya bago umalis sa harapan ko
Sinundan ko siya ng tingin bago muling tumingin sa malaking pinto
At ng bumukas iyon ay napataas ako ng kilay ng makita kung sino ang susunod
Maangas ang kaniyang dating habang naglalakad
Sa totoo nga ay gwapo nga talaga siya kung hindi lang siya minsan sinusumpong ng kabaliwan
At nabaliw na naman ata ito dahil sa pagsali sa pagpipili
"Anong trip mo?" - pabulong na tanong ko
Pero ngumisi lang siya saakin bago yumuko
"Prince Saxon Irondale. 2nd prince of Sirona"
Ayan na naman ang 2nd prince na yan. Itatanong ko nga pala ang isang iyan. Di ko na alam kung ikailan ba talaga siya
"Salamat sa pag welcome saakin Freya" - sambit niya pagkaayos niya ng tayo na inirapan ko lang
Napatingin ito sa mga dyamanteng galing kay Crayon at saka tumingin sa pwesto ni Crayon na nakaupo katabi ni Zephyr
"Psh naunahan ako ng mokong" - bulong niya
"Di bale, iba na lamang ang ibibigay ko saiyo. Ayos lang ba iyon Freya?" - tanong niya
Napatango na lamang ako
Seryoso ba talaga siyang kasali siya sa pagpipili??
Inilabas niya sa kanyang kasuotan ang kanyang baraha at saka iyon pinalutang sa kanyang harapan. Nakahanay ang mga ito habang nakataob
"Pick one"
Agad naman akong dumampot ng isa
At pagkadampot ko ay nagsibalikan ang kanyang mga baraha sa loob ng kanyang kasuotan
"Keep it. If you need my help just drop it to the floor while saying my beautiful name" - sambit niya sabay kindat saakin bago umalis
Napailing iling na lang ako at saka ibinigay iyon sa katulong
Napatingin ako sa labas ng makarinig ako ng kidlat
At kasabay noon ay ang pagpasok ni Priam sa silid
Priam?
Seryoso siyang naglalakad habang nakatingin lang ng diretso saakin
Wala silang sinabing sasali si Priam!
Nakatulala pa rin ako sakanya hanggang sa nasa harapan ko na siya
"Prince Priam Ellesmere Dragomir. Third prince of Parua Abellon"
"Priam?" - bulong ko sa kaniya pero tipid na ngiti lamang ang isinagot niya bago lumapit ang kawal ng palasyo na may itinutulak na bagay
"Look for yourself beautiful deity of blue flame" - sabi niya na ang tinutukoy ay ang bagay na may takip ng gintong tela
Dahan dahan kong inalis iyon at bumungad saakin ang isang puno na gawa sa purong ginto
Nasa isang metros ang laki nito
"Mahilig kang magkulong sa iyong kwarto kaya naisipan kong gawan ka ng mapaglilibangan mo pagmasdan habang nagkukulong"
Teka? Siya ang gumawa nito??? Ang ganda!
"Salamat Priam"
Tumango lang ito sa akin bago umalis
Tatayo na sana ako sa aking pagkakaupo dahil akala ko ay wala ng susunod ng biglang bumukas uli ang malaking pintuan
Agad akong napalingon sa magkakapatid na Dragomir na seryoso lang na nakatingin saakin
Bakit pati siya ay kasali?!
Seryoso ba sila?!
Anong kabaliwan ito?!
Blangko lamang ang kaniyang mukha habang naglalakad at talaga namang sumisigaw ng awtoridad at kapangyarihan ang kaniyang presensya
kunot kunot lamang ang aking noo na nakatingin sakanya hanggang sa makarating na siya sa aking harapan
"Prince Kyran Ellesmere Dragomir. 7th prince of Parua Abellon"
"Kyran ano ito?" - tanong ko sakanya
"Hindi ba ako maaaring sumali sa pagpipili Freya?" - tanong niya
"Pero Kyran"
"Wala na si Luan. Baka sakaling may puwang na ako sa puso mo"
Hindi ko nagawang sumagot sa kanyang sinabi
Napakurap kurap na lamang ako ng may ibigay siyang pulang rosas
"Take it. You used to have it when you are young"
Sa pagkasabi niya noon ay naalala ko ng nabubuhay pa ako sa mundo ng mga tao ay araw araw akong nakakatanggap ng pulang rosas
Dahan dahan ko iyong kinuha
Akala ko ay aalis na si Kyran ng magsalita pa ito
"Im going to fight for my feelings now Freya"
"And no one can stop me"
Pagkasabi niya noon ay nagsibagsakan ang mga petals ng pulang rosas na dahan dahang bumabagsak sa ere habang kaming dalawang ay nanatiling magkatitigan