Her Thirst

2023 Words
----Freya POV---- Ikatlong araw. Ikatlong araw na ng inilaan para sa pagpipili ngayong araw At habang nagtatagal ay gusto ko ng umalis ng palasyo Gusto ko ng takasan ang lahat ng ito Pero naiisip ko ang mga bampirang kumupkop saakin dito sa mundong ito Ang mga Dragomir Naiisip ko rin ang mga nilalang na umaasa saakin Malaking responsibilidad ang nasa aking mga kamay At hindi ko magawang basta na lamang iyong bitawan Kahit nasasakal na ako sa sistemang meron ang mundong ito Isang pilit na ngiti ang isinalubong ko sa makisig na prinsipeng naglalakad na malapit sa aking kinauupuan "Kamusta magandang dyosa ng asul na apoy?" "Maayos naman ako prince Zephyr" Umupo siya bago muling nagsalita "Nagustuhan mo ba ang fura na ibinigay ko saiyo?" Ahh! Ang maliit na maliksing nilalang "Oo sobra kong nagustuhan" "Dragon sana ang ibibigay ko saiyo pero ang sabi saakin ng aking kanang kamay ay baka hindi mo magustuhan" Ngumiti lamang ako ng tipid sakanya "Tungkol pala sa pagpipili. May nasa isip kana ba kung sino?" Yumuko ako saglit bago muling tumingin sakanya "Walang makapapalit sakanya prince Zephyr" "Alam kong mahirap princess Freya" "Pero alang alang sa tungkuling hawak ko ngayon. Gagawin ko kung ano ang tingin kong makabubuti" "Nakakausap mo na ba ang Legendary Phoenix?" Ang legendary phoenix Mula ng muli kong binuhay si Luan ay hindi ko na siya muling nakausap pa tulad ng sinabi niya noon Kaya mas naging mahirap saakin ang lahat Nahihirapan na rin akong magpagaling Naisip kong umalis sa katawan ko ang Phoenix "Hindi ko pa siya nakakausap hanggang ngayon" "Nitong mga nakaraang taon, pansin ko ang pag iba ng balanse ng mundong ito maging sa Light Empire" Tama siya Mula ng mawala si Luan maraming mga pangyayaring hindi natural na nangyayari noon Tulad ng pagguho ng ilang kagubatan at bundok sa ibat ibang parte ng emperyo Ang pagsulputan ng mga kalaban ng Parua. Mga kalaban sa trono At ngayon ay ang paggising ng mga dyablo "Basta kahit anong mangyari. Lagi mong isipin na narito kami parati ni prince Crayon. We are always you're prince in shining armor" - ngiting sambit niya "Salamat prince Zephyr" Tumayo na ito at saka umalis hindi pa man siya nakakaalis sa aking paningin ay nakita ko na si Prince Crayon na naglalakd na papunta rito Bahagya pa silang tumigil ng magkasalubong sila bago tumingin saakin si Prince Crayon at nakita ko ang bahagya niyang pagtango at saka sila nagpatuloy sa paglalakad ni prince Zephyr Ano kaya ang sinabi sakanya ni prince Zephyr? "Muli na naman tayong nagkita prinsesa ng asul na apoy" - bati niya pagkaupo niya sa upuan "Hindi niyo naman napag usapan ni prince Zephyr ang pagsali dito hindi ba?" - tanong ko "Ahh hindi naman. Bilang mga crown ng Light Empire ay dapat naming sumali sa pagpipiling ito para bawiin ka sa Emperyong ito mahal na prinsesa" "Kahit naman isa sainyo ni prince Zephyr ang piliin ko ay mananatili pa rin ako sa mundong ito" "You are not only destine to role the Dark Empire, but also to role the Light Empire" "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip ang tungkuling nakaatang saakin prince Crayon" "Wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa" "Oo tama ka" - ngiting sagot ko "Ayos ka lang ba princess Freya?" "Huh? Oo ayos lang naman ako" Bakit ang hilig nilang itanong iyon? "Hindi ka ba pinaiinom ng dugo dito at namumutla ka ng ganyan?!" - kunot noong tanong niya "Inaalagaan nila ako, wag kang mag alala. Medyo iba lang ang pakiramdam ko nitong nakaraang araw" "Kakausapin ko pa rin ang mga Dragomir" Inayos niya ang kanyang kasuotan bago tumayo "Paano, aalis na ako mahal na prinsesa. Wag kang mag alala magkikita pa tayo sa huling araw ng pagpipili" Bahagya siyang yumuko at saka naglakad paalis Kinuha ko ang aking tasa at saka uminom Pero parang wala lamang nangyari Napapadalas ang pagkauhaw ko nitong mga nakaraang araw Pero hindi ko na iyon sinasabi pa sa mga Dragomir Ayokong mag alala pa sila saakin Masyado na akong pabigat sa palasyo Napatingin ako sa gawi ni Miya ng makita ko na ang lalaking naglalakad na papalapit sa direksyon ko Nakatingin lang din naman sakanya si Miya hanggang sa makaupo ito sa harapan ko "Magandang araw saiyo blue flame heiress" "Magandang araw rin saiyo prinsipe Tyron" Napalingon si Tyron sa kanyang likuran sa gawi ni Miya na ngayon ay masama ng nakatingin sakanya "Haha alam mo bang gusto niya na akong patayin ng malaman niyang sasali ako sa pagpipili" - sambit niya pagkabaling saakin "Bakit naman?" "Ayaw niya akong sumali dahil hindi mo naman daw ako pipiliin panigurado" "Binalaan kana pala ng kapatid mo. Bakit ka pa tumuloy?" Ang sama ko na ba? "Hahaha ikaw naman! Mag akto ka naman na gusto mo rin ang pagsali ko rito kahit konti lang" Di ko alam na malakas din pala ang tama nitong kapatid ni Miya "Gusto ko lamang makalabas ng Elfanio. Alam mo naman na bilang crown prince ng kaharian ng mga Elf ay talagang pinapatay na nila ako sa pagsasanay. At saka gusto kong makita ang kaharian ng Parua Abellon. At ang pagsali lamang sa pagpipili ang siyang paraan upang makaalis ako ng palasyo at makapunta rito. Sadyang kay laki nga talaga ng palasyo ng Parua" Nakatingin lamang ako sakanya habang siya ay patuloy lang sa pagsasalita Kabaliktaran siya ni Miya Si Miya ay tahimik lamang At siya? Ang daldal!! Iinom sana siya ng tsaa ng biglang may humila sakanya patayo "Umalis kana nga! Naiingayan lang sayo ang prinsesa!" Napangiti na lamang ako habang kinakaladkad na ni Miya si Tyron palayo habang hawak pa nito ang tasa Kumaway pa ito saakin na nginitian ko lang naman Lalo pang lumawak ang ngiti ko ng makita ang bampirang makakasalubong nila Miya Kunot noong nakatingin ito kay Tyron at ng mapatingin ito saakin ay umaliwalas ang kanyang mukha At wala pang isang segundo ay nakita ko na lamang siyang nasa harapan ko na at nakaupo He is really the fastest vampire of the century "Hi Freya" - bati niya "Kamusta ka na Khali?" Bigla naman itong sumimangot "Hindi mo na ako kinakausap nitong mga nakaraang araw! Simula ng mamatay ang pangit na un!" "Pasensya ka na Khali. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko" "Gaano pa ba katagal bago mo makalimutan siya Freya?" "Khali, kapag mahal mo ang isang tao, o kung anuman siya mahirap mo siyang makalimutan" "I don't really understand it. Paanong hindi mo siya kayang kalimutan kung siya tong unang tumalikod at kinalimutan ka" Hindi ako nakasagot sakanya at napalingon na lamang ako sa malawak na hardin na hindi nawawalan ng mga magaganda at mapupulang rosas At parang kusang nag play ang eksena kung saan at kailan niya ako iniwan Kung kailan ko huling nakita ang aking prinsipe bago siya naging nyebe sa aking harapan at hinipan ng hangin palayo Nakaramdam naman ako ng maliit na kamay sa aking pisngi Napalingon ako sa aking kanan "Don't waste your tears for that vampire king" "May rason siya Khali. May rason siya kung bakit niya ako iniwan" "Hindi ba pareho lang iyon?" Kunot noo ko siyang tinignan "Pareho ang alin Khali?" "Ang sinabi mo kanina sa sitwasyon na nangyari noon" Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko pagkatapos niyang punasan ang mga luhang umalpas sa aking mga mata "Ang mahirap siyang kalimutan dahil mahal mo siya. Di ba pareho lang un sa Hindi ka niya dapat iniwan kung talagang mahal ka niya?" "Khali ang tunay na pagmamahal ay marunong magsakripisyo" "Kahit pa alam mong hindi lang ikaw ang masasaktan?" Hinawakan ko ang kanyang naliit na kamay "Mauunawaan mo rin iyon balang araw Khali" "Hindi ko alam Freya. Parang ayoko ng ganoong sitwasyon. Hayaan mo andito naman ako diba? Kahit noon pa man andito lang naman ako sa tabi mo Freya. Sana bumalik kana. Sana bumalik na ang pinakamatapang na bampirang nakilala ko. Sana makita mo na kaming mga naghihintay sayo" Nagbago ba ako? Nakalimot ba talaga ako? "Hoy batang Gregory!" Bumitaw sa pagkakahawak ko si Khali at humawak siya sa kamay ni Ashton na ngayon ay hila hila ang kaliwang tenga ni Khali "Damn you wizard! Bitawan mo ang tenga ko!" "Tapos na ang oras mo! Kanina pa! Umalis kana!" Binitawan naman ni Ashton si Khali at saka hinila papunta sa likuran niya "Tss" Sinundan ko naman ng tingin ang si Khali na naglalakad na palayo Bago lumingon kay Ashton na ngayon ay nakaupo na "Hindi mo dapat iyon ginawa Ashton!" "Why? Sa tenga niya ko lang naman siya hinawakan ahh" "Hinila mo Ashton at hindi hinawakan" "Okay okay. Its my turn. Pwede bang tayo naman ang mag-usap?" Inirapan ko naman siya ng maalala ko na walang kwenta ang binigay niyang wand kong hindi niya naman pala ako tuturuan "Haha pinsan alam mo kung tungkol iyan sa wand na binigay ko. Madali lang naman ang solusyon dyan" Inilapit niya ang katawan niya sa mesa bago nagsalita ulit "Choose me" Sinipa ko naman ang mesa dahilan para masaktan siya at muling umayos ng upo "Ang rahas mo na pinsan! Iyan ba ang nakuha mo sa pananatili sa mga Dragomir?" - sambit niya "Ikaw! Ano bang pumasok sa ulo mo at sumali ka rito?! At gusto mo pang magkasala ako!" "Magkasala?" "Oo! Magpinsan tayo, pero gusto mong ikaw ang piliin ko para maging kalahati ko! Isang napakalaking kasalanan iyon!" "Kasalanan iyon sa mata ng mga mortal. Pero narito ka sa mundong ito Freya. At sa mundong ito hindi kasalanan at hindi ipinagbabawal ang mag asawa ka ng kadugo mo. Kahit nga kapatid mo ay maaari rin. Tignan mo ang magkakapatid na Dragomir. Si Adreana at ang tatlong prinsipe ng Parua. Sila sila rin naman ang nagkakagatan" Oo nga, pansin ko iyon pero lumaki pa rin ako bilang tao! At para saakin isang napakalaking kasalanan pa rin iyon. At hinding hindi ko iyon maaatim na gawin! "Ayoko pa rin!" "Ikaw rin. Im just giving you a BEST option" Sasagutin ko sana siya ng bigla akong makaramdam ng uhaw "Ayos ka lang?" Agad na lumapit saakin si Ashton. Maging sila Miya at Zeyton ng mapahawak na ako sa aking lalamunan at mariin na rin akong nakapikit "Kailangan niya ng dugo!" - sigaw ni Zeyton Agad namang umalis ang mga kawal Napahawak ako sa braso ni Ashton ng makaramdam ako ng matinding panununyo sa aking lalamunan "Freya! Anong nangyayari dito?" Narinig ko ang boses ni Adreana pero hindi ko magawang makapagsalita "Frey! Ito uminom ka" Agad kong kinuha ang kopita na bigay ni Zane at mabilis na ininom iyon Pero tila mas tumindi lamang ang pagkauhaw ko Kinuha ko ang lalagyan mismo ng dugo sa katulong ng palasyo at nilagok lahat ng laman niyon Pero ng maubos ko ang lahat ng dugo ay hindi pa rin nawawala ang pagkauhaw ko "Anong nangyayari dito?" "Hindi rin namin alam Kyran. Nakasalubong lang namin kanina ang mga bantay" - Travis "Bigla na lamang siyang nakaramdam ng uhaw kaninang nag uusap kami" - Ashton Lumapit saakin si Saxon habang ako ay nakaupo at hawak hawak pa rin ang aking lalamunan at ramdam ko ang paglabasan ng aking pangil at pamumula ng aking mga mata Maging ang mga ugat sa aking lalamunan ay nababakas na rin "Masama ito Kyran" - dinig ko kay Saxon "Saan ka pupunta Kyran? Kailangan nating mapatignan si Freya sa mga babaylan" - sambit ni Adreana ng tumalikod si Kyran "Hahanap ako ng lunas sa nararamdaman niya Adreana" Maglalakad na sana si Kyran ng bigla kaming makaramdam ng kakaiba Hindi ko na iyon gaanong pinansin ng makaamoy ako ng kakaibang dugo at napadako na lamang ang tingin ko sa kopitang nasa ibabaw ng mesa Dali dali kong hinawi ang kamay ni Saxon at kinuha ang kopita at mabilis na ininom iyon Kakaibang dugo Unang dampi pa lamang nito sa aking bibig ay tila nawala na ang aking uhaw Patuloy lamang ako sa pag inom hanggang sa naubos ko na ang laman niyon Napatingin ako sa hawak kong kopita Ito ang kopitang may laman ng dugo kanina Wala na itong laman kanina maging ang malaking lalagyan Pero bakit bigla na lamang nagkalaman ito? Saan galing ang kakaibang dugong aking ininom??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD