PAGKATAPOS ng pagpapakilala ay sinundan naman ito ng kasiyahan
Isang linggo ang dadaan bago malalaman ang desisyon
At sa loob ng linggong iyon ay may mga araw na nakalaan upang makausap ko ng sarilihan ang bawat kasali
Hindi ko na rin pinahintulutan na magkaroon pa ng paglalaban sakanila sa loob ng linggong ito
Isa pa ay.. mukhang wala naman akong nais piliin sakanila
Iyon ang nararamdaman ng puso ko
Dahil hanggang ngayon ay isang pangalan pa rin ang isinisigaw nito
"Magandang gabi sa magandang binibini"
Napatingin ako sa aking tabi ng may magsalita roon
"Maaari ba akong tumabi?"
Ngiti naman ang isinagot ko sakanya bago siya naupo sa tabi kong upuan
Nakatingin lang kami sa mga nagkakasiyahang bampira at iba pang nilalang habang kami ay tahimik lamang na nakaupo sa may unahan habang nasa kabilang mesa sila Miya at Zeyton na di kalayuan lang ng pwesto namin
"Alam mo bang ako dapat ang sasali? Kung di lang sa baliw kong kapatid!"
Napalingon ako sakanya
"May nasa isip kana ba kung sino ang pinakamalapit?" - tanong niya
"Lahat ng kaharian ay dapat may representate. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit sila sumali" - sagot ko na ikinatawa niya
"Hahaha you think? Kasi ako ang alam ko. Sumali sila. Dahil gusto nila"
Gusto nila?
Imposible!
"Sumali si Priam upang irepresenta ang Halla Verona. Gayon din sila Dike"
"Pwede. Pero paano ang iba? Lalo na ni Saxon?"
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi
"Ginamit niya pa ang posisyon niya bilang pangalawang prinsipe ng Sirona. At lumuhod at yumuko pa siya kay Cleon!"
Napaangat ako ng isang kilay
Talaga bang ginawa iyon ni Saxon??
Sa maraming taon ko ng pananatili rito ay nakita ko na kung paano niya na lang kausapin ang unang prinsipe ng Sirona
"Ahm Cyano may itatanong pala ako saiyo"
"Ano iyon?"
"Ahh ikalawang prinsipe ba o ikatlong prinsipe si Saxon?"
Nalilito na talaga kasi ako
Tanda ko noong unang pakilala niya saakin ay ikalawang prinsipe ang sabi niya. Iyon din ang tawag sakanya ng mga Dragomir
Pero ang ilan na taga labas ng palasyo ang tawag sakanya ay ikatlong prinsipe
"Ahh iyon ba? Ikalawang prinsipe si Saxon. At ako ang ikatlo"
"Pero bakit iyon ang alam ng iba. At ni hindi niya man lang iyon itama?"
"Pinapalabas ni Saxon na ako ang ikalawang prinsipe ng Sirona at hindi siya"
"Pero bakit niya naman iyon ginagawa?"
Baliw na ata talaga si Saxon
"Ayaw niya ng responsibilidad"
"Huh?"
"Alam mo naman na ang ikalawang prinsipe ang nagiging kanang kamay ng unang prinsipe bilang hari ng palasyo. At si Saxon ang bampirang ayaw ng responsibilidad. Ayaw niyang matali siya sa sistema ng palasyo. Gusto niyang kumilos ayon sa nais niya. Gusto niyang maging malaya. Siya ang bampira na ayaw ang anumang tungkulin sa palasyo. At ayaw niya rin sa korona"
Iyon ang dahilan niya?
Kung ganun ay siya pala dapat ang kanang kamay ni Cleon at hindi si Cyano
"Unti unti na siyang nagbabago. Simula ng makasama ka niya"
Napatingin ako sakanya ng nagtataka at tumingin rin siya saakin
"Ano bang hiwaga ang dala ng babae ng propesiya?"
----Ashton POV----
"Hanggang kailan ka magiging ganyan?"
Lumingon siya saakin at halatang nagulat siya sa biglaan kong pagsalita
"Huwag mo na lang akong pakialamanan Ash"
"Matagal mo ng alam na iba ang gusto niya. Pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo"
"Alam kong nararamdaman niya rin ang matagal ko ng nararamdaman. Bampira siya! At mas malakas ang pakiramdam nila!"
"Iyon na nga. Nasisiguro kong alam niya na"
"Sinasabi mo bang. Ayaw niya saakin?"
Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa mga mata niyang nakatingin ng diretso saakin
Ayokong nakikitang nasasaktan siya. Hindi ko kayang nakikitang nagkakaganyan ang aking kapatid
"Astrid. Karibal mo ang sarili mong kadugo. Isa pa. Alam mo na sa umpisa palang talo kana"
"Kailanman ay wala pang nakatatalo sa bond ng isang mate. Kahit si Magnus ay pinakasalan pa rin si Queen Dhalia"
"Iyon ba ang nais mong mangyari sayo? Ang pakasalan at makasama mo siya kahit hindi ka niya mahal? Na kasama mo siya pero na sa iba naman ang kaniyang puso't isipan? Maawa ka rin sa sarili mo Astrid"
Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko
Gusto ko lang siyang ilayo sa anumang sakit
Dahil bata pa lang kami ay ipinangako ko na sa sarili ko maging sa mga magulang namin na iingatan at poprotektahan ko siya. Ano man ang mangyari
"Ano bang alam mo Ash?! Hindi mo pa to nararamdaman! Kung magsalita ka ay akala mo ay ang dami mo ng karanasan! Anong alam mo sa pag-ibig Ash! wala! Wala kang alam!" - umiiyak siyang tumakbo palayo saakin
Habang ako ay napatingin na lamang sa ibabang baitang ng palasyo kung nasaan nagkakasiyahan ang marami
Pero natuon ang aking mata sa partikular na bampirang nakaupo katabi ng isa pang bampirang may talukbong
"Nagkakamali ka Astrid. Alam ko. Alam ko ang pakiramdam na iyon. Alam ko ang salitang iyon" - bulong ko sa sarili habang nakatingin sa bampirang matagal ko ng tinatanaw mula sa malayo
----Miya POV----
Tahimik lamang akong nagmamasid sa mga bisita lalo na sa mga lumalapit kay Freya
Naaawa ako sa prinsesa. Alam kong hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang nangyari kay Luan
"Maaari ba kitang makausap?"
Napalingon ako kay Zeyton
"Ng tayo lang?"
Nasundan ko na lamang siya ng tingin ng tumayo na siya at saka nag umpisang maglakad palayo kaya dali dali akong sumunod sakanya
Tumigil siya sa paglalakad sa may labas na ng palasyo
"Ano bang pag-uusapan natin Zeyton?" - tanong ko
"May nagugustuhan akong babae"
Nakagat ko ang ibaba kong labi ng sabihin niya iyon
Anong gusto niyang sabihin? Sasabihin niya na bang gusto niya si Freya
Bakit ba saakin pa niya talaga naisipan sabihin ito?!
Masyado na bang halata ang pagkakagusto ko sakanya?
Nakikita niya bang palagi akong nakatingin sakanya??
Kaya sasabihin niyang wag na akong umasa?!
"Mali. Hindi ko pala siya gusto. Mukhang mahal ko na siya"
Wow! Napakawalang puso naman niya ata para sabihin pa to mismo sa harapan ko!
"Alam mong bawal ang pag-ibig na nararamdaman mo Zeyton" - may diing utas ko
Isa siyang guardian ng prinsesang mahal niya!!
"Alam ko. Alam kong may tungkulin ako gayun din siya. Kaya walang puwang itong nararamdaman ko"
Si Zeyton ba talaga to?
Bakit bigla na lamang siyang nag oopen ngayon??
"Dapat ay matagal mo na iyang pinigilan Zeyton"
"Sinubukan ko. Pero wala talaga. Palagi ko siyang nakakasama. Paano ko iyon mapipigilan?"
"Kung gayun ay anong balak mong gawin ngayon?"
"Sasabihin ko na sakanya"
"Nahihibang kana ba talaga?! Siya ang pinaaglilingkuran natin at nakalaang paglilingkuran natin habang tayo ay nabubuhay! Hindi ka maaaring imibig sa prinsesa Zeyton!"
Napatitig siya saakin hanggang sa nangunot ang kanyang noo
"Iniisip mo bang ang prinsesa ang babaeng tinutukoy ko?"
Aba! May iba pa ba siyang babae?!
Napaisip ako bigla
Sino naman kaya ang iba pang babaeng tinitignan niya??
Wala naman akong matandaan
Napahinto ako sa pagiisip ng maramdaman ang dalawang kamay na humawak sa kamay ko
At gulat na gulat ako ng makitang hawak ni Zeyton ang kamay ko
"Miya, ikaw ang babaeng tinutukoy ko"
Napakurap kurap ako habang nakatingin sakanya
"Oo aaminin ko. Nagustuhan ko ang prinsesa. Pero, alam ko namang iba ang nakalaan sakanya"
Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya
"At isa pa, nabaling na sa iba ang pakiramdam ko na iyon. At sayo un. Hindi ko alam kung kailan ko to unang naramdaman. Ang alam ko lang masaya ako na palagi kang nakikita. Na palagi kang nakakasama sa pagbabantay sakanya"
Totoo ba talagang nagtatapat siya saakin?
"Gusto mo rin ba ako?" - tanong niya
Agad ko siyang sinuntok sa kanyang braso
"Aww! Para san un?!" - tanong niya habang hawak ang braso niya
"Di mo pa ba nahahalata na matagal na kitang gusto ha?! Ba't napakamanhid mo!"
Napatulala naman ako sakanya ng makitang ngumiti siya
Ngumiti siya!
Di ko akalaing marunong rin palang ngumiti ang napakaseryosong unang guardian!
"Maaari naman sigurong pagbigyan ang nararamdaman natin sa kabila ng tungkulin natin hindi ba?"
Imbis na sagutin siya ay agad ko siya niyakap
Hindi ko masyadong idinidikit ang katawan ko sakanya dahil naiilang ako baka ayaw niyang yakapin ko siya
Pero niyakap niya ako pabalik at siya na mismo ang mas nagpadikit sa mga katawan namin
Alam kong hindi ito magugustuhan ng Legendary Phoenix
Walang puwang ang pagmamahalan lalo na sa aming parehong guardian na nakatalagang protektahan at paglingkuran ang nakatakdang reyna ng lahat
Pero pahihintulutan naman niya siguro na magkaroon kami ng kasiyahan
Sana. Sana nga
----Freya POV----
Pinagmamasdan ko ang kalapit na malawak na hardin ng palasyo mula sa aking kinauupuan na nasa isang malawak na espasyo kaharap ang isang mesa at isa pang upuan
May dalawa ring kawal ang nasa likuran ko may kalayuan kaunti saakin at tanaw ko rin sila Miya at Zeyton na parehong nagmamasid lamang sa paligid
Ngayon ang unang araw na inilaan para sa bawat kasali na makausap ako ng sarilihan
At hinihintay ko ang unang makakausap ko ngayon
Hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa gawi ng malawak na hardin at maalala ang mga alaala ng aking prinsipe
Nakikita niya ba ako ngayon? Kung talagang wala na siya?
Gusto kong sabihin sakanya na hindi ko gusto ang mga nangyayari
Gusto kong sabihin na siya pa rin ang laman ng puso ko
At hindi iyon magbabago
"Mukhang malalim ang iyong iniisip mahal na prinsesa"
Napalingon ako sa harapan at nakita kong nakatayo sa tabi ng upuan na kaharap ko si Dike
"Magandang araw sa iyo prince Dike" - bati ko
Yumuko siya ng konti at saka umupo sa bakanteng upuan
"Ano bang pag-uusapan natin?" - tanong niya
Ano nga ba?
Hindi ko pa nakakausap ng sarilihan si Dike
At bihirang bihira ko lang din siyang makita
"Kamusta naman pala ang pakiramdam mo?"
"Ayos lang naman ako" - tipid na sagot ko
"Ayos ka lang sa kabila ng mga nangyayari?"
"Wala akong magagawa"
"Nagsisimula ka ng matali sa sistema ng mundong pinasok mo" - sambit niya
"May tungkulin akong dapat gampanan" - sagot ko
"At hahayaan mo na lang na matali ka doon?"
Napatitig lamang ako sakanya at ilang segundo ang dumaan na walang nagsasalita saamin hanggang sa tumayo siya
"Aalis na ako. Napasali lang naman ako sa pagpipiling ito dahil iyon ang nais ng konseho"
Oo lahat ng ito ay nais lamang ng konseho
"Pero gusto ko lang iwan ang katagang ito saiyo"
Napaangat ako ng tingin sakanya
"Ang tradisyon ng mga bampira ay parang ang kapangyarihan ko. Isang matatag na kadena. Kadenang gagapos sa iyo hanggang sa hindi kana makawala"
Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya at saka naglakad paalis
Hindi ko gustong matali. Pero wala pa akong lakas ngayon para salunggatin ang tradisyon ng mundong ito
----Devon POV----
Naglalakad ako habang nasa likuran ang aking kanang kamay
Sanay akong nasa likuran ang kanang kamay ko habang naglalakad
Pakiramdam ko ay napakakisig ko
Bagay na totoo naman talaga
Nakatingin ako sa isang mesa kung nasaan nakaupo ang isang magandang dyosa na nakatingin din sa gawi ko
"Magandang araw magandang prinsesa" - bati ko habang nakayuko ng bahagya
"Magandang umaga rin sayo prinsipe Devon"
Hinila ko ang upuan na nasa kaharap niya at saka umupo
"Narito ka rin ba dahil iyon din ang utos ng konseho?" - tanong niya
Ngumiti ako bago sumagot
"Hmm yes and no?" - patanong kong sagot
"Hindi mo alam?" - nagtatakang tanong niya
"Yes, narito ako dahil utos ng konseho. At narito rin ako hindi lang dahil doon. Gusto ko talagang sumali sa pagpipili"
Kumunot naman ang kanyang noo
She's really cute everytime she do that
"Anong ibig mong sabihin?"
"Interesado ako sa pagpipili"
"Dahil ba sa pwestong maaaring makuha kapalit ng pagiging mate ko?" - taas kilay niyang tanong
"No. Not that. I like you"
Nagulat naman siya sa sinabi ko
Yeah I like her. Simula pa lang ng una ko siyang nakita
Sa pagdiriwang kung saan siya unang naging bampira. Kung kailan siya ginawang bampira ni Luan
Pero hindi ko ninais ang higit pa roon
Dahil alam kong kapahamakan ang dulot ng kanyang kagandahan
Pero ngayon gusto kong subukan ang aking kapalaran
"I admire you. You are kind, nagawa mo pa kaming patawarin at kausapin si Luan para lamang tanggapin kami mula ng emperyo sa kabila ng pagtataksil namin at pagsapi kay Haden. And I admire how brave you are. Ipinaglalaban mo ang kung ano pinaniniwalaan mo. And you are bestowed with beauty. Napaamo mo ang halimaw ng emperyong ito. Nabihag mo maging ang hari ng mga lobo"
"Ginawa ko lamang ang aking tungkulin. At kung ano ang tama"
"That's why I like you"
"Masaya ako at hinahangaan ako ng katulad mong makisig na prinsipe. Pero -"
"Hindi mo kailangang sabihin. Alam ko. Sumubok lang naman ako. At mukhang ngayon pa lang ay talo na ako. Pero makikita mo pa ako hanggang sa araw ng mismong pagpipili"
Nakita kong magsasalita pa sana siya pero nag aalangan siyang magsalita
"Gusto ko sanang makipagkwentuhan pa saiyo ng matagal. Kaso lang ay bilang lang ang minuto para makausap ka mahal na prinsesa"
Tumayo na ako at saka bahagyang yumuko sakanya
"Masaya ako't nakausap ang prinsesa ng asul na apoy"
"Masaya rin akong nagka usap tayo Devon"
Nginitian niya ako bago ako tumalikod
Sinong hindi mabibighani sa angking ganda ng dyosa ng hari ng kadiliman?
Sayang wala na si Luan
Kung talaga nga bang wala na siya
----Freya POV----
Nakatingin ako sa bampirang nakaupo na nakangisi saakin habang nilalaro laro ang tasang nasa harapan niya
"Hindi ko inaasahan na sasali ka sa pagpipili"
"Ako nga din ay hindi ko rin inaasahang sasali ako"
Baliw na rin ata ang isang ito
"Alam mo namang dapat bawat kaharian ay may lumahok. At nagkataong ako ang pinalahok ni Ulyzzeus"
Lahat nga palang kaharian ay dapat may represante
Sandali, bakit walang represante galing sa kaharian ng Acheron?
Muli na naman bang nagsara ang natutulog na kaharian?
Kamusta na kaya sila Blair at ang magkakapatid na L'vierdon?
Kamusta na kaya si Axel?
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam
"Nakikinig ka pa ba?"
Napaangat ako ng tingin kay Maxius
Nakalimutan kong andito nga pala siya
"A-ayos lang ako"
"Sigurado ka?"
Tumango naman ako at saka mabilis na kinuha ang tasa na nasa harapan ko at saka uminom
Pero tila uhaw na uhaw pa rin ako
Muli akong tumingin kay Maxius na nag-aalalang nakatingin saakin
"Ano nga ulit ang sinabi mo kanina?" - tanong ko
"Ahh iyon ba. Kalimutan mo na"
Tumayo siya
"Nga pala bagay saiyo ang bigay ko"
Napahawak ako sa gilid ng aking ulo kong nasaan ang clip na binigay niya saakin
"You are really a goddess" - ngising sambit niya bago yumuko at saka tumalikod
Pero bago siya naglakad palayo ay narinig ko pang bumulong siya
"Akala ko ay ang kakayahan kong manlason ng isipan ang napakadelikado. Mas delikado pa pala ang taglay mong nakalalasong kagandahan"
Napatitig na lamang ako sakanyang likuran habang naglalakad na siya palayo
Bakit palagi ko na lamang naririnig iyon sakanila?
Ano nga ba talaga ang gandang aking taglay?
Napakunot noo ako ng makita ang naglalakad na bampira papunta sa aking direksyon
Walang bati bati na umupo siya sa upuan at saka kumuha ng tasa at kinuha ang tsarera at saka naglagay ng tsaa sa kanyang tasa
Pinagmasdan ko lamang siya na uminom ng tsaa hanggang sa ibinaba niya na iyon sa mesa
"Mas masarap talaga ang tsaa ng Parua kaysa sa Sirona" - sambit niya
Napalingon naman siya saakin maging sila Miya at Zeyton na nakatayo may kalayuan saamin ng hampasin ko ang mesa
"Bakit ka sumali sa pagpipili Saxon?!"
"Ah yun ba? Gusto ko ehh"
Ginagalit talaga ako ng baliw na bampirang ito
Simula pa lang ng makausap namin ang konseho at magbigay siya ng suhestiyon tungkol sa pagpipiling ito ay alam ko ng may pinaplano siya
At dapat ko iyong malaman
"Bakit mo naisipang magkaroon ng ganitong pagpipili?! Alam mo bang mas ginawa mo lang komplikado ang lahat?!"
"Hahayaan mo na lang bang ikasal ka sa bampirang may pulang buhok?! Huh?!"
Si Saxon talaga ang bampirang may problema sa mga pangalan
Kahit alam naman kasi niya ang pangalan ay hindi niya pa rin ginagamit ito bagkus ay kung anu ano ang itinatawag niya
Kahit nga saakin ay bihira niya lang tawagin ang pangalan ko
Ano bang problema ng bampirang ito sa mga pangalan?!
"May iba pang paraan at hindi ito!"
"Mas mabuti na tong suwestiyon ko. At gusto kong ako ang piliin mo"
Napanganga ako sa sinabi niya
Is he commanding me to choose him?!
He is really crazy!!
"Nababaliw kana naman Saxon"
"Gusto lang kitang tulungan"
Tulungan?
"Tulungan saan?"
"Hindi ka maaaring mapunta sa iba Freya. Ang kay Luan ay kay Luan lang" - may diin niyang tugon
"N-naniniwala ka rin bang b-buhay pa siya?"
"Oo alam kong buhay pa ang lokong un! Hindi siya pwedeng mamatay! Maglalaban pa kami! Papatunayan ko pang ako ang mas gwapo sakanya! Na ako ang mas makisig sakanya! Na mas maraming babaeng nahuhumaling saakin kaysa sakanya! Ang daya niya! Hindi pa kami nakakapagtuos! Ang bampirang yelong un! matitikman niya ang mga baraha ko pag nahanap ko siya!"
Napangiti ako ng makita ang galit na galit na mukha ni Saxon
alam kong mabuting kaibigan ni Luan si Saxon
Kahit madalas silang di nagkakasundo alam kong nananaig pa rin ang dati nilang samahan
Kung kailan ay magkakaibigan pa sila nila Haden at Priam
"Ano ba talagang plano mo Saxon?"
"Ako ang piliin mo. Pakasalan mo ko"
"Alam mong hindi ko iyon magagawa Saxon!"
"Hindi naman totohanan Freya. At ako ang bahala roon"
"P-pero may mate ka Saxon. Papapano kung malaman niya iyon?"
"Wala akong mate! Wala Freya!"
Natigilan ako ng makita ko ang galit at kalungkutan sa kanyang mga mata
"Kung nagawa niya akong layuan at talikuran. Magagawa ko rin iyon sakanya!"
"Pero Saxon, baka may rason siya. Baka may nangyari lang"
"Wag na nating pag-usapan pa iyan!"
Hindi na ko nagsalita pa pagkatapos noon
Muli akong napatingin sakanya ng magsalita siya
"Basta ang plano ay hindi ka magpapakasal kahit kanino. At ipangako mo, ipangako mong mananatili kang kay Luan. Mananatili ka sakanya, kahit pa may malaman kang iba naiintindihan mo ba?"
May malamang iba?
Ano ang ibig niyang sabihin?
May dapat ba akong malaman?
"Mangako ka Freya"
Tinignan ko ng diretso sa mata niya si Saxon
At mababakas ko roon ang kanyang pangamba
Pero pangamba saan?
"Oo nangangako ako, nangangako akong kay Luan lamang ako"